CHAPTER 14

868 17 0
                                    


*******

"Sigurado ka bang magkamag-anak kayo?" puno ng kuryusidad na untag ni Bell kay Jing-jing paglabas ni Yang sa opisina ng binata.

Sabay pa silang napangiwi ni Bell nang paglabas ni Yang ay malakas na ibalibag nito pasara ang pinto ng opisina ng binata. Muntik pa silang magtalo ni Yang dahil iginigiit ng pinsan niya na sumama siya rito at kina Dennis at Chris sa plano ng mga ito na manood ng stage play pagkatapos nilang mag-dinner. Kaya naman tinapat na niya ito na kung hindi siya nabuhusan ng tubig, balak na talaga niyang layasan ang mga ito dahil hindi na siya natutuwa pa sa pinsan ni Chris. Batid ni Jing-jing na kung wala lang roon si Bell ay malamang hindi na pinigilan pa ni Yang ang sarili sa pagtataray at pagdi-demand sa kanya na sundin niya ang gusto nitong mangyari. Pero dahil ayaw ni Yang na ipahiya ang sarili, nagkasya na lang ito sa pagigil na pagpisil sa braso niya bago nagdadabog na umalis.

"At bakit naman, aber? Ayusin mo ang sagot mo kundi mawawalan ka ng mata," nagbabantang aniya na dinampot ang tinidor mula sa tray ng pagkain na ihinatid na ng staff ni Bell kaninang nag-uusap pa sila ni Yang.

Sanay na siyang masabihan at matanong kung ampon lang ba siya dahil bukod tanging siya ang black beauty sa kanilang magkakapatid. At dahil tisay rin si Yang, mas mukhang ito ang kapatid ng mga kuya niya kaysa sa kanya. Mas kahawig pa ni Yang ang Kuya Errol niya kaya kapag magkakasama sila, inaakala ng iba na si Yang ang tinutukoy na kapatid ng Kuya Errol niya.

"Malayo ang ugali mo sa kanya," tugon naman ni Bell na malayo sa inaasahan niya. Akala niya dahil sa hitsura nila kaya nito nasabi ang komento nito tungkol sa pagiging magkamag-anak nila ni Yang.

"Paanong malayo? Slight maldita lang siya pero ako demonyita to the highest level, ganun?" naka-arko ang mga kilay na aniya habang nilalagyan ng pasta with fish and red cream sauce ang plato sa tapat ni Bell. Hindi pa rin daw ito nagdi-dinner kaya sasabay na rin sa kanya.

"No, it's the other way around. Slight maldita ka lang, siya ang demonyita," umiiling at pumapalatak na ani Bell.

Saka umangat ang kamay ng binata upang marahang haplusin ang kaliwang braso niyang gigil na pinisil kanina ni Yang. Napansin pa rin pala ng binata ang patagong ginawa ng pinsan niya. Bahagyang namumula ang braso niya at ang bahaging iyon ang marahang hinagod ng mga daliri ni Bell. Napaigtad siya sa kuryenteng dumaloy sa buong braso niya dahil sa ginawa ng binata. Napuna naman ni Bell iyon at inakalang nasaktan siya kaya lalong nangunot ang noo nito. Itinigil nito ang paghagod sa braso niya pero nanatili pa ring nakahawak doon.

"Lagyan natin ng hot compress, baka magkapasa ka," nag-aalalang ani pa nito.

"Hindi na, hindi naman ganoon kadiin ang hawak niya. Balewala iyan. Kumain na lang tayo," tanggi niya.

Inilayo na niya ang pasaway niyang braso rito. Bakit ba ganito ang reaksyon ng katawan niya sa paghaplos ng binata sa braso niya? Parang biglang naging napakasensitibo ng balat niya. Bawat hagod ng mga daliri nito tila may kuryenteng hatid sa bawat bahagi ng katawan niya. Hindi naman iyon ang unang beses na nahawakan siya nito. Noong mga bata pa nga sila ay madalas pumapasan pa siya rito kapag magkasundo sila.

"Sigurado ka? Hindi ba bumaon ang kuko niya? Namumula 'o," ani Bell.

"I'm sure. Kumain na tayo, mamamatay na ako sa gutom!" eksaheradong aniya.

Matamang minasdan pa muna ni Bell ang braso niya. Tila nais tiyakin sa sarili na wala nga siyang sugat o pasa bago nito binuksan ang bote ng wine at sinalinan ang wineglasses nilang dalawa.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon