↞8↠

233 11 0
                                    

Margaret

"Marga, I wanna ask something." napatingin ako sa bumukas na pinto at akala ko si Jun ang pumasok pero si Derrick ang nakita ko.

"What?" Tanong ko habang inaayos ng hair stylist ko ang buhok ko. The program just ended kaya umakyat na ulit ako sa dressing room to change my outfit and my hair style. Gusto ko kasing isuot ang niregalo sa'kin ni, Jun.

"About your three classmates, at isa na dun si, Kyla. Ayaw kasi silang papasukin ng guards kanina because of their different invitation cards. Ikaw ba ang nagbigay nun sa kanila?" my eyes widened when I heard what he just said. Screw it! How did he know?

Pinahinto ko tuloy ang hair stylist ko sa ginagawa niya and pointed to the door para palabasin siya.

I looked at Derrick while raising my right eyebrow when my hair stylist left the room kaya kaming dalawa na lang ang natira.

"And why are you asking me that?" I asked him and he just gave me a serious look.

"I was just wondering kung may problema bang namamagitan sa inyo because just so you know, I'm friends with Kyla, kaya pinapasok ko sila." he said na mas lalong kinagulat ko. Seriously? Nawalan na ba siya ng taste sa pagkakaroon ng kaibigan kaya pati ang isang loser ginagawa na rin niyang kaibigan?!

"And you're doubting me now? Iniisip mo na sinadya kong bigyan sila ng fake invitation cards para hindi sila makapasok?" tanong ko at agad naman siyang umiling.

"No, I don't mean that. I just want you to enlighten me." sabi naman niya kaya napatango-tango ako.

Crap, paano ba 'to?

"I w-was actually shocked nang sabihin mong hindi sila makapasok-pasok kanina. They're my classmates so I invited them kaya bakit ko naman magiging intensyon na hindi sila papasukin? Maybe, hindi ko lang napansin na iyong mga rejects ang naibigay ko sa kanila. Don't worry, ngayong alam ko na, I will talk to them to apologize." I explained and tried to smile para lang hindi niya mapansin na kasinungalingan ang sinabi ko. Bakit naman ako mag a-apologize sa mga losers na 'yun? Wala 'yon sa bokabularyo ko!

"Oh, okay. Thanks for explaining, at least malinaw na sa akin ang lahat. Buti na lang pala lumabas ako para matulungan sila. Sorry for interrupting, tawagin ko na hair stylist mo sa labas para mapagpatuloy ang buhok mo." Derrick said with a smile bago ako iwan sa kwarto at pagkasara na pagkasara niya pa lang ng pinto, napapikit na ako sa inis.

Great! Hindi ko akalain na matutulungan sila ni Derrick sa plano ko dahil hindi ko naman alam na close pala si Kyla sa kaniya! Ano na lang sasabihin sa akin ni Rio at Ivy kapag nalaman nilang palpak ang plano?

This is just so damn annoying!

Lahat na lang ba talaga ng meron ako aagawin niya kaya pati ang childhood best friend kong si Derrick nagagawa niya na din kaibiganin?

Huwag ko na lang talaga malalaman na pati si Jun aagawin niya sa'kin because if she did, I'll make her living like hell.

Kyla

"Hoy, kanina ka pa tulala at kanina mo pa din nilalaro-laro ang pagkain mo. Problema mo?" takang tanong ni Angelica kaya napabalik ako sa wisyo.

"Oo nga, simula noong bumaba si Margaret sa hagdan kanina hanggang matapos ang program ganiyan na ang itsura mo." dagdag naman ni Vhenice bago isubo ang kutsara niya. I sighed.

Ano nga bang problema ko? Eh, ano kung girlfriend ni Jun si, Marga? Noong sa mall pa lang naman nag-isip na agad ako na may girlfriend siya at tama nga ang hinala ko, girlfriend niya ang reregaluhan niya pero hindi ko naman inexpect na si Margaret 'yon. Well, hindi ko naman talaga type si Jun pero kasi, nanghihinayang lang ako, like seriously?! Ang ganda kaya ng ugali ni Jun tapos kay Margaret lang siya mapupunta?!

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now