Chapter 55 - The Truth

5.3K 266 224
                                    

*Veronica's POV*

Everything has been settled. Tulad ng inaasahan ko ay pumayag si Nikolai na makipag isa sa amin para talunin ang kasamaan ng kalaban na walang iba kundi si Veronika. It is hard for us to win the upcoming war but I know we can defeat them kahit gano pa sila karami at kalakas.

"Bye Veronica! See you!" Sigaw ni Maiko sabay wink na ikinataas ng kilay ni Death.

"Oi! Wag kang ganyan baka mapatay ka ni Death." Suway naman ni Rieko sa lalaking katabi. Di ko inaasahang makikita ko sila dito. Kaya pala di ko na sila nakita sa Academy dahil nandito pala sila.

"How are you?" Napalingon naman ako sa lalaking ngayon lang nagsalita mula pa kanina. Rhys, ang leader ng Green Tiger's Dormitory.

"Di ako magiging ok hanggang di ko matatalo ang kasamaan." I said coldly.

"Naks! Alam kong matatalo mo sila. Ikaw pa eh tinalo mo nga ssi Zion noon." Nakangiting sambit ni Ace na sinang ayonan naman ni Nikolai.

"Ate Ganda, pwede ba akong sumama?" Tanong naman ni Lily na ikinailing ko. Magiging busy kami sa aming pagbalik sa academy kaya hindi ko sya maaalagaan kapag sumama sya.

"Maraming gagawin si Ate Ganda mo, Lily. Sa susunod nalang." Pagpapaintindi ni Nikolai sa kapatid na tumango naman.

"Good girl!" Puri ni Death kay Lily na binelatan lang nito.

"We need to go back to the academy now." Sabi ko na tinanguan nila.

"Bye! Ate Ganda!" Sigaw ni Lily ng magsimula na kaming naglakad ni Death.

***

"Secrettia Kingdom, Xacianta Island at ang mga nakapagtago mula sa kalaban ay ating kasama sa pakikipaglaban." Sabi ni Death kay Ms. Gladys na tumango lang.

"That Secrettia Kingdom is really a secret. Kahit ako ay di ko ito nalaman." Sambit ni Ms. Gladys na ikinangiti ni Death.

"It was being ruled by my father and Veronika bago sya naging kalaban." Kumonut ang noo ko dahil sa narinig.

"You mean matagal mo nang alam na buhay sya?" Death nodded.

"Bata pa lang ako nakikita ko na sya dun and that's the reason why I didn't believe that Veronica is a reincarnation of Veronika." Death answered. Nanatili lang akong tahimik at walang balak na magsalita kahit na kating kati na ang dila kong magtanong kay Death.

Ilang minuto lang ang tinagal namin sa Office ni Ms. Gladys bago niya kami pinagpahinga. Tulad ng dati kong ginagawa after a mission ay ibinabad ko sa shower ang buo kong katawan.

If Death saw Veronika since he was a child, sino yung tinulongan kong makalabas sa Erranian Dungeon? Damn! This was so stressful!

Matapos maligo at magbihis ay agad kong inihiga ang katawan ko sa malambot kong higaan not minding that my hair is still wet. I was about to close my eyes when i saw a light coming from my drawer. Agad ko itong nilapitan at kumonut ang noo ng makita ang Golden Necklace of Shintaro. Ito yung mission ko sa mortal world kung saan nakasama ko si Maiko. Bat umiilaw ito? I was about to put it again inside the drawer ng bigla itong lumotang at sumout ng kusa sa leeg ko. Napailing nalang ako ng mawala na ang ilaw. It likes me huh!

***

3:00 am palang ng magising ako kinabukasan and since di na ako makatulog ulit ay naisipan ko nalang na mag jogging muna sa School Garden. I need to prepare for the upcoming battle. I know its coming sooner and i need to protect the people here in academy dahil sila na ang nagsilbi kong pamilya.

"Ang aga mo naman baby girl." I almost scream when i heared a voice coming from the big tree near me.

"Damn you, Death!" I hissed while watching him going down. Agad itong lumapit sakin at walang pasabing hinawakan ang magkabila kong pisngi at agad akong hinalikan sa labi na ikinapikit ko. Agad ko syang naitulak ng maalala ko ang nangyari samin sa gitna ng kagubatan. That was so embarrassing!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Black Rose CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon