↞12↠

228 12 1
                                    

Kyla

"Yey! I finally bought a new phone!" hindi ko maiwasang matuwa habang nakasakay ako ng jeep para pumasok.

Kagagaling ko lang kasi sa mall. Sinabi kasi sa gc namin kagabi na wala naman daw kaming first and second subject kaya naisipan ko na sa mga oras na 'yon na lang bumili. Ang hirap kayang tumanga sa room ng dalawang oras. Madali lang naman mag dahilan sa guard hehehe.

"Hala manong guard, papasukin niyo po ako!"

Joke lang. Sino ba nagsabing madali lang magdahilan? Pinagsaraduhan niya nga ako at naglagay pa ng lock. Bakit ba kasi nakalimutan kong naglalagay nga pala ng padlock sa gate pag ganitong oras?

"Parang hindi ka nag-aaral sa school na 'to, ah? Hindi mo ba alam na naka lock na ang gate ng gan'tong oras?" masungit na sabi niya at tinaasan pa ako ng kilay. Dinaig pa ang principal.

Eh, kasi naman hinintay ko pang magbukas ang mall. Tapos doon pa ako nag breakfast dahil hindi agad nagising ng maaga si mama para magluto. Haay, wala naman akong ibang choice. Sa hapon nalang ako papasok. Sana naman walang gaanong gawin sa morning classes namin. Buti nalang din pala at hindi ako nagpasama kila Angelica at Vhenice kundi nadamay pa sila sa pag-a-absent ko.

Buo na sana ang desisyon ko na mamaya nalang pumasok nang biglang narinig ko si Derrick na tinawag ang pangalan ko habang papalapit sa gate.

"Kyla! Bakit late ka?" tanong niya at noong tuluyan na makalapit, kinuha niya 'yung susi sa guard at binuksan 'yung lock.

Wow ha! Walang paa-paalam ganon? Ni wala ngang reaksyon 'yung guard sa ginawa niya eh samantalang ako konti na lang ipagtabuyan na niya ako kanina noong gusto kong pumasok sa gate!

"Ahh kasi na-late ako ng...g-gising," pagdadahilan ko.

Syempre ayoko namang sabihin ang totoo dahil naririnig nung guard. Baka mamaya lalong hindi na niya ako papasukin sa susunod pag nalaman niyang hindi naman kainti-intindi 'yung reason ko.

"You should set an alarm next time. Buti na lang nakalimutan ko 'yung jersey ko sa kotse kaya naabutan kita dito," nginitian ko lang 'yung guard noong makapasok ako.

"May practice kayo?" he nodded. "Thanks nga pala, ah. Lakas mo naman dito kay manong guard."

"No worries, close naman ng team itong si Kuya at pwede naman talaga kaming lumabas anytime if we have practice," paliwanag niya.

Ah gano'n, sa kanila lang may special treatment? Try ko nga rin pumasok sa team nila, kailan kaya ang try-out? 

"So pa'no? Pasok na ko, ah? May klase pa ako ng third subject." 

"Sure. See yah." 

Noong naghiwalay na kami ng landas, pumasok na ako agad sa room namin and thankfully wala pa naman si sir pero may napansin agad ako. Sa talim kasi ng tingin sa'kin ni Margaret, siya agad ang nakita ko pagpasok pa lang ng room. Yung tingin na parang may gagawin siyang masama sa'kin? Kinilabutan tuloy ako bigla. Ano nanaman bang problema niya sa'kin this time? Ni hindi ko pa nga nalilimutan 'yung binalak niyang pagpapahiya sa'min sa party niya.

Pumwesto na lang ako agad sa upuan ko at hindi na ako nagulat noong automatic na tumabi sa akin 'yung dalawa.

"Paano ka nakapasok? Ineexpect namin sa hapon ka na makakapasok dahil naka-lock na 'yung gate. Pinaalala ko naman sa'yo na agahan mo pa rin 'yung pasok 'di ba?" sabi ni Angelica.

"Alangan namang mauna pa ako sa  pagbubukas ng mall? Tsaka 'dun na din kasi ako kumain dahil wala kaming almusal sa bahay." 

Hindi pa naman kami marunong magluto magkakapatid. Kaya nga madalas akong ipagluto ni William ng pagkain nun kapag pumupunta ako sa kanila--but take note, kapag kami lang dalawa ang nasa bahay. Alam niya kasing hindi ako marunong magluto. Kaya din siguro pinagpalit niya ako sa iba.

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now