↞19↠

286 11 6
                                    

Sorry super late. Ngayon lang nasingit hehe. Hirap mag-aral.

Kyla

“Peps, promise me, hindi mo pagsasabi kahit kanino ang sikreto ko.”

“I promise, Junjun. Don't worry, you can trust me.”

Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ang usapan namin nang gabing 'yon. Alam ko naman kung gaano ka-importante kay Jun ang promises kaya't sisiguraduhin kong tutupad ako sa pangako ko. Tingin ko nga, mas lalo kaming naging malapit matapos ang gabing 'yon. Ang dami ko kasing nalaman sa kaniya tapos ako, hindi ko na kailangan mag kwento dahil kahit effortless,  kaya niya naman basahin ang background information ko.

Nalaman ko rin na hindi lang pala niya basta-basta mababasa ang isip ng isang tao. Choice niya pa rin naman daw kung pipiliin niyang basahin 'yon o hindi. Dati daw hindi niya pa kayang i-control 'yun hanggang sa natutunan niya rin naman.

“Grabe! Nakakainis lang at hindi kita katabi sis! Hindi tuloy ako nakakopya sa'yo! 'Yung mga ni-review ko kasi hindi naman pala iyon ang mga tanong sa exam! Nakaka-imbyerna!” reklamo ni Vhenice.

Katatapos lang kasi ng exams namin sa 3 subjects at ngayon, recess muna namin. Si Vhenice lang ang kasama ko ngayon na pumunta ng canteen dahil hindi naman sumama si Angelica. Masakit daw kasi ang ulo niya dahil sa puyat kahapon. Ayaw man kasi niya, pinilit pa rin siyang mag review ng parents niya.

“Ikaw naman kasi, nag-offer na nga ako sa inyo na sumama kayo mag-review sa'kin pero tinanggihan niyo lang.” Napanguso lang siya sa panenermon ko sa kaniya.

“Nakakatamad naman kasi kung pupunta pa ako sa bahay niyo para mag review lang. Alam mo naman na sa galaan lang ako active.” Halos pumuso pa ang mata niya noong mabanggit niya ang 'galaan' na word.

“Ayan, diyan ka magaling. Ang galing mo mag budget sa pag-sh-shopping pero pagdating sa math bagsak ka naman,” pang-aasar ko kaya nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

“Ano naman magagawa ko kung nung nagpaulan ng katalinuhan ikaw lang ang nasa labas tapos ako nasa loob ng mall namimili ng damit?” pagbibiro niya kaya napatawa ako.

“Bruha ka.”

Noong nakarating na kami sa canteen, pumila na kaming dalawa ni Vhenice para makabili ng pagkain. Medyo mahaba na rin ang pila dahil siguro nagutom masyado ang mga estudyante sa exam. Hindi ko maiwasang ilapit ang ilong ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon habang nakapila. Parang pamilyar kasi sa akin ang amoy ng pabango niya.

“Huy! Ikalma mo nga 'yang pepe mo,” madiin na bulong sa'kin ni, Vhenice. Bigla akong nabalik sa wisyo.

Sa sobrang pagka-miss ko sa amoy na 'yon, hindi ko alam na nakadikit na pala ang mukha ko sa uniform niya. Shiz! Nakakahiya!

Bago ko pa maitago ang mukha ko sa lalaking 'yon, huli na dahil naramdaman na niya 'yung mukha ko sa likod niya. Wala na akong nagawa kundi iangat ang tingin ko sa kaniya noong humarap siya.

“You miss my smell, do you?” tanong niya sa'kin.

Tama ako ng hinala. Si William nga itong lalaki na nasa harapan ko ngayon at pamilyar ang amoy sa'kin. Buti na lang at hindi ako nagkamali dahil siguro kung ibang lalaki 'to baka namatay na ako sa hiya.

“Sorry. H-Hindi ko lang napigilan,” napakagat ako sa ibabang labi ko noong bigla siyang ngumiti.

“I didn't change my perfume kasi sabi mo ito 'yung pinaka nagustuhan mong amoy ko,” bigla niyang sabi.

Napangiti ako. Mukhang nagulat naman siya sa reaksyon ko. Alam ko kasing ito na lang ulit 'yung unang beses na nginitian ko siya pagkatapos namin maghiwalay. Puro inis at pagka-irita lang kasi ang pinapakita ko sa kaniya magmula nun. Pero noong sabihin ni Jun sa'kin na mahal naman daw talaga ako ni William, biglang nagbago na ang ihip ng hangin sa'kin.

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now