↞23↠

146 12 2
                                    

Kyla

Ingat na ingat akong pumasok sa loob ng classroom. Nagtaka pa si Vhenice at Angelica na makita akong walang dalang bag. First subject namin 'yung long quiz, sabi ni Jun mas okay na raw muna siguro na huwag muna ako magdala ng bag para hindi matuloy ang plano nila, Mira.

"Nasaan 'yung bag mo? May long quiz tayo ngayon nag-review ka ba?" Vhenice asked me.

"Bakit ba tinatanong mo pa kung nag-review na 'yan? Kahit naman hindi mataas pa rin makukuha nyan." pinuri naman ako ni, Angelica.

"Sus." sabi ko.

"Bakit totoo naman? Kita mo nga top 1 ka pa rin." Sabi ulit ni Vhenice at halatang proud pa siya para sa'kin.

Naibigay na nga pala ang cards namin last week. Buti na lang talaga napasa ko 'yung project ko kundi malaki ang ibababa ko sa subject na 'yon. Hindi naman sa pagiging grade conscious pero gusto ko lang talaga na matataas ang grado ko para naman makabawi kila papa. Sayang naman kasi ang pagod nila kung hindi ko pagbubutihan.

Tapos ngayon, long quiz naman agad. Ano ba 'yan!

"Iniwan ko muna 'yung bag ko sa locker. Long quiz naman, ballpen lang ang kailangan." paliwanag ko sa kanila.

They just nodded at nagpatuloy na sa pagre-review. Kunwari pa ang mga 'to. Sigurado naman akong mangangalabit lang ulit sila mamaya.

Umupo na ako sa pwesto ko. Sinigurado ko rin na safe ang bulsa ng palda ko dahil lagi ko itong chine-check. Pati nga ang inuupuan ko, eh. Buti na lang at hindi ako napapansin nung dalawa dahil busy sila mag-review kuno.

Hindi sinasadyang mahagip ng mata ko si, Noreene. Nahuli ko rin siya na nakatingin sa'kin at mukhang hindi siya mapakali. Siguro dahil nakita niya na wala akong dalang bag.

Nalipat sa teacher namin ang atensyon ko na kapapasok lang. Pina-lock niya pa ang pinto. Ayaw niya na kasi ng nagpapapasok kapag late. Napansin ko naman na wala pa si, Margaret. Naalala ko na nung tinanong ko kay Jun kanina kung bakit hindi niya kasama si Marga, may hinala raw siya na tumakas sila kung saan para mag-date.

Tignan mo nga naman ang babaeng 'yon. Napaka-kapal ng mukha. Hays.

Nag-start na mamigay ng test papers si ma'am. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Noreene na hindi pa rin mapakali. Alam kong kaya siya ganyan dahil hindi niya nasunod ang usapan nila ni, Mira. Magkano ba kasi ang offer sa kaniya? Kailangan na kailangan na ba talaga niya ng pera? Bigla tuloy akong naawa. Kakausapin ko na lang siya mamaya.

Noong sa pwesto na nila Noreene ibibigay ang test papers, nakita kong napakunot 'yung teacher namin dahil may nahulog na papel sa pwesto niya. Nanginginig na kinuha ni Noreene 'yon at nilukot. Hindi niya alam kung saan niya itatago 'yon lalo na't nakita na ni ma'am. Pwersahan din naman kinuha ni ma'am 'yon. Tinignan niya kung ano ang laman ng papel. Ako lang ata ang hindi nagulat na malamang kodigo 'yon. Kasama rin kasi sa topnotchers 'yang si, Noreene. Hindi tuloy sila makapaniwala.

"Get out. We'll talk outside." kalmado pero halatang galit si ma'am sa boses niya.

Natapos namin 'yung quiz. Nakaramdam ako ng mixed emotions kaya hindi ko alam kung tama pa ba ang mga sinagot ko. Hindi ko kasi alam kung magagalit ba ako o maaawa. Kahit naman kasi kailangan niya ng pera, mali pa rin na gawin niya 'yon sa'kin. Sana kinausap niya na lang ako para matulungan ko siya.

Paglabas ko ng room, nakita ko si William na nakaabang. Tipid akong ngumiti sa kaniya.

"Hindi ba sabi ko huwag mo na ako hintayin?" medyo naiinis na sabi ko. Akala ko pa naman klaro na ang usapan namin kanina.

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu