Chapter 22 - Charmer's Gem

6K 168 5
                                    

A/N:
  Hellow their madla, i just want to inform na twice a week lang ako mag update and maybe it's on Wednesday and Sunday. Kung tatamarin once a week lang pero at kapag naman ma-inspire sa comments niyo at mag-uupdate ako Thrice a Week. Hehe!

Ps. Next update will be dedicated sa pinakamagandang comment.

  *Veronica's POV*

"Dalawang araw ka nang natutulog at pabalik-balik si Reiko dito kesyo daw may mahalag syang bagay na sasabihin sayo. Ang sabi niya pumonta ka raw sa Charmer's Building pagka-gising mo." Yan ang sabi ni Jannica sakin pagkagising ko kaya pagkatapos kumain ay naglakad na ako papunta sa Charmer's Building. Diko mapigilang ma- conscious habang naglalakad na pinagtitinginan ng ibang mga Charmers. Some of them are smiling, some are looking at me as if may nagawa akong kasalanan while other just do nothing. Siguro ito na yung effect ng naging labanan namin ng President at Princess.

"Kakagising mo lang ba?" Bungad na tanong sakin ni Reiko pagkapasok ko sa office niya. Di ba pwedeng paupoin muna ako?

"Yeah! Maybe 30 minutes na." Sabi ko sabay upo sa upoang nasa tapat niya. "What do you want?" Seryoso kong tanong na nginitian lang niya. Ano to? Mag ngingitian lang ba kami? Oh cut that, sya lang ang ngumingiti-na parang aso.

"That was the first time na nakipaglaban ako sayo and I didn't expect what just happened." Panimula niya. Nananatili lang akong nakatingin sa maamo nitong mukha. Ano ba kasing kailangan niya?

"And?"

"And you made me happy, Veronica." Bakit parang iba ang pakiramdam ko habang sinasabi niya nun? "Di ko inakalang may tatalo pang Charmer samin ni Amber." Naiinis na ako.

"Pinapunta mo ba ako dito para purihin? Well, Reiko I need to go. I don't need such thing!" Inis kong sambit sabay tayo at aalis na sana ng tumawa sya na lalong nagpakulo ng dugo ko.

"Hey! Ang init naman ng ulo mo." Sambit niya sabay tayo at may kinuhang Box sa shelf na nasa likod niya. Kumonut ang noo ko ng binigay niya ito sakin. Kasing laki lang ito ng Wedding Ring Box but I know hindi singsing ang laman niyan.

"What's that?"

"This is yours, Veronica." Sabi niya sabay bukas nung box at mas lalong kumonut ang noo ko ng makitang ang Charmer's Stone pala ito na pinahanap samin nung Battle of Class A1. Ibabalik pala samin yun?

"Ano namang gagawin ko sa Charmer's Stone na yan? Souvenir?" Tanong ko sabay rolyo ng mga mata ko.

"This is not a Charmer's Stone, Veronica." What does he mean? Bat kasi ang dami niya pang satsat? Bat di nalang ako diretsohin? "That's a Charmer's Gem." Charmer's Gem? "Diko alam pano mo nahanap yan sapagkat ang hirap maghanap niyan but I am happy for you dahil nakahanap ka." Diko alam kung tama ba yung naramdaman ko pero parang nagseselos sya dahil sa bagay na'to. Diko alam kung ang purpose o ano ang magagawa nito pero tinanggap ko nalang at inilagay sa bulsa ng Jeans ko.

  "Thanks!" Tanging naiusal ko bago tumalikod na para umalis. Mukhang ito lang naman ang kailangan niya.

  "Welcome to the S-class, Veronica." S-Class? As far as i know, ang miyembro ng S-Class ay miyembro narin ng Charmers Fighter. So i am a Fighter now, i wonder what would Amber's reaction kapag nalaman niyang magkaklase na kami. Tumango lang ako sa sinabi niya at maglalakad na sana ng magsalita sya ulit.

  "By the way, you looks hot on your new look." For the nth time ay naikunot ko ang noo ko. What does he mean? Magtatanong pa sana ako kung ano ang ibig niyang sabihin ng biglang bumokas ang pinto at iniluwa mula dun ang nakangiting mukha ni Amber ngunit nasira ito ng makita ang pagmumukha ko.

Black Rose CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon