↞7↠

239 12 0
                                    

Kyla

“Umuwi ka agad pagkatapos ng party kung ayaw mong mayari ka ng papa mo.” bilin sa'kin ni mama pagkalabas ko ng kwarto.

“Opo.” sagot ko habang hinahanap ang susuotin kong sapatos nang biglang magsalita ang ate ko.

“Naku ma, makikipag-date lang 'yan.” sabi ni ate Iya, panganay kong kapatid na malakas mang-inis. Napasama tuloy ng tingin sa'kin si mama. Magsasalita na sana ako para depensahan ang sarili ko kaso hindi nila ako hinayaan.

“Oo nga! Nakita ko nga 'yan na pangiti-ngiti habang nakikipag-chat kagabi, eh.” sabat ni ate Jera, ang gitna naman sa'ming magkakapatid.

Kapag talaga sa ganitong sitwasyon, bunso ang laging kawawa.

“Si Vhenice at Angelica ang ka-chat ko 'nun! Wala naman akong boyfriend 'no!” inis na depensa ko at nagtawanan lang sila.

Mga limang minuto din siguro nilang pinipilit kay mama na may boyfriend ako kaya noong makita ko ang susuotin kong sapatos, agad na akong nagpaalam para umalis.

“Alis na po ako.” paalam ko habang palabas ng bahay.

“Huwag muna lalandi, ah.” bilin ulit ni mama.

“Yeahhh.” napairap kong sagot. Hanggang paglabas siguro ng gate iyon lang ang naririnig kong bilin niya. Kasalanan 'to ng dalawa kong magaling na kapatid na walang ginawa kundi mag mobile legends, eh.

Ngayon gaganapin ang birthday party ni Margaret at hindi pa din ako makapaniwalang a-attend ako sa party niya. Pero okay lang, hindi naman siya ang ipupunta ko 'dun. Buti na lang talaga at aksidente kaming nagtagpo ni Derrick sa grocery store kaya mas lalo akong ginanahan na pumunta sa party dahil alam kong malaki ang chance na maging successful ang task ko. Syempre hindi ko pa rin nake-kwento 'yon kay Vhenice at Angelica.

Paglabas ko, akala ko makikita ko na ang kotse nila Angelica sa tapat ng gate namin pero bakit pa nga ba ako magtataka, lagi naman late 'yun sa tuwing may lakad kami. Sinabi niya kasing isang sasakyan na lang ang gamitin namin kaya paniguradong pagdating niya dito, kasama na niya si, Vhenice. Kaya siguro wala pa siya dahil si Vhenice muna ang dinaanan niya, isa pa namang mabagal kumilos 'yun.

Ayoko namang pumasok muna sa loob dahil alam kong maririndi lang ako sa mga kapatid ko.

Bahala na. Siguro naman papunta na sila. Maghihintay na lang ako dito sa labas kaysa pumasok pa ako ulit sa loob. Napatingin ako sa wristwatch kong bumagay lang sa suot kong black dress at nakita kong 6:15pm pa lang, 7pm ang start, makakahabol pa naman siguro kami unless, 7pm na sila darating dito. Medyo malayo pa naman 'yun kaya maaga akong nag-ayos.

Napaangat ako ng tingin noong makarinig ng kaluskos sa puno na malapit sa bahay namin. Hindi naman ako takot sa dilim kaya hindi ako kinakabahan ngayon. Baka kasi mamaya pusang gala lang or aso or what pero teka? Kailan pa umungol na parang isang tao ang hayop?

Sa pagtataka ko, naglakas loob na akong lumapit sa likod ng puno para makita kung anong meron doon at muntik na akong mapatalon sa gulat noong makakita ng isang lalaking naka-black na jacket habang may hood pa.

“Hala. Okay ka lang?” tanong ko dahil nakita kong hinihimas niya ang binti niya. Ano bang ginagawa niya rito?

“Y-yeah, I'm fine. Don't mind m-me.” nauutal niyang sabi kaya mas napakunot ako. His voice sounds familiar. Isa lang naman ang lalaki na kilala kong may ganito kalalim na boses.

Agad kong inalis ang hood ng jacket niya na nakatakip sa ulo niya para mas maaninag ko ang mukha niya and I'm right, it's William. Ano nanaman ba ang ginagawa niya rito?

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora