↞27↠

133 13 9
                                    

Kyla

"Ahhh! Kinasal ako kay, Derrick! I-congrats niyo ako, isa na akong Mrs. Lee!" Angelica said with a wide smile while she was showing us her fake wedding ring.


"Yeah, yeah, ang swerte mo habang ako isang oras narindi sa kadaldalan ni Stan," sabi naman ni Vhenice at halatang may bahid pa rin ng pagkainis ang mukha.


"Alam mo ang arte mo," natatawa kong sabi sa kaniya.


"Hoy bakit? Ginusto ko ba 'yon? Kayo lang naman ang nagpupumilit sa akin kay Stan," inirapan niya pa kami.


"Aminin mo kinilig ka rin duh," pang-iinis ni, Angelica.


"W-Well, pwede na..." nag-aalangan pa na sagot niya.

Sabay kaming napatawa ng malakas ni Angelica. Choosy pa kasi bibigay din naman pala. Nasasanay na lang kami sa kaniya dahil ganyan talaga ang ugali niya. Ilang lalaki na rin ang na-reject nyan eh dahil mapili talaga siya sa lalaki.


"Kain tayo, nagugutom ako," aya ni Vhenice at hinimas-himas pa ang tiyan niya.

"Same, tsaka may carbonara raw sa cafeteria. Libre ka na ba namin ulit?" tanong sa'kin ni, Angelica kaya umiling ako agad na ikinagulat nila. "Huh? First time mo yata tumanggi sa carbonara?"

"That's new!" dugtong pa ni Vhenice at mukhang natuwa dahil ligtas ang wallet niya.

"I ate with William earlier. Na-treat niya na ako nun," sabi ko kaya nagkatinginan sila at sabay pa akong sinabunutan ng mahina. "Aray ko!"


"Marupooook!" sabay nanaman sila nang sabihin 'yon kaya nainis ako.


"We just ate! Hindi kami nagkabalikan!" pagdedepensa ko sa sarili.


"Sus. Sa kaniya galing 'yan 'no?" tinuro ni Angelica 'yung hawak kong stuffed toy at wala akong nagawa kundi tumango. 


"W-Wala naman 'tong meaning. Hindi nga kami nagkabalikan!" pamimilit ko. 


"Narinig ko na sa'yo 'yan dati pero binalikan mo naman." si Vhenice naman ngayon. 


Inirapan ko na lang silang dalawa at hindi na kumibo. Kahit anong depensa ko naman sa mga 'to hindi ako mananalo dahil dalawa sila at isa lang ako. Sinamahan ko na lang sila sa cafeteria kumain.


Kinailangan umalis kanina ni William dahil pinapatawag daw siya ng coach nila. Ang hirap talaga maging player dito dahil kahit may event ay anytime ka pwedeng tawagin. Mukhang ayaw niya pa nga akong iwan mag-isa kaya pinakita ko na lang ang texts ni Vhenice at Angelica na hinahanap na ako.


Natapos ang araw namin sa school na sinubukan lang namin ang mga booth. Kung minsan ay hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil pilit na hinahanap ng mata ko si Jun pero hindi ko naman siya makita. Mukhang tuluyan na nga talaga siyang sinolo ni Margaret dahil hindi ko na siya nakita sa listahan ng attendance kanina.


"Bye sis! Text me agad 'pag nakauwi ka na ha?" sabi ni Angelica at kumaway sa'kin.


Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now