CHAPTER 17

1K 26 2
                                    


Nagulat man sa muling pagsulpot ni Bell condo unit niya ay hindi nagpahalata si Jing-jing. Pinatuloy niya ang binata at inalok ito ng maiinom. Mag-isa lang siya sa bahay ngayong araw dahil as usual punong-abala na naman si Lucibelle sa kasal ng half-sister nito.

"Bakit naligaw ka na naman dito, Bell? Huwag mong sabihing balak na naman akong sugurin ni Marie at ikaw ang advance party niya?"

"Marami namang ibang lalaki sa mundo, Jing-jing. Maraming ibang lalaki na pwede kang maging kaibigan. Bakit hindi mo subukang layuan na lang si Darrell? Para man lang sa ikatatahimik ng isip ni Marie. Ikakasal na sila ni Marie at magkakaanak na. Kung wala kang pakialam kay Marie, sana isipin mo na lang ang magiging anak nila, ang pamangkin ko," seryoso ang anyo at tono ni Bell. At kung hindi siya nagkakamali, tila may himig na rin ng pakikiusap ang boses nito. Obviously, he was stressed about Marie's emotional, physical and psychological condition.

Bigla tuloy siyang nakadama ng awa para sa binata. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Marie. Isa iyon sa mga bagay na hinahangaan niya sa binata.

"Alam mo, Bell, hindi sapat na solusyon ang pag-iwas ko kay Darrell. Alam ko na alam mo kung ano ang problema dito. Ang wala sa lugar na pagseselos ni Marie. Unfair naman sa amin ni Darrell na kami ang magsasakripisyo para sa walang basehang pagseselos ng kapatid mo."

"I agree. Unfair nga iyon sa inyo. Lalo na sa iyo dahil alam kong inosente ka sa lahat ng ito. At kung hindi lang buntis si Marie ngayon, hindi ko hihilingin sa iyo na gawin ito. Pero alam mo na maselan ang kalagayan ng isang buntis. Makakasama sa dinadala niya ang maya't mayang pagsama ng loob ni Marie dahil sa pagiging malapit ninyo ni Darrell sa isa't isa."

"Alam mo naman pala eh---teka! Ano'ng---"

Naguguluhang napahakbang siya paatras nang biglang lumapit nang husto si Bell sa kanya. Sa sobrang paglapit nito halos hangin na lang ang makakaraan sa pagitan nila. Malakas ang kabog ng dibdib na sinubukan niyang umatras muli pero wala na siyang aatrasan. Kitchen sink na ang nasa likuran niya.

"Bell! Ano bang ginagawa mo?!"

"Naisip ko lang na kung magkakaroon ka ng boyfriend na alam ni Marie na mahal na mahal mo at hindi mo lolokohin, matutuldukan na ang lahat ng paghihinala at pagseselos niya sa iyo. She'd finally accept that to you, Darrell is really just a friend," seryoso ang anyo at tonong wika ni Bell habang sinasalubong ang tingin niya.

Hindi naman mapigilan ni Jing-jing na pangapusan ng hininga at mapakurap ng ilang beses. Ano bang sinasabi ni Bell? Hindi yata tumatagos sa isip niya. Paano ay nilalamon ang buong diwa niya ng pagkakalapit nila ng binata. Nalalanghap niya ang pabango nito at ang likas na lalaking-lalaking amoy nito. Pati na ang amoy mint na hininga nito. Para siyang napatapat sa nagliliyab na apoy. Naiinitan siya pero hindi naman siya pinagpapawisan. Parang kumukulo ang dugo sa loob ng katawan niya at napakasensitibo ng balat niya.

She was almost scared that when Bell touches her, she'd instantly go up in flames! Ano'ng nangyayari sa kanya? Bakit ganito ang reaksyon ng katawan niya sa lalaking ito?! He's her nemesis! Her childhood frenemy!

"Your shaking, Jing-jing. Don't tell me you're scared of me?" mapanghibo ang tono ni Bell. At puno ng kahulugan ang ngiti nito.

"B-bakit naman ako matatakot sa iyo?! Hindi kaya ako takot sa iyo!"

"Good! It won't be a convincing lie if Marie sees that you're scared of me instead of being madly in love with me."

"Hindi ako takot sa iyo at---teka! Teka! Ano?! Ano'ng madly in love with you?! Aba'y mas praning ka pa pala kaysa kay Marie eh!" malakas na pahayag niya. Dahil sa sinabinito ay tila biglang napalis ang ulap na lumambong sa isipan niya kaninang matitigan ang asul na asul na mga mata ni Bell.

"Iyon ang naisip kong ideya para makumbinsi si Marie na wala talaga kayong relasyon ni Darrell. We will pretend to be lovers. You'd act like you're madly in love with me and I'll pretend like I can tolerate being around you for at least a few hours a day."

"Ano?!"

"No? Then what? I'd pretend to be madly in love with you and you'd pretend you're just tolerating me? Pero sa tingin ko hindi makukumbinsi si Marie na wala kang interes kay Darrell kung ganoon ang gagawin natin. Mas maganda ang unang idea ko. Ikaw ang magkukunwaring in love na in love sa akin at aakto naman ako na kunwari gusto rin kita."

"Bakit ba kasi kailangan pang magpanggap tayo na may gusto o in love sa isa't isa?! Kalokohan ang iniisip mo. Ipadala mo na lang sa mental hospital ang praning na kapatid mo para pare-pareho tayong hindi na maperwisyo!" gigil na aniya.

"Hindi naman natin kailangang magpanggap habang buhay. Hanggang sa masiguro lang natin na ligtas na makakapanganak si Marie. Tingin ko epekto lang din ng pregnancy hormones niya kaya siya nagkakaganito ngayon. Pagkapanganak niya, sigurado akong babalik na siya sa dati."

"Babalik sa dati? Eh dati naman nang maldita talaga ang kapatid mo! Kaya walang pinagkaiba iyong dati sa ngayon, nag-level up lang siya!"

"Jing-jing, please, do this not for me or even for Marie. Do this for my unborn niece or nephew," wika ni Bell na bagamat nakikiusap ang tono at anyo, hindi pa rin siya makumbinsing tunay na nagmamakaa-awa nga. Siguro kasi hindi naman talaga ito mukhang kaawa-awa kahit na anong gawin nito. Ang mga tunay na nakakaawa kasi ay iyong mga mukhang aping-api at pinagtaksilan ng tadhana at pagkakataon. Kaya naman paano magiging nakakaawa ang isang lalaking may mukha, pangangatawan, yaman at abilidad ni Bell? Pero para sa kapatid nito ay handa itong magpakumbaba at humingi ng tulong mula sa kanya na itinuturing nitong katunggali.

"Pag-iisipan ko muna. Lumayas ka na sa pamamahay ko at nang makapag-isip ako," aniya sa binata kahit na seventty percent naman na siyang siguradong papayag din siya sa huli. Ang nalalabing thirty percent ay dahil duda siya kung maggagawa ba nilang maging convincing sa pag-arte nila at kung mapapaniwala nga ba nila si Marie.

From enemies to lover overnight? Imposible!

'Sing imposible ng naging reaksyon ng katawan mo nang magkalapit kayo ni Bell kanina?' ang nang-iintrigang tanong naman sa kanya ng munting malditang boses sa likod ng isip niya.

"Alright. May gig ba kayo ng banda mo mamaya?"

"Wala. Bukas pa."

"Saan? Ano'ng oras?"

"Sa Zenith Bar sa---teka, bakit mo tinatanong?" biglang nagdudang aniya.

"Para susunduin kita pag-uwi ninyo. As your now pretend boyfriend, it's my responsibility to make sure you get home safe every night. Lalo pa't alanganin ang oras ng uwi mo gabi-gabi."

"Ano'ng pinagsasasabi mo diyan?! Ni hindi pa nga ako pumapayag sa idea mo, Alexander Graham Bell!" malakas na protesta niya.

Pero bingi si Bell sa protesta niya. Sa halip ay nagkibit-balikat lang ito at humakbang na patungo sa pinto ng condo unit niya.

"Tatawagan ko na lang si Lucibelle para tanungin kung ayaw mong sabihin," ani pa nito.

"Bell!"

"See you later, Jing-darling!"

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon