Chapter 29 - Grand Jeu de Magie

5.4K 178 13
                                    

Part Two: M E D U S A

*Veronica's POV*

"Kapagod." Sambit ni Jannica at nanghihinang naupo sa buhangin.

"Anong kapagod eh wala ka namang naitulong?" Pabalang na tanong naman ni Sharon sa kanya. Kakatapos lang naming buoin ang matitirhan namin at tama ang sinabi ni Sharon, nakatingin lang naman si Jannica samin habang busy kami sa kakagawa ng Tent.

"Abay! Nakakapagod kaya kayong tingnan kaya ako napagod." Sagot niya na inirapan lang ni Sharon. Ipinasok na ni Ace at Rhys ang iba pa naming kagamitan habang tahimik lang si Crisha na nakatingin sa kawalan.

She's been a bitch ever since I came here in Oseria at halos araw-araw niya akong binubully but then after our Fight against Killa at Hella ay naging tahimik na sya. Ni di nga sya masyadong nagsasalita at tahimik lang na nakikinig sa usapan ng kasamahan namin or maybe nasa Grand Jeu de Magie ang focus niya at hindi sa kahit ano.

"Gutom na ako." Sambit ni Ace at may pahawak-hawak pa sa tiyan niya.

"Attention!" Lahat kami ay napatingin kay Sir Reon ng Sumigaw ito. Nasa taas sya at nakasakay sa Carpet niya. Lakas maka-Alladin. "Magsisimula na ang totoong labanan pagkatapos niyong kumain ng Tanghalian and I will only give you 30 minutes." Sabi niya sabay lipad paalis.

"We don't have enough time to cook so mas mabuti pang itong mga prutas nalang ang kainin natin at babawe nalang tayo sa hapunan mamaya." Lahat kami ay sumang ayon sa suhestiyon ni Rhys kaya pumasok na kami sa loob at nagsimulang kumain.

***

"Round Two is called Egg Finding." Sabi ni Sir Reon sabay palakpak at may lumabas na apat na itlog sa malaking screen na di ko alam saan niya kinuha. Baka bumalik sya sa Academy. Halos kasing laki lang ng Bola ng Golf ang mga itlog at pare-pareho silang kulay Gray. "I will put this anywhere in the Forest at kailangan niyong makahanap ng kahit isa bago gumabi."

"Sir!" Nagtaas ng kamay ang isang babaeng nag-ngangalang Sophia na taga-Blue Eagle. "Bakit apat na itlog lang samanta anim lahat ng teams?"

"Good question, Sophia." Nakangiting sambit ni Sir Reon bago iginala ang paningin sa aming lahat. "Ang dalawang team na di makakakuha ng itlog ay maglalaban at kung sino man ang matatalo ay ang mababawasan ng miyembro mamayang gabi.

***

"Ouch!" Daing ni Jannica ng matalisod ito. "Ace Babe, kargahin mo naman ako oh." Sabi niya habang nakahawak sa kamay ni Ace at nag puppy eyes pa.

"Sino ba kasi ang nagsabing magsuot ka ng High Heel sa loob ng kagubatan?" Inis na tanong ni Sharon na halatang nagseselos dahil tinulongan ni Ace na makatayo si Jannica. Oo tama kayo ng narinig. Jannica wears a 6 inches heels ngayon kaya ang bagal niyang maglakad.

"We need to hurry, kailangan na nating makahanap ng itlog." Sabi ni Rhys ba tinanguan lang namin.

"Bat kasi di mo nalang yan ipakita ang itlog mo ng matapos na." My jaw dropped. Like, sinong babae ang kaswal lang na sasabihin yan sa lalaki? Oh it's Jannica.

"Jannica!" Suway ko sa kanya.

"Wag ka ngang OA dyan Dear alam ko namang gusto mo ring makita ang itlog ni Rhys." Pinikit ko nalang ang mga mata ko sabay hinga ng malalim para pakalmahin ang sarili. I heared Ace chuckles na sinabayan naman ng tawa ni Sharon.

"Oh baka naman wala talagang itlog si Rhys." Lahat kami ay napatigil sa paglalakad ng lumingon si Rhys kay Jannica.

"Just shut up!" Cold na sabi ng leader namin na ikinalunok ng laway ni Jannica.

Black Rose CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon