Kapag naman nagrereply ako sa mga kalokohan niya ay nauuwi lang sa pang-aasar niya. Gustong-gusto ata na minumura ko siya dahil wala kaming usapan na hindi ko siya sinabihan ng mga masasamang salita. Ang sarap isumpa!

"Hoy! Gilliana, nakikinig ka ba?" singhal sa akin ni Lea.

Agad akong napatingin sa kaniya, mukhang kanina pa siya nagsasalita at nawala sa isipan ko.

Kinunot ko ang noo ko bago sumagot.

"Huh? Sorry, ano ulit?"

"Ang sabi ko, parang nung kailan lang galit ka pa doon sa Lawrence na 'yun! Tapos ngayon magkapartner kayo sa sayaw."

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Isa pa 'yan sa problema ko, mas madali sa kaniya ang pikunin ako dahil lagi kaming magkapartner sa Social Ballroom Dance. Hindi ko naman sana kukunin yun kung hindi lang ako pinilit nitong si Lea na 'yon ang kunin. Sana Bowling o kaya Swimming ang kinuha ko!

"Galit pa rin naman ako sa kaniya, girl. Sinong di mabwibwisit sa pagmumukha no'n?" sagot ko sa kaniya.

"Hoy! Ano ka! Crush ko nga yung isa niyang tropa, yung kagrupo ko?" kinikilig na sambit niya kasabay ng paggalaw ng mga balikat niya na para bang iniisip kung sino 'yon.

Napairap ako sa kawalan, parang kailan lang ay may crush siya sa kabilang block tapos ngayon kaklase naman namin sa PE?

"Dami mo namang crush," I replied lazily.

"Talaga, girl! Ang daming nagpapasaya sa akin. Eh ikaw? Lagi kang nakabusangot dyan."

Halos lahat ata ng hangin ay gustong lumabas sa pagbuntong hininga ko sa sinabi niya. Napaka-OA dahil marunong naman akong ngumiti.

I displayed my fake wide smile to show her that I do smile!

"Jusko, kung ngumiti ka parang mangangain ka! Bakit ka ba naging kapartner nung Lawrence na 'yon! Ang pogi no'n ikaw mukha kang aswang!" natatawa niyang pang-aasar bago umiwas nang iakma kong sasabunutan siya.

"Punyeta ka, kaibigan ba kita? Ang ganda-ganda ko. Tsaka hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay, sakit sila sa ulo! Lalo na yang gagong Lawrence na 'yan! Araw-araw akong pinipeste!" inis na sambit ko, halos sabunutan ang sarili dahil sa pagkapikon.

Nakita ko ang agad na pagtuwid ng upo ni Lea sa tabi ko, buong atensyon ay nasa akin kaya naman kumunot ang noo ko.

"Oh, bakit?" nagtataka kong tanong, hindi malaman bakit biglang nagmukha siyang kuryoso sa akin.

Bahagya pa akong lumayo sa kanya pero mas lalo lang niyang inilapit ang mukha niya sa akin habang nakangiti nang nakakaloko.

Tangina, anong problema nito?

"Hoy, gago! 'Di tayo talo, lumayo ka sa akin!" natataranta kong sabi bago siya itulak.

To Win You (Pamantasan Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora