CHAPTER 16

909 25 0
                                    


                                     Nang sumunod na magmulat ng mga mata si Jing-jing ay puting kisame ang bumungad sa kanya. Bakit amoy gamot ang kwarto niya? At bakit naging puti ang kurtina niya gayong pagkakatanda niya ay light blue iyon? Pagkuwan ay napansin niya na parang bigla ring naging makitid ang kama niya. Teka, nananaginip ba siya?

Nang ipaling niya pakaliwa ang ulo ay saka niya napuna ang dextrose na nakakabit sa kamay niya. Nang igala niya ang paningin sa loob ng silid niya ay saka niya natuklasan na nasa loob pala siya ng isang private hospital room at wala sa kwarto niya.

"How are you feeling?" biglang untag ng boses ni Bell mula sa gawing kanan niya.

Gulat na bigla siyang napalingon rito. Ano'ng ginagawa nito rito? Nasaan sina Lucibelle at Chrisma? O kaya ang mga kuya niya? At bakit siya narito sa ospital?

*******

Kahit sinabi na ng doktor na hindi naman nakamamatay ang sakit ni Jing-jing, hindi pa rin mabawasan ang pag-aalala ni Bell habang nakatunghay sa dalaga. Nang sundan niya si Marie nang sugurin nito si Jing-jing sa condo unit ng huli ay hindi niya inaasahan ang madaratnang tagpo. He almost didn't recognize his own sister after seeing her slap Jing-jing twice without provocation. At para hindi na lumala ang sitwasyon ay isinama na niya agad si Marie pauwi kahit ang gusto niyang gawin ay komprontahin si Jing-jing.

Komprontahin at alamin kung ano ba ang kalagayan ng dalaga. Sabi kasi nina Chrisma at Lucibelle, inaapoy ng lagnat ang dalaga. Kaya naman pagkahatid niya kay Marie sa bahay nila ay pinalipad niya ulit ang kotse niya pabalik sa condo building nina Jing-jing.

And he might've overreacted when he saw Chrisma and Lucibelle panicking and arguing over Jing-jing's fever-racked and shaking body. Walang salitang pinangko niya ang dalaga at dinala sa ospital sa kabila ng pagigiit nina Chrisma at Lucibelle na tinatrangkaso lang si Jing-jing at hindi ganoon kalubha ang lagay para isugod nila sa ospital. Pero paano niya papaniwalaan ang dalawang dalaga na ni hindi magkasundo kung ano ang mas tamang ipainom na gamot sa dalaga. Iyon pala brand lang ng gamot ang pinagtatalunan ng dalawa at hindi kung ano'ng klase o uri ng gamot ang nararapat ipainom sa dalaga. Medyo napahiya pa tuloy siya sa mga doktor at nurses dahil sa pagpa-panic niya.

Still, he was glad he brought her to the hospital. At least now, he's sure that she really would be okay. Even after his own sister attacked her when she was already weak and shaking with high fever.

"I'm not saying what Marie did was right but I hope you understand and can forgive what she did. Masyado siyang emosyunal ngayon," komento ni Bell nang makita niya ang pagngiwi ni Jing-jing habang sinisipat ang mga galos nito sa braso. Mga galos na ayon kina Lucibelle at Chrisma ay sanhi ng pangangalmot rito ni Marie.

"Bakit ako nandito?" nagtatakang untag ni Jing-jing sa halip na pansinin ang sinabi niya.

Namumulang napakamot naman siya sa ulo.

"I panicked, okay? Bumalik ako sa condo ninyo para kausapin ka sana at alamin ang lagay mo. Pero nadatnan ko sina Lucibelle at Chrisma na nagtatalo tungkol sa iyo. Akala ko malubha ang lagay mo kaya isinugod na kita rito."

Bahagyang natawa si Jing-jing. Pero naging ngiwi ang tawa nito at kagyat ding napasapo sa ulo. Mukhang masakit pa rin ang ulo nito at halata sa ekspresyon nito na nanghihina pa ito.

"Magpahinga ka muna. Sabi ng doktor pwede ka nang magpagaling sa bahay lang basta iinom ka ng gamot sa tamang oras at wala kang gagawin buong araw kundi magpahinga."

"Iyon lang naman talaga ang ginagawa ko tuwing tinatrangkaso ako. Hindi mo na ako kailangang isugod pa rito."

Sheepish na nagkibit-balikat siya.

"Get some more rest. I'll wake you up in a few hours then I'll take you home."

"Okay. At, Bell?"

"Yeah?"

"Salamat na rin sa pagdadala mo sa akin dito kahit hindi kailangan."

"It's the least I can do after what my sister tried to do to you."

"Two words, Bell. Praning ang sister mo."

"That's four words, Jing-jing."

Pero hindi na sumagot si Jing-jing. At nang tignan niya ang dalaga, nakita niyang nahihimbing na itong muli. Tahimik na pinagmasdan niya ang payapang anyo ng dalaga habang natutulog. Halatang-halata ang namumulang pisngi nito sanhi ng malakas na pagsampal ni Marie dito. Muling tumiim ang mga bagang niya. Gustuhin man niyang magalit sa kapatid dahil sa ginawa nito kay Jing-jing, hindi niya maggawa. Dahil nasasaktan din si Marie. Irasyunal man ang mga dahilan ng pagseselos nito kay Jing-jing, it still doesn't change the fact that his sister was hurting. At kapag nasasaktan ang kapatid niya, natural na instinct niya ay ang ipagtanggol ang kapatid.

Pero paano niya gagawin iyon kung ang taong kinamumuhian ni Marie ay ang huling taong gusto niyang gantihan o saktan?

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon