CHAPTER 2

1.4K 17 0
                                    

"Asar, asar, asar! Nasaan si Daryl kapag kailangan mo? Nasaan si Glenn kapag kailangan mo? Nasaan si Rick Grimes kapag kailangan mo?! Wala! Wala! Wala!" pagmamaktol ni Jing-jing tukoy ang mga bidang karakter sa paboritong TV series. Nakapameywang na sinipa pa niya ang gulong ng kotse niya sabay pukol ng masamang tingin sa nakabukas na hood ng kotse.

Kung kailan naman malapit na siya sa bahay ng mga magulang niya ay saka pa siya nasiraan. Parang nang-aasar lang. At nasiraan pa siya sa bahaging puros mga punong-kahoy at damuhan lang ang makikita. Bakante pa kasi ang mga lote sa kalsadang iyon.

Walang duda iisipin na naman ni Kuya Tom na sinadya niyang tagalan ang pag-uwi kaya dagdag na naman iyon sa sermon na aabutin niya mula rito.

Maraming bagay na itinuro sa kanya ang tatlong mga kuya niya habang lumalaki siya. Paano sumuntok, paano mag-basketball, paano umakyat ng puno, paano tumakbo ng matulin, paano lumangoy na parang pating sa bilis at kung ano-ano pa. Pero ang bukod tanging skill na hindi naituro ng mga ito sa kanya ay kung paano mag-ayos ng makina ng sasakyan. Dahil mahirap daw siyang turuan. Mas mahirap pa raw sa pagtuturo sa kanyang magmaneho.

Mabilis kasi siyang mainip kaya imbes na aralin at kilalanin ang bawat piyesa ng sasakyan, mas gusto niyang paghahaltakin na lang at ipagtatapon ang lahat ng mga nakikitang nakausling bagay sa loob ng makina. Akala kasi niya kapag ginawa niya iyon ay mas madaling maaayos ang sasakyan. Hindi pala.







SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon