Chapter 42 - Alianica

5K 159 20
                                    

*Veronica's POV*

"Good morning baby girl!" Bati ni Death sakin pagkalabas ko sa room namin ni Jannica, lumapit sya sakin at nanlaki ang mga mata ko ng hahalikan niya sana ako. "Eh. Beso lang naman." Sambit niya sabay kamot sa batok. Inirapan ko lang sya sabay lakad palabas sakto namang palabas narin si Crisha sa Dorm nila.

"Veronica!" Tawag niya sakin sabay kaway bago tumakbo papunta sakin. "Sabay na tayo."

"Sure." Sabi ko at nagsimula nang maglakad.

"A-ahmm Veronica?" Napahinto ako sa paglalakad ng tawagin ni Crisha ang pangalan ko. I look at her eyes intently at inantay na magsalita sya ulit ngunit nanatili syang tahimik.

"Yes?" Tumaas yung dalawa kong kilay ng mapansing parang nahihiya sya. "Spill it."

"Thank you!" My forehead creased. Bat naman nagpapasalamat sakin ang babaeng to?

"For what?"

"For being real to me, for being nice to." Nakangiti niyang saad. "You're that kind of a girl na napaka-cold, emotionless but I can feel that you're real and not fake."

"Why are you saying this?"

"Cause I want you to be my friend." Ilang beses ko naikurap ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. The girl who doesn't like and bullied me when i was still new a rookie want to be friends with me?

"I usually don't want to have a lot of friends but I can add you as one." Sabi ko na ikinalaki ng mga mata niya sabay yakap sakin. Kahit naging mean sakin ang babaeng to ay diko maipagkakailang napalapit na ako sa kanya. Sa katunayan mas magaan pa yung loob ko sa kanya kesa sa kambal ni Jannica sa diko malamang dahilan.

***

"Pet is a Spirit Guardian na tinataglay ng bawat Oserian. It was in a form of an Animal or an Insect." Basa ni Ms. Laviana sa librong hawak habang may maliit na Red Lizard ang gumagapang sa balikat niya. It's her Pet. Actually lahat ng nasa klase ay hawak ang pet nila ngayon except me. "Now I want everyone to follow me in the Arena for our first Pet Battle."

"Ms. Laviana!" Lahat ng kaklase ko ay napalingon sa lalaking nasa likuran ko.

"Yes, Death?"

"By any chance, pwede bang may Oserian na walang Pet?" Tanong niya at kahit di ako nakatingin sa kanya ay alam kong ako ang tinutukoy niya. Diko alam kung pano papalabasin ang isang pet since ngayon lang ako nagkaroon ng knowledge about it.

"Nope, i mean lahat ng Oserian ay may Pet and about Veronica i know she has a pet sadyang di palang niya alam ang proseso pano ito palalabasin." Sagot ni Ms. Laviana na tinanguan ko lang.

  "Di mo naman na kailangan ng Pet, baby girl." Kunot noo akong napalingon sa kanya ng magsalita ito ulit. "Ako nalang gawin mong pet." Nakangisi niyang saad na ikinarolyo ng mga mata ko. "Ang swerte mo pag ganun, ang gwapo ng guardian mo." Sabi niya sabay kindat na ikinatili ni Jannica na nasa tabi ko.

  "Tama na ang harutan, tayo na!" Sigaw ni Ms. Laviana kaya umalis na kami sa classroom at pumonta ng Arena.

***

  "Relax Veronica, relax. Damdamin mo ang enerhiyang dumadaloy sa mga ugat mo. Dahan-dahan mong ipunin ang enerhiyang yun sa kamay mo." Sinunod ko ang bawat direksyong sinasabi ni Ms. Laviana. Nasa Arena kami ngayon at tinuturuan niya ako pano palalabasin ang Pet ko habang ang iba naman ay nasa Battle Ground at nagba-battle.

  "I can't!" Nanghihina kong wika sabay upo sa lapad. Nakakapanghina.

  "Okay magpahinga kana muna, bukas try natin ulit okay?" Sambit niya na tinanguan ko lang sabay tayo at nauna nang lumabas sa Arena. Natagpuan ko ang sarili kong pumasok sa Cafeteria kung saan nakita ko si Crisha na nakaupo sa isang table habang kumakain. Dala ang pagkaing inorder ko ay lumapit ako sa kanya.

  "Can I?" Tanong ko and a smiling face from her answered my question.

  "How's your day?" I sighed.

  "Not good at all, di ko maipalabas ang pet ko." Sagot ko sabay subo ng pagkain.

  "Don't worry, maipapalabas mo rin yan." Nakangiting sabi niya at magsasalita pa sana ng may dalawang babae ang pumasok sa loob at pumwesto sa likod namin.

  "Oo nga, that Veronica is really a bitch. Agawin ba naman sakin si Death at Zion?" Napantig ang tenga ko matapos marinig ang pangalan ko sa nag uusap.

  "Akala naman niya malakas sya eh weak naman." Natatawang wika ng isa pang babae. Dahan dahan akong lumingon sa kanila and found out it was Alianica and Lannie. Oh close sila? Sabagay pareho silang ayaw sakin.

  "Calling me bitch is the biggest mistake you've ever done, Alianica." Tumayo ako at taas noong humarap sa kanila na ikinagulat nila. "And don't ever say na inagaw ko si Death at Zion sayo dahil di mo naman sila pagmamay ari." A smirk escaped from my face while staring intently at her.

  "Bitch!" Sambit niya at bago paman niya madugtongan ito ay may Rose Petal Ball na ang tumama sa kanya na ikinatilapon niya sa kabilang table. Nagulat ang lahat ng nasa loob at napatayo including Crisha na nakahawak na sa kabila kong braso and trying to calm me down.

  "I repeat, calling me bitch is the biggest mistake you've ever done." Cold kong wika habang nakatingin sa kanya na tinulongan nang makatayo ni Lannie.

  "Damn you!" Sigaw ni Alianica sabay palabas ng Fire Balls na agad tinira sakin but Crisha direclty made an Air Barrier.

  "So you have two Keeps." Nanlaki ang mga mata ni Alianica matapos ko yung sabihin. In her two weeks of stay here she uses Air and now Fire. I wonder if she can control all the elements.

  "Tayo na Lannie." Natataranta niyang wika sabay hawak sa kamay ni Lannie at aalis na sana ng biglang may Air Wall ang humarang sa kanila.

  "Who are you?" Cold na tanong ni Crisha sa kanya na ikinalunok niya ng laway. "Answer me!" Sigaw ni Crisha na ikinasingkit ng mga mata ni Alianica. She slowly turn her gaze to Crisha and stare her intently.

  "You do not have the right to shout on me!" Malditang wika ni Alianica habang masamang nakatitig sa babaeng nasa tabi ko na di naman nagpatinag.

  "I don't have but I can still shout on you, bitch!!!" Sagot naman ni Crisha na ikinagalit ni Alianica. She made a Fire Sword and directly attacked us. Crisha pushes me to avoid Alianica's Sword na sana ay sa tyan ko tatama. Tumalon sya ng mataas sabay gawa ng Air Daggers na agad niyang pinaulan kay Alianica but Lannie managed to made Water Barrier kaya di sya natamaan.

  "Are you okay?" Tanong niya ng makalapit ako sa kanya. Tumango lang ako sabay gawa ng Rose Petal Sword at sinangga ang Fire Sword na tinapon ni Alianica kay Crisha.

  "Yeah." Sagot ko sabay handa ng sarili.

  "Weak!" Sambit ni Lannie sabay gawa ng Water Balls ngunit bago paman niya ito maitira samin ay inunahan ko na sya. I throw her a big Rose Petal Ball na tumama sa kanya na naging rason para tumilapon sya't nawalan ng malay.

  "Who's weak now?" Natatawang tanong ni Crisha ngunit agad ding sumeryoso ang mukha ng nagpalabas ng enerhiya si Alianica at agad tinira samin. Nagpalabas na din kami ng enerhiya ni Crisha at sinangga ang enerhiya ni Alianica na mas linakasan pa ang enerhiya.

  "Veronica, I can't do it anymore." Sambit ni Crisha na halatang nanghihina na kaya mas linakasan ko pa ang enerhiya ko. Malakas si Alianica but i know we can stop her.

  "I'm unstoppable!!" Sigaw ni Alianica at mas linakasan pa ang enerhiya niya kaya mas linakasan ko din ang enerhiya ko and my eyes went wide after seeing my Blue colored energy turns Green and I can feel that its more stronger and stronger. "Ahhhhhhh!!" Sigaw ni Alianica at papakawalan na sana ang enerhiya ng biglang may babaeng pumasok sa cafeteria and it was Ms. Gladys. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sakin.

  "Zhavaiah? Mysterriah? Veronika?" Tanong niya sa aming tatlo na ikinakunot ng noo namin. Bat niya kami tinawag sa mga pangalang yun?

***

A/N: Don't forget to VOTE, COMMENT & SHARE!

Black Rose CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon