Chapter 17 - Rookie

6.8K 198 5
                                    


"Malapit na yung Charmer's Class A1 Battle, are you ready?" Mahinhing tanong ni Jessica sa kakambal niyang kanina pa kumakain ng cake. Di ba sya nabubusog?

"Yes of course, dito ko mapapatunayan na karapat-dapat akong mapasali sa Charmer's S-Class." S-Class? I am already 1 month here pero diko alam na may S-Class pa pala. Di ata nila ako in-inform about that or ako lang talaga tong walang pake sa mga nangyayari sa loob ng Academy.

"Pano mo gagawin eh maraming malalakas sa A1 tyaka saka lang tayo mapapabilang sa S-Class pag natalo natin ang isa sa miyembro dun." Sagot naman ni Jessica sabay tingin sakin bago may sinulat sa hawak hawak na papel na araw araw kong nakikitang dala niya. She really loves writing huh.

"Bahala sila basta gagawin ko ang lahat, mapabilang lang si S-Class." Sambit ni Jannica na di nalang sinagot ni Jessica at nag focus nalang sa pagsusulat. "Sasali kaba?" Napalingon ako kay Jannica ng tanungulin niya ako.

"I wo-"

"Of course you will join, baby." Napahinto ako sa pagsasalita ng nagsalita na naman yung Misteryosong lalaking dumagit sakin during my battle against the Queen of Errania and Zenadra. It's been already a week since that day happened at halos araw araw nang nanggugulat ang lalaking yun sakin. He keeps on talking in my mind na syang ikinakairita ko. Bat di nalang kasi makipag usap sakin ng harapan.

"Shut up!" I irritatedly said na ikinalaki ng mga mata ng kambal at ng ibang taong nakaupo sa kabilang table dito sa cafeteria na nakarinig sakin.

"Pffffft!" Rinig kong sambit ng Misteryosong lalaki nago humalakhak ng malakas na ikinainis ko lalo.

"Are you okay?" Nag alalang tanong ni Jessica sakin sabay hawak sa kamay ko. I calmly close my eyes bago nag inhale at exhale.

"Yeah I'm good." Cold kong sagot bago tumayo at walang paalam na umalis sa loob ng cafeteria.

Damn that Mysterious Guy! Pag talaga nakita ko sya ulit I will definitely kill him!

"Oh Shit!/F*ck!" Sabay naming mura ng lalaki ng mabunggo ko sya at dahil sa lakasxng impact ay natumba ako at napapikit ng maramdaman ang sakit sa pwet ko. Damn!

"Watch your way, Lady!" Cold niyang saad na ikinalingon ko sa kanya at nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Zion pala ito, the Keeper's President.

Di nalang ako nag salita at tumayo nang mag isa. I am not expecting him to help me para makatayo pero sana naman ginawa niya. Pinagpagan ko ang pwetan ko dahil nadumihan ito at pagkatapos ay maglalakad na sana ng magsalita si Zion na kanina pa nakatingin sakin.

"Di kaba mag-so-sorry?" I unbelievably look at him but he only show his emotionless face.

"Feeling victim?" I coldly ask na ikinasirk niya. Oh I hate that face!

"Sino ba yung bumonggo?" Cold niyang tanong na ikinarolyo ng mga mata ko.

"Sino ba yung natumba?" Cold ko ring tanong bago sya tinitigan. Embis na sagutin ako ay tinitigan niya narin ako at walang may balak na bumitaw saming dalawa not until someone stand inbetween of us.

"Ano bang nangyayari dito? Bat kayo nagtititigan?" Hype na tanong ni Kia, yung una kong nakilala sa Enrollment. Ngayon ko lang ulit nakita ang pagmumukha niya. Siguro dahil busy sya sa Keeper's Building kung saan sya napabilang.

"Tsss!" Sambit ni Zion bago tumalikod at aalis na sana ng magsalita ulit si Kia.

"The Headmaster wants to see you." Sigaw ni Kia kay Zion na ikinalingon nya sa babaeng nasa tabi ko na.

"Bakit raw?"

"Diko alam, teka mag-titigan muna kayo ulit tas babalik ako kay HM at tatanungin ko sya kung bat gusto ka niyang makita." Mahabang litanya ni Kia na ikinainis ni Zion. Tiningnan niya ng masama ang babae na ikinatago nito sa likod ko.

Black Rose CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon