↞34↠

120 12 0
                                    

Kyla


"Mabuti na lang at sinabi mo sa akin ang ugali ng lalaki na 'yan. Nakakapag-init ng ulo!" napainom pa si Angelica ng tubig dahil sa inis.


"Big turn off sa mga lalaking manloloko," Vhenice also said and rolled her eyes.


"I'm sorry, kaibigan kita kaya dapat ko lang sabihin sa'yo," hinawakan ko ang kamay niya.


"That's fine ano ka ba? Ginawa mo ang tama. Ikaw na ang nagsabi hindi siya ang para sa'kin," Angelica smiled at me, trying to hide her pain.


"Ano bang meron d'yan kay Marga at hinahabol pa rin siya ni, Derrick? Malaki lang naman ang dede niya," walang preno nanaman na sabi ni, Vhenice.


"Yeah right. Hindi ako bitter pero alam kong dede lang ang nilamang niya sa'kin," nakipag-apir pa sa'min si, Angelica.


Balik nanaman kami sa pasukan ngayon at vacant sa third subject. Dito ko nakuha ang tsansa para sabihin agad kay Angelica ang tungkol sa sinabi sa akin ni Jun noong bagong taon. Akala ko ay lasing lang siya kaya niya nasasabi ang mga 'yon hanggang sa magpakita siya sa'kin ng pruweba.


Noong magkita raw kasi sila ni Derrick ay nabasa niya ang isip nito na puro si Marga pa rin ang laman kaya napilitan siyang tignan ng patago ang cellphone ni, Derrick. Nakita niya ang mga texts nito kay Marga na hanggang ngayon pala ay hindi siya nakaka-move on at ginagamit niya lang si Angelica para pagselosin ito. Mabuti na lang at na-screenshot niya kaya't may napakita akong ebidensya kay, Angge.


"Oh my gosh."


Sabay kaming napatingin ni Angelica kay Vhenice na ngayon ay nanlalaki ang mata na parang may nakitang kung ano sa cellphone niya. Nagtaka ako dahil pati ang iba naming kaklase ay nag-re-react din sabay tingin pa sa akin na parang may ginawa akong masama.


"Is this really you?" hindi makapaniwalang tanong ni Vhenice sa akin.


"Huh?"


Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pinakita niya sa'kin. Mga litrato 'yon sa party ni Minghao kung saan nasa balcony kami ni Jun at magkatabi! Hindi lang isa kundi marami at kasama na doon ang hinalikan niya ako! Naka-post ito sa Facebook gamit ang isang unknown na account at naka-mention pa ang pangalan ko sa caption at pangalan ni, Jun...


"Naka-post 'yan sa page ng school. Huwag mo na pansinin b-baka edited lang," nagpapanik na sabi ni Vhen at agad na pinatay ang cellphone niya.


Sakto pa na doon sa balcony kinuhanan kaya't ang linaw ng mukha namin dahil doon lang ang pinakamatinong ilaw noong gabing 'yon.  Napatulala lang ako. Hindi ko alam kung sino ang gagawa nito sa'min! S-Si, Aly? Imposible. Ang bait-bait niya naman sa'kin, ah?


"Oh my gosh sis, are you really in a relationship with him? Bakit ganiyan ang reaksyon mo?" mahina pero gulat na tanong sa akin ni, Angelica.


Hindi ako nakapagsalita at napayuko lang. Ang sabi ni Jun balak niya na kausapin si Marga dahil nakalabas na ulit ng Ospital ang Lola niya kahapon. Bakit kailangan pang mangyari nito para mapangunahan kami?

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now