Chapter 52 - Jessica's Note

5.4K 236 141
                                    


*Veronica's POV*

"What happened?" Di maitago ni Ms. Gladys ang pag alala ng makita ang dugoan at walang malay na si Crisha habang karga ni Death. Halata sa kanyang mga mata ang pag alala at gustong masagot agad ang katanungan.

"I almost killed her." I answered emotionlessly that made her puzzled. Di na inantay pa ni Death na matapos ang usapan namin at nauna nang umalis papunta sa School Hospital.

"Why?"

"Because she was controlled by the enemy." Sagot ko na ikinapikit ng mga mata niya. "I'm sorry." Bulong ko pero sapat na para marinig niya.

"It's not your fault." Mapait na ngumiti sakin si Ms. Gladys na tinanguan ko lang. "Alam kong pagod ka kaya makapagpahinga kana." Pagkasabi niya nun ay saka ko lang naramdaman ang pagod kaya nagsimula na akong naglakad papunta sa Dorm.

Jannica was doing her skin care routine while her twin sister was busy writing something in her note na matagal ko nang gustong basahin.

"How's Crisha?" Seryosong tanong ni Jessica habang nasa note parin ang atensyon.

"Di ko pa alam. Sana lang ok sya." I answered.

"Kung sana di sya nagpaaampon sa kalaban di sana yun mangyayari sa kanya." Sambit naman ni Jannica habang may kung anong inilagay sa mukha niya.

"Di naman niya kasalanan yun." Pagtanggol ni Jessica kay Crisha. "Pina-kidnap sya ng aming Rey-" Di na niya natuloy ang pagsasalita at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sakin na ikinasingkit ng mga mata ko. "I mean Reyna ng kalaban." Dugtong niya sabay close ng note niya at inilagay sa loob ng bag. "I need to go."

"Anyare dun?" Kunot noong tanong ni Jannica habang nakatingin sa kambal niyang nagmamadaling lumabas. Nagkibit balikat nalang ako sabay lakad papunta sa bathroom para maligo.

Matapos maligo ay lumabas na ako sa banyo at kumonut ang noo ko ng makitang wala dun si Jannica. Imbis na matulog ay mas pinili ko munang lumabas ng kwarto at umakyat sa rooftop and I was surprised to see Death sitting on the bench.

  "Baby Girl!" Bulalas niya ng makita niya akong papalapit sa kanya. One thing good about him is that he's always positive. Kahit na may mga masama nang nangyayari ay nakangiti parin sya. "How are you?"

  "I'm good." Sagot ko sabay upo sa tabi niya at itinuon ang atensyon sa kagubatan. Madilim na ang paligid kaya kitang kita mula dito ang mga Alitaptap na nagsiliparan.

  "How's Crisha?" Tanong ko.

  "She's fine ngunit di pa sya gising." I sighed. Bakit sa lahat ng istudyante ay sya pa? "Ang lalim naman nun." Sambit niya sabay dikit sakin na hinayaan ko nalang.

  "Di ko na alam ang susunod na mangyayari." Sabi ko.

  "Hmmm, ako alam ko." Napalingon ako sa kanya at sumalubong sakin ang nakangiti niyang mukha.

  "Ano?"

  "Na ikaw at ako ay magkatuloyan." Napasimangot ako dahil sa sagot niya habang tawang tawa naman sya. "Di, seryoso ako, Veronica." For the second time ay napalingon ako sa kanya ngunit ang kaninang nakangiting mukha ay napalitan ng seryosong awra. "Di mo ba nararamdaman?" Kumonut ang noo ko dahil sa tanong niya.

  "Ang alin?"

  "Ang manhid mo naman." Mapait itong ngumiti na lalong ikinakunot ng noo ko.

  "Ano ba kasi?"

  "I like-no! I love you, Veronica." Parang huminto ang oras dahil sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang ngumingiti sya. This is the first time na may nagconfess sakin at di ko alam kung ganito ba talaga ang mararamdaman but my heartbeat was in great chaos.

Black Rose CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon