Chapter 13 - Rieko X Maiko X Zion

7.4K 244 13
                                    


*Veronica's POV*

"What you did from that battle just made our jaw dropped." Puri ni Rhys sakin na tinanguan naman ng ibang Green Tigers na nandito sa Dining Hall pwera nalang kay Crisha na nakasimangot lang habang kumakain. You don't like me? Well, the feeling is mutual bitch!

"Oo nga, tinalo ba naman ang dalawang Presidents? You're awesome, Newbie." Manghang sambit naman ni Ace na tinanguan ko lang. If I were just a normal school girl maybe namula na ang mga pisngi ko dahil sa puri ng dalawang naggagwapohan lalaki sakin.

"She can be a Green Tiger Warriors malaki ang maitu-"

"No!!" Umalingawngaw ang boses ni Crisha sa buong Dining Hall as she screams na ikinaputol ng pagsasalita ng isang lalaki. Lahat ng nandito sa Dining Hall ay napatingin sa kanya at inaabangan ang susunod na sasabihin. "She will never be GT Warriors!" Ano bang problema ng babaeng to sakin? Bat ang init init ng dugo ng bruhang to sakin?

"At bakit hindi?" Taas kilay na tanong ni Jannica na kanina pa nakikinig sa mga usapan. "She's way too strong than you at kapag naging GT Warrior sya ay malaki ang possibility na maipanalo niya ang Do-"

"Shut up! Di ika-" Sinubokang putolin ni Crisha ang pagsasalita ni Jannica ngunit nabigo ito.

"-rm natin na kahit kailan ay di pa nakatikim ng panalo." Napatawa ang iba ng makitang hiningal si Jannica matapos magsalita.

"Tama si Jannica, Crisha." Patango tangong saad ni Ace na ikinasira lalo ng mukha ni Crisha.

"Excuse me." Bulong ko sa katabi kong si Jessica at Jannica. Diko na inantay pa na magsalita sila at naglakad na palabas ng Dining Hall. Ayoko nang makarinig pa ng pagmamaktol galing kay Crisha na di ko malaman kung ano ang nagawa ko't ganun nalang sya kagalit sakin.

Naabutan ko ang sarili kong naglalakad sa School Garden habang nakatingin sa mga makukulay na bulaklak. This is so refreshing. May mga makukulay na butterfly din akong nakikita.

"You surprised me." Mula sa mga bulaklak at paruparo ay nailipat ko ang paningin ko sa lalaking nagsalita mula sa likod ko.

"Rieko." Tanging naiusal ko bago umopo sa isang bench kung saan sumonud sya at umopo din sa tabi ko.

"Oh, your eyes." Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya. Pati ako ay naninibago rin. Mula sa Pure White na mata ay naging Pure Pink na ito ngayon. Wala kang ibang kulay na makikita sa mga mata ko kundi Pink.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Naikunot ko ang noo ko dahil sa tanong niya. Diba dapat ako ang magtanong sa kanya niyan dahil sya naman ang napurohan at hindi ako?

"I'm bored." Tanging naisagot ko lang na ikinangisi niya at base pn how he smiled alam kong may binabalak ito. "What are you doing?" Tanong ko ng hawakan niya ang kamay ko "C'mon, Veronica! May pupuntahan lang tayo." Nakangisi niyang saad ng bawiin ko ang kamay ko na agad din niyang hinawakan ulit at pinilit akong itayo kung saan nag tagumpay sya.

"Where are we going?" Nagugulohan kong tanong at nagpatianod nalang sa kanya. Pag 'to nakita ni Amber tyak mag wawala yun.

"Basta." Sabi ni Rieko at kahit di ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti ito. Kumonut ang noo ko ng makarating kami sa Charmer's Building. Akala ko ay dito na ang pupuntahan namin but I'm wrong.

"Hey, Bruh! What do you want?" Tanong ng isang lalaki na nilapitan namin. Tinapik lang ni Rieko ang balikat nito sabay ngisi.

"Pahiram lang muna ah." Nanlaki ang mga mata ng lalaki dahil sa sinabi ni Rieko.

"N-not now Bruh!" Sabi ng lalaki na tinawanan lang ni Rieko bago humawak ulit sa kamay ko. Babawiin ko sana ang kamay ko ng mapagtantong nag iba ang paligid namin.

Black Rose CharmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon