Chapter 37

648 17 0
                                    


                                    "Ang cute-cute talaga ng baby Winnie ko! Puti-puti pero sing pretty ni Tita Jing-jing, 'di ba?! Ewan ko nga lang kung bakit pinangalanan kang Winnie ng mag magulang mo. Sana paglaki mo, hindi na kilala ng mga kasing edad mo si Winnie the Pooh kundi kawawa ka anamn Winnie baby," nanggigil na halik ni Jing-jing sa pisngi ng one-week-old na anak nina Marie at Darrell.

Tila nakakaintindi namang biglang ngumiti ang baby na prenteng-prente sa kinalalagyang stroller. Nasa garden sila ng bahay nina Marie at habang ihinahanda mismo nina Darrell at Marie ang merienda nila'y siya muna ang mag-baby sit sa sanggol. Pero may kutob siyang hindi lang idlip ang ginagawa ng mag-asawa sa silid. Kung maglambingan kasi ang dalawa aakalain mong hindi lang kapapanganak ni Marie noong isang linggo.

"Grabe ang Mommy't Daddy mo, uy! Wala ka pang one month old gusto ka na yatang sundan. Kawawa ka naman. Magkakaroon na agad ng kapatid, hindi mo pa nga nararanasang mai-spoil bilang only child, no?"

Kumawag-kawag ang isang kamay ni Winnie. Gusto niyang isiping sang-ayon ang sanggol sa bagay na iyon.

"Gusto mo ba iyon? Gusto mong magkaroon agad ng baby sister or brother? Well, wait ka muna sa baby sister or brother mo. Hindi pa pwedeng manganak agad ang Mommy mo. Pero wait just five more months and you'll have a new playmate to play with. Ang baby ni Tita na sana kasing cute mo rin!" aniya sa bata.

"Jing-jing!!" ginulat siya ng malakas na tinig ni Marie. Katabi nito si Darrell na tulad nito ay puno rin ng panggigilalas ang anyo.

"Joke ba iyon?"

"Buntis ka?"

Sabay pang sambit ng mga ito. At kung masdan siya at pukulin ng nang-uusig na mga tingin ay para bang isa siyang maharot na teenager na maagang nagpabuntis.

Pero hindi niya ikinakahiya o pinagsisisihan ang dinadala niya. Kung may biayay mang dulot sa kanya ang relasyon nila ni Bell, ang baby niya iyon. Kaya buong pagmamalaking tumango at ngumiti siya bilang tugon kina Marie at Bell.

"Congrats, Jing! May mini me ka na rin kaya siguro naman babawas-bawasan mo na ang pag-angkin dito sa baby namin!" tuwang sambit ni Darrell.

"Alam na ba ito ni Bell?" usisa ni Marie.

Umangat ang isang kilay niya sabay irap.

"At bakit naman!! Wala siyang karapatan na malaman ang kahit na ano at mas lalong wala akong obligasyong sabihin sa kanya ang kahit na ano tungkol sa akin o sa buhay ko!"

Nagkatinginan sina Darrell at Marie.

"My brother should know about this, Jing-jing!" kunot-noong giit ni Marie. "And I think I should tell you that he's already on his way over here."

"Ano?!" natatarantang luminga-linga siya na para bang bigla na lang susulpot ang lalaki sa gitna ng hardin ng bagong bahay nina Marie at Darrell. Dinampot niya ang bag niya at agad isinukbit sa balikat.

"Jing-jing, stay. Mag-usap muna kayo ni Kuya Bell. Marami siyang ipapaliwanag sa iyo."

"Hindi ako interesado sa paliwanag niya! Kapag nagbago ang isip ko, saka lang niya pwedeng malaman ang tungkol sa anak ko. Pero sa ngayon, ayokong makakarating sa kanya ito. Lagot kayo sa akin kapag nalaman kong sinabi ninyo sa kanya ito."

"Pero, Jing-jing, dapat malaman ni Kuya Bell ang tungkol rito!" determinadong hayag ni Marie.

"Ang alin?"

Para silang Hydra na iisa ang katawan pero tatlo ang ulo na napapaling sa direksyong pinagmulan ng boses na iyon ni Bell. Malakas nakumabog ang dibdib ni Jing-jing. Awtomatikong naikuyom niya ang mga kamay. At kung hindi niya napigilan ang sarili, malamang napabulalas na siya ng iyak pagkasilay sa mukha ng dating nobyo. Ang mukhang ilang gabi niyang iniyakan. Tikom ang bibig na malalaki ang hakbang at walang paalam kina Darrel o MArie na humakbang na siya patungo sa gate. Inignora niya ang pagtawag sa kanya nina Darrell, Marie at lalong-lalo na ni Bell. Dinig niya ang paghabol sa kanya ni Bell kaya lalo niyang binilisan ang paglalakad patungo sa nakaparada niyang sasakyan. Nasa tapat na siya ng driver's seat ng kotse niya nang abutan siya ng binata. Pinigilan siya nito sa braso at pilit na pinaharap dito.

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon