Chapter 38

678 17 0
                                    


"Wala akong karapatang sabihin ito. Ni wala akong karapatang lumapit pa sa iyo matapos kong magsinungaling at papaniwalain kang may iba na ako para lang mapadali ang pakikipaghiwalay ko sa iyo. Pero, nakikiusap ako sa iyo, Jing-jing. Kahit ngayon lang, isang beses na lang. Pakinggan mo sana ako?!" pagsamo nito na kulang na lang lumuhod sa harap niya. His face was full of anguish. Humapis ang gwapong mukha nito at nanlalalim ang mga mata na para bang kung gaano ito katagal nawala ay ganoon din katagal itong hindi natulog.

"Sorry, Alexasar Gagong Bell. Wala akong panahong makipaglokohan ulit sa iyo!" singhal niya rito. Bagaman saglit siyang natigilan nang marinig ang sinabi nito tungkol sa pagsisinungaling nito para lang mapadali ang pakikipaghiwalay nito sa kanya. Kung hindi ibang babae nito, ano pa ba ang posibleng dahilan at nakipag-break ito sa kanya almost three months ago? Isang buwan na itong nakabalik sa bansa at isang buwan na rin silang nagtataguan. Nagtatago siya rito habang ito naman ay pilit sinusubukang kausapin siya. Ni hindi siya um-attend sa kasal nina Darrell at Marie para lang makaiwas kay Bell.

At malaking dahilan niyon ay dahil maliban sa mg akabanda niya, wala pa siyang ibang pinagsasabihan tungkol sa kondisyonniya. Not her brothers and certainly not this asshole who broke her heart. Buti na lang hindi nito naabutan ang pag-amin niya kina Marie at Darrell tungkol sa kalagayan niya. Alam niyang hindi ito ang tipong tumatalikod sa mga responsibilidad. Kaya natitiyak niyang handa itong panagutan siya sa sandaling malaman nito ang kalagayan niya. Pero siya ang hindi handang makaharap, makausap o makasama ito habang dinadala niya ang anak nila.

"Jing-jing, sandlai lang! Makinig ka muna sa akin."

"Hindi ka naman tanga, hindi ka manhid. Alam mo naman siguro ang ibig sabihin kapag ayaw kang makausap ng isang tao, di ba? Maawa ka sa pride mo. Tapos na tayo. Ayoko na sa iyo," matalim ang boses na gagad niya sa mga sinabi nito noong makipaghiwalay sa kanya.

*******

Napangiwi si Bell nang marinig ang parehong mga salitang binitawan niya kay Jing-jing noon. Sinabi niya ang mga salitang iyon para mas mabilsi siyang kamuhian nito. Para mas mabilis siyang kalimutan at palitan sa puso nito. Nang gawin niya iyon, akala niya nagsasakripisyo siya. Akala niya ang pagpapalaya sa dalaga mula sa mapag-angkin at makasarili at selosong pagmamahal niya ang pinakamagandang regalong maibibigay niya para sa dalaga.

Pero walang humpay na kamiserablehan at sakit ang katumbas niyon sa kanya. At siguro kung hindi pa siya sinugod at ginising sa kahibangan niya ng tatlong bigwas mula sa Kuya Tom, Kuya Ace at Kuya Errol ni Jing-jing, hanggang ngayon, tahimik pa rin niyang kinikimkim ang pagmamahal niya para sa dalaga.

Inakala kasi niya na tulad siya ni Marie na masyadong posessive, masyadong demanding, masyadong seloso nang pati sa simpleng panaginip ay magselos siya at inaway si Jing-jing. Natakot siya sa sariling damdamin. Natakot siyang maging masahol pang halimaw na walang ginawa kundi magselos. Natakot siya na magising siya isang araw na dinidiktahan ang lahat ng kilos ni Jing-jing dahil sa pagiging over posessive niya. At higit sa lahat, natakot siya na kamuhian siya ng dalaga dahil roon.

Pero dahil sa tatlong kuya ni Jing-jing, isang bagay ang nalinawan sa isip niya.

"Sa tingin mo ba si Jing-jing ang tipo ng babaeng papayag maging battered wife? Baka kamo ikaw pa ang mabugbog at maging ander de saya nun. Kilala ko ang bunso namin, Bell. At kilala rin kita. You're opposites but you balance each other out. You need her and she needs you," mariing saad ni Ace sa kanya. Pero bago iyon ay isang malakas na suntok muna ang ipinangbati nito sa kanya bilang ganti sa pagpapaiyak niya sa kapatid nito.

"At hindi mo kailangang mag-alala na magiging seloso ka tulad ni Marie kay Darrell, hindi ka naman praning tulad ng kapatid mo. Besides, she's a woman. Natural yun sa mga babae. Level one hundred nga lang pagdating sa praning mong kapatid," ani Errol na tinapik-tapik pa siya sa balikat. Sa mismong balikat na muntik na nitong baliin nang pilipitin nito kanina.

"Isa lang naman ang dapat mong tandaan, Bell. Mahalin mo si Jing-jing. Put her happiness above yours. That's all you have to do," tipid pero diretso sa puntong wika ni Kuya Tom.

At dahil doon naggising si Bell sa kagaguhan niya. He loves Jing-jing. He loves her above his own happiness. Not selfishly like he thought when he got jealous over a damned stupid dream. He loves her unselfishly. Unconditionally. Handa siyang isakripisyo ang sariling kaligayahan para dito. At kung sa hinaharap, makikita niyang magiging miserable ito sa piling niya, handa ulit siyang palayain ito. Makukuntento na siyang mahalin ito mula sa malayo tulad ng ginagawa niya s aloob ng limang taon. Pero sa ngayon, hanggang mahal pa siya nito, hanggang hindi pa siy anito kusang binubura sa puso nito, mananatili siya sa tabi nito.

"I'm sorry, hindi ko dapat sinabi iyon lalo na at wala ni isang katotohanan ang mga iyon."

"Talaga!" singhal na may kasamang irap sa kanya ni Jing-jing. Binuksan nito ang pinto ng kotse nito at akmang sasakay na roon pero marahang pinigilan niya ito sa braso.

"Jing-jing, please? Mag-usap muna tayo."

"Ayoko! At please lang, lumayo-layo ka sa akin! Ang baho mo!" pandidilat nito ng mga mata sa kanya habang iwinawasiwas ang kamay sa tapat ng mukha.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon