Ano bang trip nito? I wanted to roll my eyes again, but no thanks. Nakakapagod lang makipag-asaran sa kaniya.

I saw his amused smile from my side. Binawi niya rin naman ang kaniyang kamay at muling tumingin sa kabilang banda.

How could be this guy be a gentleman and a jerk at the same time?

"Huy, yung manliligaw mo nasa labas," bulong sa akin ni Lea matapos akong sikuhin habang nagtuturo ang professor sa harap.

Siniko ko rin siya pabalik habang nagsusulat ng notes sa sinasabi ng prof.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Ano na namang problema at nasa labas siya?

At manililigaw? Asa. Napakaepal talaga nito ni Lea.

"Napapadalas ang paghihintay sa iyo girl!" impit na dagdag niya, pilit pinipigilan ang pagtawa ng malakas kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

Kapag kami napagalitan, babatukan ko talaga ito!

"Makinig ka nga, punyeta ka. Puro ka landi," gigil na sabi ko sa kaniya bago muling tumingin sa harap upang makinig.

"Ay! Sungit mo girl..." pagsuko niya saka muling tumingin sa propesor.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami idismiss ng professor. Kaya naman nang magsabing tapos na ang klase sa araw na ito ay agad nagsiingayan ang mga kablock ko.

I wanted to go home too. Buong araw ang pasok namin ngayon at gustong-gusto ko nang magpahinga.

"Mukhang bad mood, girl, di ko pa nakitang ngumiti!" paninimula ulit ni Lea habang inaayos ko ang gamit ko.

Siya naman ay handa nang umalis.

I looked at her for a minute, confused about what she said.

Napatingin ako sa lalaking nasa labas ng room namin. Seryoso lang siyang nakatingin sa baba. Mukha ngang hindi maganda ang araw dahil parang kaaway niya ang sahig sa matalim niyang titig. Mukhang malalim ang iniisip.

"Ayan! Tingin pa, akala ko ba wala kang paki?"

I looked at her and creased my forehead. Bawal na ba siyang tingnan?

"Alam mo, tigil-tigilan mo ang pangchichismis sa akin ha! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nandito 'yan!" gigil na sabi ko sa kaniya sabay akma pang hahampasin siya.

Umilag lang siya at natatawa pa sa asta ko.

Isinukbit ko na ang bag at saka naglakad palabas ng classroom. When I reached the door, I heard Lea calling Lawrence's name and immediately felt his presence beside me. Wala na si Lea, baka kung saan na naman pumunta.

To Win You (Pamantasan Series #2)Where stories live. Discover now