↞9↠

269 14 2
                                    

Kyla

“Bakit ka ba nakasimangot?tanong ko kay Vhenice nang tumabi siya sa upuan namin ni, Angelica. Vacant kasi namin ngayon dahil manonood kami ng practice match ng volleyball team ng school kalaban ang isa pang school.

“Oo nga. 'Di ba dapat masaya tayo dito dahil mapapanood nanaman natin maglaro si, fafa Derrick?” sabi ni Angelica at hinampas ng mahina sa braso si, Vhenice.

“Oo 'yun na nga. Nakakainis lang kasi 'tong si, Stan. Sinabi niya tumataba na daw ako, eh siya nga 'tong buraot sa'kin tuwing recess kaya hindi ako nakakakain ng maayos!” inis na sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Angelica at nakakalokong ngumiti.

“Yieee.” kantyaw naming dalawa kaya lalong sumama ang tingin sa'min ni, Vhenice.

“Tumigil nga kayo! Ayan nanaman kayo, eh.” sita niya sa amin at natawa na lang kami.

Matagal na kasi siyang inaasar ni, Stan. Hindi namin alam kung bakit pero dahil sa pag-aaway nilang dalawa lagi, sila tuloy ang isa sa shini-ship sa room namin.

“Alam mo kasi, kay Stan ka na lang tapos ipaubaya mo na sa'kin si Derrick edi happy happy tayo dito.” suhestiyon ni Angelica at napapalakpak pa. Siya naman ang hinampas ni Vhenice sa braso pero 'di tulad kanina, mas malakas na iyon.

“Tumigil ka! Ano bang mapapala ko sa maingay at mapang-asar na 'yon? Siya nga itong malaman ang pisngi tapos ang lakas niyang mang-asar.” sabi ulit ni, Vhenice.

“Magaling naman kumanta.” sabi ko.

“Eh, ano ngayon?”

“Edi kaya ka niyang patulugin gabi-gabi pag naging kayo.” nakangiti kong sabi at tinaas baba pa ang kilay.

“Heh!” at agad akong tumawa dahil sa reaksyon niya. “Anong oras ba ang practice match? Mas maganda siguro kung pumunta na tayo sa gym.” dagdag niya pa.

“Oa mo, 20 minutes pa. Baka mawalan ng gana maglaro si fafa Derrick pag nakita ka niya dun ng ganito kaaga.” pabirong sabi ni Angelica. Seryoso ba talaga sila sa fafa Derrick kuno?

“Mas maaga niya nga akong makita dun, mas gagaling siya maglaro.” confident na sagot ni, Vhenice.

“Tama na nga. Baka tuluyan niyo na talaga makalimutan ang friendship niyo dahil lang kay, Derrick.” biro ko sa kanila.

“Hindi ah. Pero baka ikaw ang ma-F.O namin pag nalaman naming ikaw ang nakatuluyan ni, fafa Derrick.” sabi ulit ni Vhenice kaya nagulat ako.

“Ba't naman sakin napunta ngayon?” tanong ko.

“Charot lang! Crush lang naman namin 'yon pero susuportahan ka naman namin pag niligawan ka niya hihihi. That's what friends are for!” at siniko pa niya ako.

Ako? Liligawan ni, Derrick? Wala naman ako makitang magugustuhan niya sa'kin, no.

“Tama na nga. Nahihibang ka na, Vhenice.” sabi ko pero nag-apir lang naman sila ni, Angelica.

Nang 10 minutes na lang at magsisimula na ang practice match, nag-aya na ang dalawa na pumunta sa gym dahil nandoon na din ang mga kaklase namin. Halatang excited pa nga sila at kulang na lang magdala sila ng banner at mag-suot ng t-shirt na may mukha ni Derrick, eh.

Nasa gitna na kami ng campus nang may maalala ako.

“Ay hala! 'Yung panyo ko naiwan ko sa room. Okay lang kung balikan ko? Nandun din kasi cellphone ko.” tanong ko.

Hindi kasi ako sanay na walang dalang panyo at lalo na cellphone. Feeling ko kasi laging mawawala ang cellphone ko kapag iniwan ko sa room. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kaklase namin dahil mas mapera naman ang mga 'yon sa'kin. Sadyang may pagka-paranoid lang talaga ako pagdating sa mga gamit ko.

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now