Chapter 24

594 14 0
                                    


                                  "I invited Jing-jing to have dinner with us, Marie. And I don't want you making another childish scene." Maagap na pinigilan ni Bell ang malinaw sa lahat na binabalak gawin ni Marie kay Jing-jing. Base sa mala-tigre sa bagsik na anyo ng kapatid niya at sa nakakuyom nitong mga kamay, balak na namang sugurin ni Marie si Jing-jing.

Hindi niya masisi si Jing-jing sa ginawa ng dalaga na pagsiksik sa tagiliran niya.

"Hello, Marie! Peace?" halatang peke at labas sa ilong ang kasiglahan at magiliw na pagbati ni Jing-jing kay Marie.

"I can't believe this! How could you do this to me, Kuya Bell? Uninvite her right now! Ayoko siyang makita! Huwag na huwag mo siyang mapapasok sa bahay natin!" sigaw ni Marie.

Pero nang makita nitong nagsalubong na ang mga kilay niya sa iniaakto nito ay dagling lumambong ang mga mata nito at napuno ng hinanakit ang anyo at tono.

"Alam mo kung ano ang kasalanan niya sa akin, Kuya. Pati ba naman ikaw tatraydurin ako?!" sumbat nito.

Bumuntung-hininga siya. Minsan, nagsisisi talaga siya na ini-spoil niya masyado si Marie.

"Stop being a brat, Marie. Wala ka sa telenobela, 'no? and for the last time, wala kaming relasyon ng Darrell mo. Kung gusto mo ako pa ang magkasal sa inyong dalawa para matahimik ka na!" angil ni Jing-jing na tila nabawi na ang tapang at lakas ng loob nito. Pagkuwan ay ikinumpas nito ang isang kamay para i-emphasize kay Marie ang kahulugan ng pagkakadikit nilang dalawa. Bagay na hindi agad napansin ni Marie dahil mas nauna ang galit ng huli kay Jing-jing.

Biglang nanlaki naman ang mga mata ni Marie nang makita ang mga braso nila ni Jing-jing na nakayakap sa isa't isa.

"What---you mean---you---and you---"

"Oo. Yes. Mismo. Kami na ng kuya mo. Matagal na. Hindi lang namin inamin agad sa kahit na sino sa inyo dahil nag-aalala kaming kokontrahin ninyo ang pagmamahalan namin!" sunod-sunod na tango ni Jing-jing na ikinangiwi ni Bell.

Sa kadramahan ng dalaga at dialogues na ninakaw nito sa mga telenobela, posibleng ito na rin mismo ang magbuko sa palabas nila. Pero sa kabilang banda, ganito naman talaga ito umakto at magsalita kapag nang-aasar o kaya naaasar. Eksaherado at cliche ang mga binibitawang salita kapag naaasar sa kausap. Kaya siguro naman hindi mahahalata nina Marie at Darrell ang scripted na pag-arte ni Jing-jing.

"Alam kasi naming tututol lang kayo kung malalaman ninyo ang tungkol sa aming dalawa. Kaya humahanap pa kami ng tiyempo. Pero dahil sa kapraningan mo at pagseselos mo sa akin at kay Darrell, naisip namin na lumantad na," saad pa ni Jing-jing habang kumukumpas-kumpas pa ang isang kamay.

Iyon ang napagkasunduan nilang isasagot sa mga

magtatanong at magtataka sa tila biglaang pagkakasundo at

pag-amin nila na may relasyon na sila. At dahil hindi naman na nakapisan si Jing-jing sa poder ng mga kuya nito, maipapalabas nilang sa condo unit nina Jing-jing, Lucibelle at Chrisma siya madalas bumibisita at nanligaw sa dalaga. They also agreed that she would tell her brothers that it was her idea to hide their relationship at first. Kung sasabihin nga naman kasi nilang siya ang ayaw umamin na may relasyon sila, iisipin ng mga kuya ni Jing-jing na ikinakahiya niya ang dalaga. At tiyak, mabibilang ang mga araw sa mundo ni Bell kapag nangyari iyon.

Ang totoo, hindi pa nga rin siya tiyak kung paano niya mapipigilan ang mga kuya ni Jing-jing na tuldukan ang buhay niya ngayong nagpapanggap silang magkasintahan. Hindi naman sa bawal pang magka-nobyo si Jing-jing. Twenty-three na ang dalaga. Pero iba siyempre ngayong siya na ang ipapakilala ni Jing-jing sa mga kuya nito bilang nobyo nito. Ang alam kasi nina Kuya Tom at Errol ay kaaway na minsan ay kaibigan ang turing ni Jing-jing sa kanya. But then Jing-jing told him that Kuya Tom said he liked Bell for Jing-jing. Kaya kahit paano, may isa na siyang kakampi sa tatlong kuya ng dalaga. Hindi, mali, dalawa na pala. Dahil matagal nang alam ni Ace ang damdamin niya kay Jing-jing. At matagal na rin niyang naipalaam sa kaibigan ang balak na panliligaw sa kapatid nito ngayong nasa tamang edad na ang dalaga. Ace still didn't like it but his friend had no choice but to give his blessing. Maliban sa natural na pagtutol nito sa kahit na sinong lalaking mapapaugnay sa bunsong kapatid nito, wala namang ibang maipupula si Ace sa kanya.

Hindi siya playboy tulad nito. May matatag na siyang hanapbuhay. At higit sa lahat, kaya niyang pagpasensyahan at sakyan lahat ng topak ni Jing-jing. Even her gross obsession with The Walking Dead.

"Kuya Bell! Is it true?! Kayo na ni Jing-jing?!" gilalas na baling ni Marie sa kanya.

"Oo---"

"No! Hindi---"

"Sa loob na tayo mag-usap!" maawtoridad niyang putol sa pagpoprotesta pa sana nito.

Agad na natikom naman ang bibig nito. Nagpatiuna pa itong lumakad papasok sa gate ng bahay nila. Pero tinapunan pa muna nito ng matalim na tingin si Jing-jing

bago tuluyang pumasok sa gate.

"Wala ka bang nakatagong baril, katana, palakol o kung ano pang deadly weapons sa loob ng bahay ninyo?" paanas na untag ni Jing-jing sa kanya. Nananatiling nakakapit ito sa braso niya habang magka-agapay silang humahakbang papasok sa loob ng bahay niya.

Nang sulyapan ni Bell si Darrell ay nahuli niya ang nagtatakang tingin ng lalaki sa kanila ni Jing-jing. Mukhang hindi pa ito lubusang kumbinsido na may relasyon na nga sila ngayon ni Jing-jing sa kabila ng inisyal na reaksyon nito kanina.

Tulad ng inaasahan ay galit na kinompronta siya ni Marie sa loob ng family room kung saan pwede silang mag-usap ng pribado at hindi maririnig ng mga katulong o ni Lola Josephine na kasalukuyang natutulog na. Pero dagli ring umurong ang dila ni Marie nang malamig ang boses at may bahid din ng galit na sinabihan niya itong wala itong karapatang diktahan siya sa personal na desisyon niya. Then he pointedly looked at Darrell's direction upang maipaalala sa kapatid ang sariling relasyon nito na kahit tinututulan niya ay hindi niya pinigilan.

Bahagyang napayuko si Marie. Pero ayaw pa rin nitong sumuko.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon