↞24↠

148 12 10
                                    

Kyla


"K-Kasal po? Paano po?" mukhang hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya. 


"Oo, close kayo nun. Lumipat lang talaga kami ng bahay kaya nagkahiwalay kayo. May time pa nga na nalaman noong isa mo pang kaibigan ang tungkol sa kasal kaya umiyak siya dahil gusto raw niya na siya ang pakasalan mo. Hindi ko ba alam sa inyo saan niyo nalaman ang bagay na 'yon samantalang ang babata niyo pa. Nalaman ko lang 'yan noong umuwi si Kyla dito na umiiyak dahil may nang-away daw sa kaniya. Kung hindi ako nagkakamali, Margie ang pangalan niya?" napahawak pa siya sa baba niya at nag-isip. 


Muntik na ako matawa sa sinabi ni Mama.


Margie? Sino 'yun? Parang pangalan pa yata ng kapitbahay namin ang nabanggit ni mama. Pero ngayon ko lang narinig sa kaniya ang tungkol doon. Mukhang nabura na sa memorya ko 'yun dahil masyado pa kaming bata.


"Margaret po ba?" tanong naman ni Jun na ikinakunot ko. Paano namang nadamay si Margaret dito? 


"Oo 'yon! Margaret! Ang salbahe ng bata na 'yon. May koneksyon pa ba kayo? Kamusta na ang ugali niya?" 


At doon ko na naisipang putulin ang usapan nila. Nakakahiya ang sinabi niya! Pero hindi niya naman alam na girlfriend ni Jun ngayon ang binabanggit niya. 


Tuluyan na akong bumaba at kunwari pang nagulat ako na nakita ko si Jun na nasa loob ng bahay. He just smiled when he saw me. Naagaw ng atensyon ko ang dala niyang supot at may laman iyong prutas. 


"Oh, anak gising ka na pala. Bakit ka bumaba rito? Baka mabinat ka!" panenermon sa'kin ni mama nang makita ako. 


"Naririnig ko po kasi 'yung boses niyong dalawa. Hindi ko na nasabi na may darating akong bisita." sabi ko at kunwari'y nag peace sign pa. 


"Bumalik ka na doon. Papanik na lang si Jun dun sa kwarto mo para makapag-usap kayo. Ikaw naman ang pinunta niya rito." nagulat ako sa sinabi ni mama. Pumapayag siya?! Nasaan na ang strict side niya? "Anong reaksyon 'yan? Huwag kang mag-alala wala naman ang papa mo. Huwag lang kayo gagawa ng milagro. Magkaibigan lang naman 'di ba?" 


"Ma!" 


Nakita kong nagpipigil ng tawa si Jun kaya lalo akong nakaramdam ng hiya. Kung mainit ang katawan ko, parang lalo pang nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hay nako!


Sumunod na lang ako sa sinabi niya. Bumalik ako sa pagkakahiga dahil nararamdaman ko rin na bumibigat nanaman ang pakiramdam ko. Sumunod naman sa'kin si Jun maya-maya. Medyo kinabahan pa ako dahil first time ko makaranas na may kasamang kaibigan na lalaki sa kwarto. 


Well, wala naman kami gagawin. 


Pero kung may balak siya oh e'di sige. 


Char!


"Peps may kwento ako!" excited na sabi niya. 

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now