CHAPTER 11

894 21 0
                                    


         Maraming ibang dapat gawin at asikasuhin si Bell nang gabing iyon. Pero sa halip na harapin ang trabahong iniwan niya sa loob ng opisina ay mas pinili niyang maupo sa isa sa mga mesa sa loob ng dining area ng restaurant niya. Mas nakaka-aliw kasing pagmasdan si Jing-jing kaysa ang mga papeles sa office desk niya.

Nagulat at nagduda siya nang makita niya kanina si Jing-jing na dumating kasama ang pinsan nitong si Yang at ang dalawang lalaki. Iyon kasi ang unang pagkakataon na pumunta rito sa restaurant niya si Jing-jing nang hindi kasama si Ace. But his surprise at seeing her willingly steppin inside his restaurant swiftly turned to disgust and indignation when he recognized the man who was obviously Jing-jing's date. Kung hindi lang niya agad napigilan ang sarili ay malamang sinugod na niya si Jing-jing at hinila palayo upang komprontahin.

What the hell was she thinking coming to his restaurant with that guy?! Ano'ng gusto nitong palabasin? Nananadya ba ito kaya isinama rito sa teritoryo niya ang ex-boyfriend ni Deeva? Pero base sa ekspresyon ni Jing-jing nang makita siya at ang tila nabiglang paglinga-linga nito sa paligid, malinaw na noon lang napansin ng dalaga kung nasaan ito. Kaya hula niya ay hindi si Jing-jing ang nagyaya sa mga kasama nito na magpunta rito. Posibleng hindi naman nito ipinagduduldulan sa mukha niya ang lalaking mas piniling sagutin ni Deeva noon kaysa sa kanya.

Still, it didn't explain what Jing-jing was doing going out with that asshole. At bakit hindi nabanggit ni Ace sa kanya na may idini-date na naman palang ibang lalaki ang dalaga? Ano'ng silbi ng usapang-lalaki nila kung hindi naman pala ito tutupad sa napagkasunduan nila? Pero agad ring napalis ang pagkairita niya nang mapansin niya na nababagot at naaasar na sa ka-date nito si Jing-jing. Malinaw pa sa mga wineglasses nila na napipilitan lang ang dalaga na kausapin at pakinggan ang lalaki.

Sa tagal ng pagkakakilala nilang dalawa ng dalaga, masasabi niyang kaya na niyang basahin ang nilalaman ng isip nito. At base sa anyo ni Jing-jing, seryosong pinagdedebatehan na ng dalaga sa isip kung alin sa dalawa ang mas gusto nitong gawin: walang paalam na layasan ang ka-date nito o ibuhos sa ulo ng ka-date ang laman ng baso nito.

Isang ideya ang biglang nabuo sa isip niya. Kinuha niya ang cellphone niya at nagpadala ng text sa dalaga.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon