↞14↠

219 13 0
                                    

Kyla

"Siya ba 'yun? 'Yung nakaaway daw ni, Margaret?"

"Yeah, she looks so weak."

"Balita ko malandi daw 'yan, inaagaw niya daw 'yung boyfriend 'di ba?"

"Sabi, eh."

"Huh! Dapat lang na pati siya ma-suspend."

"Tara na nga, baka marinig niya pa tayo."

Sobrang haba na siguro ng pasensya ko para hindi na pansinin pa 'yung mga babae na nagbubulungan tungkol sa akin. Hindi ko nga masabing bulungan pa 'yung ginagawa nila dahil naririnig ko naman, eh. Ganun ba kaingay 'yung issue namin ni Margaret at pati 'yung ibang grade levels nalaman na rin 'yon? 'Yun nga lang, mukhang ako pa ang napasama sa chismis. Ganun talaga, chismis 'yan. Kahit wala naman talaga silang alam sa tunay na pangyayari, manghuhusga na agad sila.

1 day ago na noong mangyari ang gulo sa pagitan namin ni, Marga. Noong una sinusubukan ko pang itago kila mama. Noong araw nga na kagagaling ko ng Ospital, sinubukan ko pang magpalusot sa kanila kung bakit kila Angelica muna ako matutulog pero kinabukasan naman nun, in-inform din sila ng school tungkol sa nangyari.

And as I expected, galit na galit si mama. Hindi siya nagdalawang isip na pumunta sa school nun para makausap din 'yung parents ni, Marga. Gusto pa nga niya na ma-expelled na sila Margaret pero dahil malakas ang kapit ni Margaret sa school namin, one week suspension lang ang binigay sa kanila. They even wrote an apology letter for me at sa school pero syempre, sapilitan lang 'yun. Nag-promise din 'yung magulang ni Margaret na papalitan 'yung cellphone ko na sinira niya. Mukhang mabait naman ang parents niya, eh. Hiyang-hiya nga sila sa ginawa ni Marga. Hindi ko tuloy alam kung saan ba namana ni Marga 'yung ugali niya.

Pero dahil nga nakita ko si Margaret kahapon, napansin ko rin 'yung bandage niya sa arm wrist niya. Ang higpit pala talaga ng pagkakahawak sa kaniya ni, William. Gusto niya pa ngang ireklamo 'yun pero hindi naman siya pinansin ng parents niya. Alam din siguro nilang deserve ni Margaret 'yun at kulang pa nga 'yun sa ginawa niya sa'kin nang makita nila ako.

Pumasok na ako sa room namin. Agad akong sinalubong ni Angelica at Vhenice para tanungin kung ayos na daw ba ako.

"I'm alright," sagot ko naman sa kanila.

Hindi naman na gaanong sumasakit ang ulo ko. Sadyang hindi ko pa maalis 'yung gauze pad sa noo ko dahil sariwa pa 'yung sugat. Kung pwede nga lang na alisin na, kahapon ko pa ginawa kaso baka daw kasi ma-irritate.

Ang ayoko lang kasi, 'yung napapansin ako ng mga estudyante dahil dito. Alam na alam kasi nila na ako 'yung na-bully ni Marga pag nakikita nila ako. Pero haay, ang aliwalas ng pakiramdam ko ngayon sa room dahil hindi ko nakikita 'yung tatlong kampon ng kadiliman.

"Buti na lang talaga hindi lang three days suspension ang binigay kay, Marga," sabi ni Angelica.

Three days suspension lang naman kasi talaga. Pero hindi pumayag si mama. Wala tuloy silang nagawa kundi gawing one week. Ang powerful talaga ng mama ko.

"Nga pala, nakuha mo na ba 'yung module mo sa english at science?" tanong ni, Vhenice.

"Hindi, bakit? Gagamitin?" they nodded. Bakit ngayon lang nila sinabi agad?

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now