↞15↠

224 11 9
                                    

Kyla

"So anong balak mo sis? Alam mo ba kung saan siya nakatira?" tanong sa akin ni, Vhenice.

"No. Hindi nga rin siya sumasagot sa calls ko," sagot ko naman sa kanila.

Sumubo ako ng carbonara na treat nila sa'kin. Hmm ang sarap talaga nito.

"Mukhang tinatakasan ka, ah. Gusto yata talaga niyang tanggapin mo 'yung gift," sabi ni Angelica at humagikgik pa.

Bakit ko naman tatanggapin 'to? Alam kong estudyante lang din si, Jun. Baka mamaya allowance niya pa ang ipinambili niya dito. Mukhang ang mahal pa naman.

"Sa ayaw at sa gusto niya, ibabalik ko 'yan sa kaniya," sabi ko ulit matapos ngumuya.

Kung 'yung bulaklak nga na sinubukan niyang ibigay sa'kin hindi ko na tinanggap, ganito kamahal na bagay pa kaya?

"Bahala ka na, malaki na kayo," pagsuko nila sa'kin.

Pagkatapos naming kumain, naisipan kong ayain 'yung dalawang bruha na manood ng sine. Showing daw kasi 'yung endgame ngayon at mahilig din naman ako sa ganitong klaseng movie. Nung una ayaw pa nila dahil hindi naman daw sila makakarelate pero napilit ko naman sila.

Noong makapasok na kami sa sinehan, agad naming hinanap 'yung seats namin. Hindi na kami gaanong bumili ng snacks since kakakain lang naman namin. Bago mag-start 'yung movie, nahagip ng mga mata ko 'yung dalawang taong pamilyar sa'kin na kapapasok lang at naghahanap rin ng seats. Madilim na kasi sa loob kaya hindi ko agad naaninag 'yung mukha nila. Mali lang ba ako ng nakikita o si Derrick at Margaret talaga 'to?

Para makasigurado, kinalabit ko si Angelica at Vhenice na nasa magkabilang gilid ko, "Si Derrick at Margaret ba 'tong nakikita ko?"

"Whereeee?"

Agad naman nilang sinundan ng tingin kung nasaang gawi ang mga mata ko. Kung hindi ko pa yata pigilan itong dalawa baka tumili na sila dahil nakita nila si, Derrick.

"Oo nga sis! Si pappy nga!" kinikilig na sabi ni, Vhenice.

Napakunot lang ako.

Normal lang ba sa kanilang magkakaibigan ang mag holding hands? Paano na lang ang iisipin ng iba kay, Marga?

"Pero bakit holding hands sila? Pinagsasabay niya ba si Derrick at Jun?" tanong naman ni, Angelica. Ayan din ang tanong sa isip ko ngayon.

"Baka ganiyan lang talaga sila. 'Di ba nga nakwento ni Kyla na simula mga bata palang sila nila Jun magkakaibigan na sila?" sabi naman ni, Vhenice.

Pero bakit naman sila mag ho-holding hands sa public? O baka naman inaalalayan lang ni Derrick si Margaret dahil paakyat sila? Buti na lang talaga at hindi nila kami napansin.

Parang nawalan tuloy ako ng gana manood dahil nakita ko si Margaret. Ayan sira na araw ko. Bakit ba kasi ganitong oras pa nila naisipang manood? Badtrip. Buti na lang gwapo si Captain America.

Natapos kaming manood ng sine na luhaan. Omg! Hindi naman kami na-inform na nakakaiyak pala ang ending nito. Kinulang pa nga kami sa tissue dahil hindi naman kami prepared! Buti na lang kahit papaano may tira ako sa bag kundi baka lumabas ako ng sinehan na uhugin. Dumiretso muna tuloy kami sa cr bago umuwi.

"Grabe nasira 'yung gandang pulbos at liptint ko!" sabi ni Vhenice habang nakaharap sa salamin.

"Grabe, I love Derrick 3000 na talaga," sabi naman ni, Angelica.

"Me too," dugtong pa ni, Vhenice.

Ewan ko na lang. Baka kasi love na din ni Margaret si Derrick.

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now