Chapter 1

6.6K 151 3
                                    

10 years later...

"Finally!"na-wika ng dalagang si Meghan nang makalabas sa airport ng hapong iyon.

Halos isang araw ang ginugol niya sa flight from Paris to Manila. Premium economy class ang kinuha niyang flight. Namamahalan siya masyado sa business class ng airline na kinuha niya. Hindi rin naman siya ang tipong antokin sa biyahe kaya ok na sa kaniya ang kinuhang flight.

Wala siyang malaking luggage na dala. Isang may kaliitang carry-on bag lang ang tangi niyang bitbit ng hapong iyon. Lahat kasi ng gamit niya ay pina-box na niya before siya umuwi.

Dahil sa magkahalong pagod at antok na kaniyang nararamdaman, hindi rin siya ganoon kafocus sa pagtingin sa sasakyang susundo sa kaniya. Namataan niya ang isang itim na kotse na pamilyar sa kaniya at huminto iyon sa tapat niya. Hindi na niya pinagka-abalahang tignan ang plate number ng naturang kotse. She hurriedly went inside the car dala ang kaniyang bag. Narinig pa niya ang pagbukas at pagsara ng pinto sa may gawing driver's seat ng naturang kotse bago niya kampanteng ipinikit ang kaniyang mga mata.

Tunog ng kaniyang cellphone ang nagpagising sa natutulog na dalaga. With her eyes half-closed, sinagot niya iyon. Hindi familiar ang number na iyon pero sinagot parin niya dahil nakita niyang may ilang miscalls na ito sa kaniya.

"Hello,"nakapikit na wika ng dalaga habang himas sa isang kamay ang batok niyang nangawit sa hindi komportableng pag-tulog.

"Kayo po ba si ma'am Hernandez? Meghan Hernandez?"tinig sa kabilang linya.

"Yes, I am. Who's this?" Napamulagat siya at napa-ayos ng upo nang marinig ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya. "Ikaw ang driver na susundo sa'kin?!"

Agad niyang tinignan ang lalaking nagmamaneho sa kinalululanan niyang sasakyan ngayon.

"Who are you?!"gulat na tanong niya dito.

"I should be the one who's asking you that." He's deep voice brought chills to her body. "Who are you?"

Nakita niya ang pagkunot ng noo nito sa kaniya sa rear view mirror ng kotse.

"I-I'm s-sorry,"agad niyang hingi ng paumanhin sa lalaki. Alam niyang namumula na siya sa kahihiyan ng mga sandaling iyon. "I didn't mean to b-barged in. I thought ito 'yong sasakyan na susundo sa'kin." She can't look at the man infront. Kaya nakatungo siya habang sinasabi ang mga iyon.

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Unconsciously ay tumingin siya rito sa salamin not knowing na nakatingin din pala ito sa kaniya. They're eyes met. Siya ang nagbitaw ng tingin. She can't handle his intense gaze towards her.

"I am not a bad person, if that's what you're thinking."wika niya dahil ramdam parin niya ang pagtitig nito sa kaniya kahit nakayuko siya.

"Of course I don't. 'Coz you're too beautiful to do such thing."

Kumabog ng malakas ang dibdib niya sa papuring binigay ng lalaki. Kinabahan siya bigla dahilan para sumiksik siya sa gawing pinto ng kotse.

"And I am not a bad person either, for you to act like that."

May halong pagtawa sa boses ng lalaki nang sinabi ang mga pahayag nitong iyon.

"I-If it's not too m-much of you,"aniya. "P-Puwedeng pakibaba na lang ako sa tabi?"

"I can't!"agad nitong sagot. "I am in hurry right now."

"B-But-."

"Just call your driver to pick you up sa address na pupuntahan ko."

She had no choice but to obey the man. Mukha naman din itong hindi gagawa ng hindi maganda.

******
Habang binabaybay ng binatang si Albert ang habaan ng airport lobby, ay nakuha ang atensyon niya ng isang babae na katulad niya ay palabas din sa naturang paliparan.

Maayos na nakapusod ang alon-alon na buhok ng babae na malayang sumusunod sa bawat galaw nito. Hindi niya makita ng maayos ang mukha nito dahil patalikod na ito sa kaniya. Pinagsawa niya ang kaniyang mga mata sa kagandahan ng hubog ng katawan ng babae. Napangisi siya ng dumako ang tingin niya sa may balakang at pang-upong bahagi ng katawan nito.

Nasa labas na sila ng airport ng babae. Nanatili siya sa bandang likuran nito. He's waiting for his car to arrive. Pinakuha niya sa parking lot ng airport ang kaniyang kotse sa isang empleyado doon.

Maya-maya ay dumating na ang kaniyang sasakyan. Natigilan siya sa paghakbang ng walang sabi-sabing sumakay sa kaniyang kotse ang babaeng nasa kaniyang unahan. Pinangunotan siya ng noo.

Atubili siyang naglakad patungo sa driver's side ng kotse.

"Ang ganda naman ng girlfriend mo, sir." Nakangiting saad ng empleyadong naghatid sa kaniyang kotse.

"Salamat," aniya sa lalaki at sumakay na sa kotse.

Bahagya siyang natigilan sa kina-uupuan ng mabistuhan ang mukha ng babae.

What an angel! Humahangang saad niya sa isip habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng nakapikit na dalaga sa backseat ng kaniyang kotse.

Wala siyang makitang kahit anong bahid ng make-up sa mukha nito. Her thick and long eyelashes were natural. Even her well trimmed eyebrows. Ang matangos at may kaliitan nitong ilong. Her cupid bow lips, na parang kay sarap halikan. Nakadagdag sa angking ganda ng babae ang maliit nitong nunal sa parteng gilid ng pang-ibabang labi nito.

Hindi na niya pinag-aksayahang kunin ang atensyon ng babae dahil parang pagod ito sa biyahe. Nakita niya ang sticker ng airline sa carry-on luggage nito. She just arrived from Paris kaya ito pagod. At dahil na rin sa nagmamadali siya ng hapong iyon kaya hindi na niya ito ginising.

Nasa kahabaan na siya ng pagmamaneho ng marinig ang pagtunog ng cellphone mula sa dalaga. Napangiti siya ng hindi man lang ito nagising. Nakailang ring ang naturang bagay bago niya nakitang bahagyang kumilos ang babae at sinagot iyon.

"Hello,"nakapikit na wika ng dalaga sa kabilang linya.

Her voice was soft and calm. Though it's a bit deeper compared sa natural na boses ng isang babae.

Gaya ng kaniyang inaasahan ay nagulat ito sa kung ano mang sinasabi ng kausap nito sa kabilang linya. Nakita niya ang biglaang paglingon nito sa kaniya.

Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito nang malamang sa ibang kotse ito sumakay. Her face turned red. And he loves it.

May babae pa palng marunong mag-blush, aniya sa isip.

"Who are you?!" Gulat nitong tanong sa kaniya.

Tinignan niya ito sa rear view mirror ng kotse. "I should be the one asking you that. Who are you?"

Yumuko ito at agad humingi ng paumanhin sa kaniya. Her face became more reddish dahil siguro sa nararamdamang hiya nito.

"I am not a bad person, if that's what you're thinking." Narinig niyang wika nito.

"Of course I don't." Tukoy niya sa sinabi nito. "You're too beautiful to do such thing."

Napangiti siya ng makita ang ginawang pag-usod ng babae sa gawing pinto ng kaniyang kotse.

"And I am not a bad person either, for you to act like that."

Natigilan ito. Muli na naman niyang nakita ang pamumula ng pisngi nito. Maya-maya ay narinig niya itong nagsalita.

"I-If it's not too m-much for you. P-Puwedeng pakibaba na lang ako diyan sa tabi?"

"I can't,"agad niyang sagot dito. "I am in a hurry right now." Akma itong tatanggi kaya inunahan na niya ito. "Just call your driver and ask him to pick you up sa address na pupuntahan ko."

Ang totoo, gusto pa niya itong makasama. He can easily obey her request. Pero hindi niya alam kung bakit may bahagi ng utak niya ang tumatanggi sa isiping iyon. He smiled ng walang alinlangang sumunod naman ang babae sa sinabi niya.








The Elusive Bachelor 2: Albert Montelibano ( Love and Secrets) COMPLETEDWhere stories live. Discover now