Chapter 41

942 18 0
                                    

"Jing-jing, wala ka pa ring balak patawarin si Bell? Maawa ka naman sa tao. Nagmumukha nang engot slash tanga sa kabubuntot sa 'yo, ah." Kunot-noong komento ni Santi kay Jing-jing sabay nguso kay Bell na mula nang magbalik sa bansa ay halos gabi-gabi ring nasa Zenith Bar sa pagsisikap na mapakinggan ng dalaga ang paulit-ulit nitong sorry. Hindi pa sinasabi ni Jing-jing sa mga kabanda na nagka-ayos na sila ni Bell kanina sa bahay nila. Pero malinaw na pati mga kaibigan niya kumbinsido na rin talaga sa sinseridad ng mahal niya. Palihim siyang napangisi. Mamaya na niya aaminin sa mga kabanda ang pagkakasundo nila ni Bell. Isasabay na rin niya sa pag-aanunsyo tungkol sa pagbubuntis niya.

"Bahala siya sa buhay niya! Manigas siya diyan!" kunway paasik na ani Jing-jing.

Pero sa loob-loob niya ay halos mamilipit siya sa kilig dahil sa pagtitiyaga at pagpupursige ni Bell na suyuin siya. Feeling niya ay singhaba ng Edsa ang buhok niya. Miss Universe siya sa ganda.

"Loka-loka ka talaga, Jing-jing! Aba! Different ka rin, eh, 'no! Noong nasa States siya, ikaw ang panay ang ngawa dahil sa pang-iiwan niya sa iyo. Tapos ngayong narito na at sinusuyo ka, pakipot kanaman! Hirap ninyo talagang unawain mga babae kayo!" iiling-iling na palatak ni Santi. Kulang na lang kutusan siya nito sa inis nito sa kanya dahil sa inaakalang paninikis pa rin niya kay Bell. Kunsabagay, saksi kasi ang banda niya sa matiyagang panunuyo ni Bell sa kanya nitong nagdaang mga linggo. Kaya naman nakuha na rin ni Bell ang simpatya at pagdamay ng mga kabanda niya.

"Para magising siya sa katotohanang kailangang niya ako sa buhay niya at wala na siyang iba pang mahahanap na sing ganda at singa fabulous ko!"

"Hindi pa ba patunay ang pagbalik niya sa iyo na alam na niya 'yon? Ano bang klaseng patunay ang hinahanap mo? Ano bang dapat niyang gawin para patawarin mo siya?," naka-arko ang mga kilay na komento naman ni Cinda. Pero may pakiramdam si Jing-jing na hindi lang para kay Bell ang tanong nito kung hindi para na rin sa sarili nito. Hanggang ngayon kasi malabo pa rin ang lagay ng relasyon nito at ni Marymae.

"Teka nga. Nakakahalata na 'ko ah. Bakit ba parang binebenta nyo na 'kin ang lalaking 'yon! Sino bang kaibigan nyo! Ako o siya?" pameywang ni Jing-jing.

"Ikaw, syempre," ani Lucibelle.

"Pero mas kapani-paniwala kasi si Bell, eh, gwapo at macho pa," ani naman ni Chrisma.

"At siyempre mas kampi kami sa kabaro namin. Lalo na't madalas manlibre kaysa magpalibre," tumatangong segunda pa ni Santi.

"Mga taksil! Traydor! Mas kumampi pa kayo sa lalaking iyan?! Ako ang kaibigan ninyo!?" kunway bulalas ni Jing-jing. Pero biglang nanlaki ang mga mata niya dahil mula sa mesang pinagpapahingahan nila para sa break nila sa pagtugtog sa stage ay nakita niyang umakyat ng stage si Bell at kinuha ang mikroprono.

"Alright! This guy has guts! Let's just hope he can sing too. Kundi kahiya-hiya siya nito. Maupo ka lang diyan, Jing. Miss Universe ka ng lokong ito kahit pinaiyak ka," ngisi ni Santi kay Jing-jing bato tumayo at tinungo ang Stage kasunod ang tatlo pang kabanda.

Nang tangkain namang sumunod ni Jing-jing ay pinigilan siya ng waitress na si Arlene kasabay ng pag-abot sa kanya ng isang basket ng candied fruits.

"Kanino galing ito?" tanong niya kahit may kutob naman na siya kung kanino galing iyon.

"Bigay ni Bell mo. Bilis, basahin mo muna yung card," Kilig na kilig na wika ni Arlene.

Binuklat naman niya ang card:

"Jing-jing,

I'm sorry. I'm a fool. I'm a bastard. I don't deserve you. Please forgive me? I love you. Marry me? If yes, blink your eyes, if no eat fire.

From the Man who Loves you,

Bell"

Pagkatapos ay pumailanlang ang malamyos na awiting "God Gave Me You" ni Bryan White. At kahit mula sa kinauupan ni Jing-jing ay kita niya ang pamamasa ng mga mata ni Bell habang inaawitan siya.

Pagkatapos niyon, makakatanggi pa ba siya? Sinalubong ni Jing-jing ang nakikiusap na tingin ni Bell at nginitian ito. Saka siya sunod-sunod na kumurap-kurap.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon