Chapter 10 - Oseria World

7.6K 206 20
                                    


*Veronica's POV*

"Oseria World is the world where we are living today." Mas inigihan ko pa ang pakikinig sa Instructor na nakatayo sa harap nitong classroom.

Nasa tabi ko si Jannica na kanina pa tulog habang nasa tabi naman niya si Jessica na nag-te-take note sa mga pinagsasabi ng guro.

I wonder why she's still taking it down when in fact every year nila itong naririnig. Sya nalang nga at ako ang nananatiling aktibo sa pakikinig sa Instructor na halatang inaantok na rin.

Nandito na ako sa Class A-1. Dapat sa Class A-4 pa ako pero di huminto si Jannica sa kakahingi ng permiso kay Rieko na sa A-1 na ako ipasok kaya walang nagawa si Rieko kundi ang lumapit sa dalawang Heads ng school na pumayag naman.

"It was devided into 4 parts, the Errania Kingdom, Zenadra Kingdom, Vandoria Kingdom and the Xacianta Island." Pagpapatuloy ni Sir Cal.

"Oseria World was made and ruled my the Immortal and Legendary Goddess na si Zhavia na matagal nang di nagpapakita." When was the last time na nagpakita ito? Tanong ko sa sarili na mukhang nabasa naman ni Sir Cal.

"The last time she showed herself was 100 years ago." Sabi niya na ikinatango ko. "Now let's go to the 4 Parts of Oseria World." Mas tinuonan ko pa ng atensyon si Sir Cal as he mentioned the 4 parts of this world. Bakit? Well i want to know more all about this place.

"Errania Kingdom, ito ang tinatapakan natin ngayon. Ito nakabase sa East side ng Oseria." Mula kay Sir Cal ay napalingon ako kay Jannica na nagising na. She stretch her arms upward at humikab pa.

"Matagal pa ba yan?" Napahinto sa pagbabasa si Sir Cal at taas kilay itong tumingin kay Jannica. He then planted a smirk bago nagsalita.

"Ms. Jannica?"

"Yes Sir Cal?" I mentally laugh ng malanding tinawag rin ni Jannica si Sir Call habang nilalaro pa ang buhok.

"Can you come here?" Agad na tumayo si Jannica at naglakad papunta sa harap ng Instructor.

"Ang gwapo mo talaga Sir." Tumango lang si Sir Cal sa papuring binitawan ni Jannica sabay bigay ng librong hinawakan.

"Since you're too sleepy, bat di nalang ikaw ang magturo dito? I will give you an on the spot reporting." Lahat ng kaninang tulog na mga kaklase ko ay nanlaki ang mga mata at napatingin kay Jannica.

"Sir, I'm not sleepy anymore dahil kagigising ko lang kaya iba nala-" Di na natapos ni Jannica ang pagsasalita ng tingnan ito ng masama ni Sir Cal. "Sabi ko nga ako na." Napangiti si Sir Cal sa sinabi ng dalaga bago umopo sa upoang nasa harap ni Jannica.

"Okay class, Good morning!" Bati ni Jannica samin.

"Good morning Ma'am Jannica!" Sagot naman ng isang lalaki sabay tawa na ikinasimangot ni Jannica.

"So since tinatamad ang gwapo nating Instructor at ako lang ang maganda dito, so ako lang ang pwedeng mag proxy."

"Wehhh!" Angal ng ibang lalaki na ikinatawa niya.

"Syempre joke lang, andyan na si Veronica kaya pangalawa nalang ako sa pinakamaganda." Napailing nalang ako dahil sa sinabi ni Jannica.

"Start now, Ms. Canz." Seryosong saad ni Sir Cal na ikinatahimik ni Jannica sabay tingin sa libro.

"Okay, Errania Kingdom was ruled by the evil couple na si-"

"Jannica!" Napahinto sa pagsasalita si Jannica ng galit itong tinawag ni Sir Cal.

"Yes Cal? May itatanong ka sa Instructor mo?" Napatawa ang ibang istudyante dahil sa tanong ni Jannica.

"Ayusin mo ang parereport mo! Walang nakalagay na evil couple dyan!" Galit na saad ni Sir Cal.

Black Rose CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon