↞22↠

165 10 4
                                    

Kyla

Napakunot ako ng noo nang mapansin ang tilian at kumpulan ng mga estudyante pagkapasok ko pa lang ng gate ng campus. Halos hindi na nga ako makahinga makalagpas lang doon.


"Siiiis!"


"Anong meron?" tanong ko agad kay Angelica at Vhenice noong lapitan nila ako.


"Hindi mo ba nakita?" balik na tanong sa akin ni Vhen.


"Magtatanong ba ako kung nakita ko?" sabi ko at natawa naman si Angelica sa pamimilosopo ko. "Joke sis labyu."


"Heh! Bahala ka hindi ko na lang sasabihin." pagtatampo pa niya kunwari. "Char! Syempre madaldal ako kaya sasabihin ko na."


"Ano ba 'yun?" tanong ko ulit sa kanila.


"Lumipat ng school si Jun!" sabay nilang sabi ni Angelica. Dahan dahan pa 'yon nag loading sa utak ko bago ko ma-gets.


Lumipat ng school si Jun?! Ibig sabihin tinotoo niya talaga ang sinabi niya sa'kin last week?!


"S-Seryoso ba..." hindi makapaniwalang tanong ko.


"Oo! Kaya nga 'yang si Margarine proud na proud na ipakilala ang boyfriend niya rito kaya sila nagkakagulo." paliwanag ni Angelica.


Parang biglang kumulo ang dugo ko. Ang kapal din ng mukha niyang ipagkalat pa na boyfriend niya si Jun samantalang cheater naman siya!


"See it yourself." sabi ulit ni Angelica.


Sinubukan naman nila akong tulungan na makisingit para nga makita ko na si Jun iyon. Noong nagawa ko na, at saka na ako naniwala. Halatang hiyang-hiya si Jun sa ginagawa ni Marga na pag-introduce sa kaniya. Hindi ba niya alam na hindi kumportable si Jun sa maraming tao? Nakakainis naman!


At biglang nahagip ang mata ni Jun sa akin. Ang mukha niyang halatang nahihiya ay napalitan ng ngiti. Pasimple pa siyang kumaway sa akin.


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.


A-Ano 'yun? Ngumiti lang naman siya sa'kin bakit biglang ang bilis ng tibok ng puso ko? Malay mo hindi naman sa akin 'di ba?


"Aray ko!" gulat na saad ko nang maramdamang kurutin ako sa tagiliran nung dalawa.


"Ang landeee!"


Napansin din pala nila ang ginawa ni Jun. Ayoko sana mag-assume pero bakit nag-iinit ang pisngi ko?


'Hala Kyla! Pareho kayong may jowa ano ka ba!' inis na sabi ng boses sa isip ko.


"Tara na, baka ma-late pa tayo sa klase."


Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon