Chapter 30

589 13 0
                                    


Sa puntong iyon ang naggising na siya. Nang una niyang mapanaginipan iyon ay katabi niya sa kama sa condo niya si Bell. At mahigpit na yakap-yakap siya ni Bell habang masuyong inaalo siya. Tinanong siya nito kung ano ang napanaginipan niya pero ayaw na niyang alalahanin iyon kaya sabi na lang niya nalimutan na niya.

Akala niya iyon na ang huling beses na mapapanaginipan niya ang tungkol roon. Pero naulit ulit iyon. At kaninang umaga ay napanaginipan na naman niya iyon. Gusto na niyang ikwento kay Bell iyon.

But somehow, even though they were almost together since that morning preparing their family Noche Buena together, hindi naman niya masolo ang nobyo. Gusto na tuloy niyang isiping sinasadya nito iyon. Pero imposible naman iyon. Dahil sa pagkaka-alam niya, wala naman silang pinagtalunan. Gayunman, hindi niya pa rin maiwasang isipin na galit si Bell sa kanya pero pilit ikinukubli.

Call it a woman's intuition. Basta alam niyang may mali sa ikinikilos ng nobyo. At lalong tumibay ang hinalang iyon nang matapos ang palitan ng mga regalo ay halos hindi na makapaghintay pa si Bell sa pag-alis. Pati sina Lola Josephine at Marie ay halata niyang nagtaka na nang magpaalam na si Bell na aalis.

Ayaw niyang makipagtalo sa binata sa harap ng pamilya niya kaya naman hinila niya patungo sa labas ng hardin ang binata para doon ito mausisa.

"Merry Christmas. Good night. I'll talk to you tomorrow." Kulang na lang buhusna ulit siya nito ng malamig na tubig sa kalamigang ipinapakita nito. At nang hagkan siya nito, hindi man lang sa labi kung hindi sa pisngi lang.

"Teka, teka! Hindi ka aaalis hanggat hindi mo sinasabi kung bakit nagkakaganyan ka. Ano bang nangyayari s aiyo, Bell? Masama ba pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya na sinalat pa ang noo at leeg ng nobyo.

Pero padaskol na pinalis ni Bell ang kamay niya na labis na ikinagulat niya.

"Wala akong lagnat. Ayokong sirain ang gabing ito para sa lahat, Jing-jing. Bukas na tayo mag-usap."

"Ngayon na tayo mag-usap. Sabihin mo kung ano'ng problema? Problema ba sa trabaho?"

"Wala akong problema sa trabaho. Pero malaki ang problema ko sa iyo!" pangil na sagot nito. Sa unang pagkakataon kinabahan siya habang kausap ang nobyo. Nagniniggas kasi ang poot sa mga mata ni Bell habang nakatitig sa kanya. Kahit kailan, kahit gaano pa kalibha ang mga pranks niya rito noon, hindi niya ito nakitang ganito kagalit. Wala sa loob na napaatras tuloy siya palayo rito.

"Sa akin? Bakit? Ano'ng ginawa ko? Bakit ako? Hindi kita maintindihan, Bell."

"Tigilan na natin ang palabas na ito, Jing-jing. Madali naman akong kausap, sana sinabi mo na lang ng diretso sa akin na siya talaga ang mahal mo. Hindi iyong binilog mo pa ang ulo ko! Ano bang malaking kasalanan ang naggawa ko sa iyo para gaguhin mo ako ng ganito?!" nagtatagis ang mga bagang na akusa nito sa kanya.

Gilalas na nanlaki ang mga mata niya. Imbs malinawan ay lalo lang siyang naguluhan sa sinabi nito.

"Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo, Bell! Ano ba talaga ang problema mo?!"

"You're in love with Darrell."

"Ano?"

"Don't bother denying it. I heard you last night. You were talking in your sleep! And you called his name. When I tried to wake you up you said you loved him!"

Noon lang niya naintindihan kung bakit parang kakaiba ang ikinikilos nito at tila napakapormal na pakikitungo sa kanya mula pa kaninang umaga. Akala ni Bell ay si Darrell ang tinatawag niya nang mapanaginipan niya noong isang gabi si Daryl Nixon ng The Walking Dead.

"Bakit, Jing-jing? Ano bang meron ang gagong iyon at hindi mo siya makalimutan?! Ginawa ko na ang lahat mailayo lang ang atensyon at loob mo sa kanya pero siya pa rin ang mahal mo!" puno ng galit at hinanakit ang boses nito.

Mariing nagtagis ang mga ngipin niya sa mgakahalong inis at pagka-insulto. Tumalikod siya rito upang pakalmahin muna ang sarili. Hindi niya pwedeng sabayan ang init ng ulo nito kung hindi lalaki ang away nila. Pero hindi niya pa rin maiwasang maghinanakit. Ganito ba talaga kaliit ang tiwala nito sa kanya? How can he speak about marriage when he can't even trust her enough?

"Ano? Wala ka bang sasabihin, Jing-jing? Hindi mo ikakaila? Humarap ka sa akin at ngayon mo sabihin ang totoo!"

"Siraulo ka, Bell!"

Biglang natigilan si Bell nang pilitin siyang pumihit paharap dito.

"Jing-jing---"

SILVER BELLES SERIES 2-JING AND BELLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon