Chapter 35

611 15 0
                                    


"Ano'ng ginagawa mo diyan? Bakit hindi mo siya pigilan?" asik nito sa kanya.

"Hayaan lang muna natin siyang ilabas lahat ng galit at sama ng loob niya. Kapag naggawa na niya 'yon, tapos na. Bukas okay na ulit siya. Kahit noong bata pa siya ganyan siya maglabas ng sam ang loob niya."

"Sigurado ka? Parang ginigiba na niya ang kwarto niya."

"And she'd regret it tomorrow and probably blame Bell about it too."

"Gagong Bell talaga iyon. Kung hindi ba naman siraulo, makikipag-break sa telepono?! At hindi man lang umisip ng orihinal na dahilan o rason ng pakikipag-break niya!" gigil na sambit ni Lucibelle. Obviously, alam nito ang dahilan ng paghihiwalay nina Bell at Jing.

Inarkuha niya ng mga kilay si Lucibelle bilang pagtatanong.

"Alam mo kung ano'ng rason ang sinabi niya?"

"Hindi. Kaya nga tinatanong kita."

"May iba na raw siyang mahal. Nakilala niya roon sa States. Gago talaga!"

Kumunot ang noo ni Tom. Ewan niya pero hindi siya naniniwala roon. Limang taong lihim na minahal ni Bell si Jing-jing. Pati pagkakaibigan nito at ni Ace isinugal nito makasama lang ang kapatid niyang babae. Tapos dahil lang sa isang babaeng nakilala nito sa States, ipagpapalit nito si Jing-jing? Hindi man lang sa isang ex na matagal na nitong kakilala at minsang minahal?

Ang totoo, hindi siya gaanong nag-aalala nang malaman niya ang paghihiwalay nina Jing at Bell. Nasisiguro kasi niya na pagbalik ni Bell sa bansa, itataob nito ang buong Pilipinas kung iyon ang kailangang nitong gawin para lang makabalikan si Jing-jing. Kaya nga boto siya rito. Alam niya kung gaano kamahal ng lalaki ang kapatid niya.

Bigla niyang naalala ang kapatid ni Bell na si Marie.

"Imposibleng ipagpalit ni Bell sa ibang babae si JIng-jing. Hindi kaya may kinalaman si Marie dito?"

"Alam mo naisip ko nga rin iyan. Pero magkasundo na sina Jing-jing at Marie. Ilang beses na ngang nagpunta rito si Marie para ilakad ang kuya niya kay Jing-jing. Siya rin mismo ang nagsasabing walang ibang babae si Bell sa States. At kinukumbinsi niya si Jing-jing na tawagan ulit at kulitin ang kuya niya. Kahit yata kasi sa kanila, bibihirang tumawag si Bell lately," kalat din ang pagdududa sa anyong ani Lucibelle.

"Kakausapin ko si Ace. May hindi tama rito."

"Okay. Pero kung totoo ang sinabi ni Bell at may iba na nga siy akaya niya hiniwalayan si Jing-jing, pakibugbog na rin para sa akin, please?"

"My pleasure."

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon