Chapter 44 - The Hunt of Erranian Seer

4.8K 185 24
                                    

Part Two

"The Erranian Seer is in the Lady Land." Nag aalangang wila ni Zion na para bang natatakot. Ano bang kinatatakutan niya sa Lady Land eh puro babae lang naman ang nandun. "T-tayo na!" Sabi niya at nagsimula nang naglakad. Andito kami ngayon sa Zenadran Mystical Forest and we're heading towards the Lady Land na malapit lang daw rito.

Ilang metro pa ang nalakad namin ng biglang huminto si Zion at pinakiramdaman ang paligid.

"Bakit?"

"Someone's following us." Naningkit ang mga mata niya habang lumingon-lingon sa paligid bago ulit lumakad. Di nalang ako nagsalita pa dahil baka magalit na naman sya ngunit napahinto ulit ako ng bigla na naman syang huminto at nauntog ang noo ko sa matigas niyang likod.

"Ano ba!?" Inis kong sambit habang hinihimas ang noo ko.

"Sorry." Humingi nga ng sorry, in a cold way naman. "Lumabas ka kung ayaw mong masaktan!" Sigaw niya habang nakatingin sa mga mayayabong na damo. Akala ko may taong lalabas dito at paaulanan kami ng enerhiya but I was wrong, walang lumabas dito kaya napatingin ako kay Zion na nainis na. "Labas!" Inis na sigaw niya sabay gawa ng mga Dark Ball at pinaulan sa damuhan at kumunot ang noo ko ng makarinig ng boses.

"Ouch! Aray!" Daing ng isang lalaki na agad lumabas mula sa damuhan at ngumingiti itong nakatingin samin habang hinihimas ang brasong sa palagay ko't natamaan.

"What are you doing here, Death?" Zion asked coldly. Yes! Tama ang binanggit na pangalan ni Zion. Si Death nga ang nandito sa harap namin.

"Ahh-ehh, andito ako para kay Baby Girl ko." Nakangiti niyang wika sabay wink sakin na ikinarolyo ng mga mata ko habang napa-smirk naman si Zion na tumalikod na't nagsimula nang naglakad kaya sumonud na ako't iniwan si Death na sumonud naman sakin.

"Bumalik kana kung ayaw mong mapahamak, Death!" Cold na wika ni Zion na ikinatawa ng huli.

"Ito namang si Zion parang di ako kilala, ako kaya ang pinakamalakas sa Academy." Pagmamayabang ni Death na ikinahinto ni Zion. Zion used to be the strongest student in the academy but it all changes when Death comes in.

"A throne that supposed to be mine." Cold na sambit ni Zion and the tension begins to spread kaya mas pinili ko nalang na magsalita.

"We're in a mission at kapag nagpatuloy kayo sa pagchichismisan ay tyak mauubosan tayo ng oras." Sabi ko ay nauna nang maglakad. I heared Zion mumbled something like 'tsk!' ngunit di ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglakad.

Ilang minuto pa ang nilaan namin sa paglalakad bago nakarating sa harap ng isang wall. A tall, hard wall na di kayang akyatin ng kahit na sino.

"Balik na tayo." Rinig naming sambit ni Death na naging rason para sabay laming mapatingin ni Zion sa kanya. "Alam ko kung ano ang nandyan." Natatakot niyang sambit. Diko alam kung takot ba talaga sya or he's just acting and making fun with us.

"Ano?" Zion asked.

"Hell University." Bulong niya na naging rason para mas kumonut ang noo namin ni Zion. "Nabasa ko yun eh ganitong ganito yun, nasa gitna ng kagubatan tapos napakataas na wall."

"Crazy." I mumbled before turning my back to him at hinarap ang napakataas na wall.

"Crazy for you." Sagot naman niya na di ko nalang pinansin.

Black Rose CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon