CHAPTER 5

1.2K 22 0
                                    


                                                 Hanggang ngayon hindi ipinapaalam ni Jing-jing kay Bell na dahil sa binata kaya siya biglang nawalan ng boyfriend noon. Nakatitiyak kasi siya na hanggang sa hukay ay aalaskahin siya ni Bell tungkol roon. Kaya nungka niyang aaminin iyon sa binata. Ang totoo, kahit mga kuya niya ay hindi alam ang totoo tungkol kay Bruce. Sina Lucibelle at Chrisma lang ang nakaka-alam ng tunay na dahilan ng break-up nila ni Bruce.

"Pasensya na, tao lang. Sana kasi nagdala ka ng idiot board para hindi kami namali ng pag-pronounce sa pangalan niya," humahagikhik pa ring ani Jing-jing kay Bell.

Saglit na nag-angat ng tingin si Bell at sinulyapan siya. O mas tama sigurong sabihing pinukol siya ng masamang tingin. Bagay na lalo lang nagpalakas sa tawa niya. Iiling-iling at nagbubusang ibinalik na nito ang tingin sa inaayos sa makina ng kotse niya.

Inilabas niya ang cellphone niya mula sa bulsa ng cargo shorts niya. Binuksan niya ang Instagram account niya at pasimpleng kinunan ng litrato ang likod ni Bell habang nakayuko ang binata sa ilalim ng hood ng kotse niya. Likod lang nito ang nakikita sa picture. Pero hindi maikakaila sa suot nitong brown cargo shorts at mustard yellow shirt ang matipunong likod, mga braso at mga binti nito. He's a part-time chef and manager at Josephine's Cuisine, ang restaurant na pag-aari ng pamilya nito. May tatlong branches na ang naturang restaurant na pinasimulan pa ni Lola Josephine at ipinasa na lang kay Bell nang magpasya ang matandang babae na magretiro na tatlong taon na ang nakakaraan.

Pero hindi mahahalata sa fit na fit na katawan ni Bell na pagkain ang ikinabubuhay nito. Kahit araw-araw nasa loob ng restaurant at napapaligiran ng masasarap na pagkaing isini-serve sa Josephine's Cuisine, hindi mo iyon makikita sa katawan ni Bell. At hindi iyon dahil katulad niya ito na mabilis ang metabolism kaya kahit ano'ng takaw sa pagkain ay hindi pa rin tumataba. Ang totoo, nasa lahi nina Bell ang pagiging tabain base na lang sa ilang mga kamag-anak nito na nakilala na niya. Iyon nga rin ang dahilan kung bakit si Marie ay parang ibon at kambing kung kumain, kakarampot na nga lang, puros gulay pa. Takot na takot kasi ang babae na lumobo ng husto tulad ng ibang kamag-anak nito.

Pero kabaligtaran ni Marie si Bell. Pareho kasi sila ni Bell na matakaw at malakas kumain. Pero dahil mahilig ang lalaki sa kung ano-anong sports at daig pa nito ang kiti-kiti sa likot, hindi nagtatagal sa katawan nito ang mga fats. Tennis, basketball, swimming, running, boxing at biking ang ilan sa mga paboritong gawin ni Bell kaya kahit hindi ito mag-araw-araw sa gym tulad ng ginagawa ng karamihan sa mga kalalakihang may pangangatawan ng tulad nito, fit na fit pa rin ito. Well defined ang biceps, forearms, mga balikat, likod at mga binti nito.

At minsang bumisita siya kay Lola Josephine sa bahay ng mga ito ay hindi sinasadyang nabosohan niya si Bell nang madatnan niyang nagsi-swimming sa swimming pool ng mga ito. Kaya naman nalaman niya na eight-pack ang abs ng binata. Take note, hindi lang six-pack ang abs ng binata kundi eight-pack! Pero sabi ni Chrisma, hindi raw counted sa bilangan ng abs ang pectorals kaya anim pa rin iyon. Pero ilalaban niya hanggang sa Supreme Court na hindi niya isinama sa bilangan ang pectorals ni Bell. Basta very sure siya na eight-pack ang abs ng binata. Very sure talaga siya dahil kung hindi lang niya napigilan ang sarili nang mga sandaling iyon, dudutdutin na sana niya ng daliri ang abs ni Bell para maktiyak na hindi siya namamalik-mata lang. Buti na lang nakapagpigil siya dahil kung hindi, baka nilunod na niya ang sarili sa kahihiyang tinamo.

Sa pagkaka-alam ni Jing-jing, bukod sa Business Administration na tinapos ni Bell ay nag-aral din ito ng culinary arts. Kaya hindi lang ito marunong kundi masarap pang mag-bake at magluto. He still lives with his grandmother and his younger sister in the same old house he grew up in. And it was not because he couldn't afford to buy his own house but because he didn't want to leave his family.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon