Chapter 24 - Kingdom

5.5K 152 6
                                    


*Third Person POV*

  Zenadra Kingdom

  "Mahal na Reyna, nandito na po ang Haring Halazar." Magalang na saad ng isang alalay sa Reyna nilang nasa balkonahe habang umiinom ng alak. Di ito sumagot sa alalay at inantay lang ang pagpasok ng asawa niyang agad syang niyakap.

  "Kamusta ang lakad mo?" Tanong ng Reyna sa asawa matapos maghalikan.

  "That girl is currently studying at Magian Academy at hindi masyadong lumalabas kaya mahihirapan tayo sa plano natin." Magsasalita pa sana ang Hari ng ibato ng Reyna ang hawak na wine glass.

  "Mahihirapan? Anong mahihirapan? Gawin mo ang lahat!!" Sigaw ng Reyna na ikinapikit ng Hari bago tumayo at lumabas ng kaharian. Ganito na dati pa ang pakikitungo ng Reyna Handora sa asawa niyang si Haring Salazar ngunit mas lumala ito ngayong mga nagdaang linggo matapos makita ang babaeng gumimbal sa natutulog niyang takot.

  "Kailangang mapatay ang babaeng yun bago paman niya ako maunahan." Sabi ng Reyna bago gumawa ng Earth Wings at umalis sa Zenadra Kingdom.

  Vandoria Kingdom

  "Ina." Magalang na tawag ng isang Prinsipe Blake sa kanyang inang Reyna na si Leonora. Yumakap ito sa ina at humalik sa pisngi na ikinangiti ng Reyna.

  "Ang corny mo talaga Blake." Natatawang saad naman ng kambal nito na si Prince Blaze na walang pake sa kakarating lang na ina. Umopo ito sa upoan na nakaharap sa ina sabay ngisi.

  "Shut up Blaze! Palibhasa di mo namiss si Ina." Pagtatanggol naman ng sarili si Blake ngunit di na ito pinansin ni Blaze.

"Tapos kana ba sa pagbabakasyon mo?" Tumaas ang isang kilay ng reyna dahil sa tanong ni Prince Blaze.

  "So do you really think na nag bakasyon ako kahit saan? I did not Blaze at wag mo ako kausapin ng ganyan dahil ako ang ina mo! Ako ang Reyna ng Zenadra Kingdom!" Smirk. Yan lang ang isinukli ni Prince Blaze sa ina bago tumayo at lumapit sa ina habang napaatras naman si Prince Blake dahil nagsimula na syang matakot sa posibleng mangyayari.

  "So where are you from Queen Leonora? Sa Xacianta Island na naman ba? Naghahanap ng makukuhang tao para gawing alipin dito?"

  "Errania." Walang emosyong sagot ni Queen Leonora na ikinatahimik ni Prince Blaze.

  "Anong ginagawa mo dun? Nakipaglaban kay Queen Amanda? My God Ina! Kahit anong gawin mo ay di mo matatalo ang Reynang yun dahil malakas yun." Tama ang sinabi ni Prince Blaze, kahit anong gawin ng kanyang Ina ay di niya ito matatalo. Ilang beses na silang naglaban ngunit di ito nananalo laban sa Reyna ng Errania Kingdom.

  "Unfortunately no." Kumonut ang noo ni Prince Blaze sa sagot ng Ina. "Pumonta ako dun para hanapin ang babaeng tatalo kay Amanda."

  "Tatalo kay Queen Amanda? Haha nagpapatawa kaba? Sino sya? Si Veronika na matagal nang patay?" Natatawang tanong ni Prince Blaze ngunit napahinto ito dahil sa sagot ng kanyang ina. Pati si Prince Blake ay napalapit sa kambal dahil sa gulat.

  "Anong ibig mong sabihin, ina?" Tanong ni Prince Blake sa ina.

  "Reincarnation, yan ang pinagdududahan kong nangyari. Patay na nga si Veronika ngunit ngayon ay nagbalik na sya."

  "How did you say that?"

  "She looks like her, she moves, acts, speak and she fights like Veronika." Naningkit ang mga mata ng kambal dahil sa sinabi ng ina. Di na nila nakita ang itsura ni Veronika sa personal at nakilala lang nila ito sa mga sabi-sabi ng mga tauhan nila.

  "Veronika is back at kaya ka naging busy para gawin syang kasabwat para pabagsakin ang Errania at Zenadra, am I right?" Nakangising sambit ni Prince Blaze na tinanguan lang ng kanyang ina. "Where can I find her? Let me do the honor, mother. I'll make her fall inlove with me and bring her here."

  Errania Kingdom

  "Where's your mother?"  Tanong ni King Ignacio sa anak nitong Prinsipe na si Prince Whisky na kakapasok lang din sa Palasyo nila.

  "I don't know, Dad. Galing ako sa gubat." Sabi ng Prinsipe na tinanguan lang ng Hari.

  "Can I ask a favor from you?" Tanong ng Hari na ikinasingkit ng mga mata ng Prinsipe. Minsan lang humingi ng favor ang ama niya at kapag nanghingi sya ng favor ay alam niyang seryoso ito sa ipapagawa.

  "What was that dad?"

  "Pumasok ka sa Magian Academy at kaibiganin mo ang babaeng 'to." Nanlaki ang mga mata ni Prince Whisky dahil sa sinabi ng ama. Kahit kailan ay di niya inakalang ipapasok ito ng ama sa Academy. Matagal niya nang gustong pumasok dun at mangyayari na yun.

  "Veronica? Who is she?" Tanong ng Prinsipe matapos matingnan ang picture na binigay ng ama. "She's beautiful huh and hot as well."

  Xacianta Island

  "Kuya sige na please.." Naipikit nalang ni Nikolai ang mga mata dahil sa kakulitan ng bunso nitong si Lily. Kahapon pa sya nangungulit sa kuya niya na pumonta ng Magian Academy ngunit umaayaw ito.

  "Ano ba kasing gagawin mo dun?" Tanong ni Brianna kay Lily na inirapan lang ng bata. Si Brianna ay kaibigan ni  Nikolai at kasama niya ito sa pamamahala ng Xacianta Island. Gusto ni Brianna si Nikolai pero manhid ang lalaki at wala itong paki sa nararamdaman ng dalaga.

  "I want to see, Ate Ganda. I missed her."  Napailing nalang si Nikolai dahil sa sinabi ng bata habang kumonut naman ang noo ni Brianna.

  "Whose your ate ganda?" Kumislap ang mga mata ni Lily bago humarap kay Brianna.

  "Hes Ate Veronica, kuya Nikolai and her look good, kinikilig ako kapag nakikita ko silang magkasama." Masiglang sagot ni Lily na ikinailing ni Nikolai habang naningkit naman ang mga mata ni Brianna.

  "Veronica, huh. Kailangan ko syang makilala." Bulong ni Brianna sa sarili. Matagal na niyang gusto si Nikolai at di niya hahayaang may mapalapit sa kanyang ibang babae.

***

Black Rose CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon