Chapter 2 - Enrollment (Part 1)

10.6K 305 81
                                    


*Veronica's POV*


Matapos mabasa ang sulat ay agad akong naghanap ng bagay na pwede kong gamitin para masunog ito.

"Veronica!!" Tawag sakin ng matandang babae mula sa labas ng kwarto ko. "Magbayad kana ng renta mo!" Sigaw niya na diko nalang pinansin. Wala nang magbabayad sayo tanda! Aalis na ako!

"Gotcha!" Sambit ko ng makita ang isang lighter na agad kong kinuha para sindihan ang letter.

"Veronica!!"

"Sorry Mrs. Santos, aalis na ako." Bulong ko ng makitang naging portal ang letter. Mamimiss ko ang kwartong to. Sabi ko sabay libot ng tingin sa buong kwarto bago pumasok sa portal.

Para akong pinasakay sa isang roller coster ng makapasok ako at diko napigilan ang sariling sumoka ng makalabas.

Matapos sumoka ay saka ko pa inilibot ang paningin ko sa paligid na naging rason para mapanganga ako.

"Where the hell am I?" Bulong ko sa sarili habang nakatingin sa mga halamang kay gandang pagmasdan.

Tall, big trees are very visible on my naked eyes, may mga bulaklak na ibat iba ang kulay at mga paru-parong nagsisiliparan. Paradise, it's like a paradise.


"Attention Enrollees!" Natigil ang pagkamangha ko sa paligid ng makarinig ng boses ng lalaki. Lumingon ako sa kinaroroonan nito at napag alamang di lang pala ako ang nandito.

My jaw dropped as i am watching the other people standing in front of the Golden Gate kung saan nakatayo ang lalaking nagsalita.

"Please be ready for the enrollment will about to start." Sabi niya at sa isang iglap lang ay nawala na sya. Whoa! Where did he go?

"Hi!" Mula sa harap ng golden gate ay naituon ko ang atensyon sa babaeng nagsalita sa harap ko. "I'm Kia Hashimada, a Fire Keeper." Pakilala niya sabay ngiti sakin. She has a red eyes that made her more beautiful. Magkasing taas lang kami ngunit mas maputi lang sya kesa sakin. Morena kasi ako.

"Veronica." Maikli kong sagot at
tinanggap ang kamay niyang nakikipag shakehands.

"New from Errania?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko. "I mean this place, its Errania Kingdom na bahagi ng Oseria World."

"Oh so this is a different world?" tanong ko na ikinalaki ng mga mata ko.

"What do you mean?"

"Wala akong alam sa lugar na to. I mean sa Earth ako lumaki." Sagot ko na ikinalaki ulit ng mga mata niya.

"O m g! Sa Earth, you mean sa Human World? O my! O my! O my! Ang galing!!" Tili niya na naging rason para mapatingin samin ang ibang nandito. "Gwapo din ba ang mga lalaki dun? May abs din ba? Malaki yung ano?" Sunod sunod niyang tanong na ikinatanga ko. "Sabi nila may Immortal dun sa Human World at sa pagkakaalam ko, Cardo name niya tama? Yung pulis na di namamatay. O my God! I want to meet him."

"Huh?" Kunot noo kong sambit.

"Attention, i just want to inform all of you that the enrollment has 5 stages." Sabi nung lalaking nag aanounce. Parang kabute tong lalaking to. Bigla bigla nalang sumosulpot.

Black Rose CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon