"Para maiwasan ang panganib na maaaring nakaabang sa Prinsepe" Dagdag naman ni JR,

"Without further interruption let's start the battle to Princess Miyuka of Natura Kingdom vs. Queen Revar of Hydor!"

"Ampochi!" Nanginginig ang mga binting naglakad si Miyuka sa gitna ng bulwagan na kung saan nakatayo na ang Reyna.

Isang Blood Manipulation ang abilidad ng Reyna, kung hindi ako nagkakamali isa sa mga mapanganib na abilidad ito. Nagumpisang maglaban ang dalawa at puro iwas lang ang ginawa ng Reyna sa unang atake ni Miyuka, hanggang sa napansin nitong napapagod na ang Prinsesa gumawa ito ng malaking atake na siyang naging sanhi ng pagkatilapon ni Miyuka na tumama sa ginawang Bulwark. Sumuka ito ng dugo na agad namang kinontrol ng Reyna at ginawang mistulang bala ng baril at itinira ito kay Miyuka na agad namang gumawa ng proteksyon. Hindi naman naiwasan ang ibang daplis na atake ng Reyna na siyang tumama kay Miyuka. Nanghihinang tumayo ang Prinsesa at gumawa ng sunod na atake. Sa natitirang lakas inipon niya ito at itinama sa Reynang nanatiling kalmado na nakatayo. Malakas ang naging atake ni Miyuka na naging sanhi ng maliit na crack sa Bulwark na agad namang nawala kalaunan, sa lakas ng pwersang pinakawalan wala pa rin itong naging talab sa Reyna na agad nakaiwas sa pagsabog.

Nagpatuloy ang laban kahit nanghihina na at halos mawalan ng malay sa sobrang kahinaan si Miyuka, kahit isang galos man lang ay walang nakuha ang Reyna. Lumipas ang oras idiniklarang itigil na ang laban at nakakuha ng malaking porsyento si Miyuka na Ninety-six percent. Agad itong tinulungan ng mga Healer at isa na doon si Haika.

"Prince Jim Reiner of Aer Kingdom vs. King Gylo of Fyr!" Kitang kita sa mukha ni JR ang pagkabigla ng marinig ang pangalan ng kanyang makakalaban,

"Pasalamat kana lang JR hindi pwedeng pumatay sa Round na ito" natatawang saad ni Cyrene.

"Gabayan mo ako Aeros!" Panalangin niya sa dakilang Aeros na siyang espirito ng elementong hangin. Gaya ni Miyuka nanginginig itong nagpunta sa bulwagan at lumunok ng makaharap ang hari ng Fyr Kingdom. Isang kakaibang abilidad ang kakayahan ng Hari ito ay Death touch. Gaya ng abilidad ni Reyna Revar isa din ito sa mga mapanganib na abilidad na tanging dugong maharlika lang ang makakahawak. Sa sobrang makapangyarihan ng abilidad na ito konting daplis lang ay ikamamatay mo na.

"Kalahati ng abilidad ni Haring Gylo ang nakuha ni Jared" Bulong ni Cyrene, wala akong pakielam

Sa umpisa palang kabado na si JR kaya hindi niya agad nagawang iwasan ang atake ng Hari, agad itong nasugat dahil sa binatong sphere na siyang nagpagising sa binata. Gamit ang abilidad gumawa ito ng bola na may mga patusok sa loob na agad naman niyang binato sa Hari. Patuloy silang nagpapalitan ng atake at puro pagsabog naman ang nagaganap kapag nagtama ang kanilang abilidad. Maliban sa nakuhang sugat dahil sa naunang atake ng Hari wala ng iba pang nakuhang sugat si JR ng matapos agad ang laban. Nakakuha ito ng Ninety-seven na porsyento. Tuwang tuwa at halos mabinat na ang kanyang labi sa sobrang laki ng kanyang ngiti ng bumalik ito sa pwesto namin,

"Gaya ng sabi ko JR bawal pumatay, pasalamat ka may ganong rule sa Round na ito" nakangising pahayag ni Cyrene dahilan para mawala ang ngiti ni JR,

"Panira ka talaga" akmang babatukan naman nito ang babae ng pingutin siya ng kakarating na si Miyuka,

"Bakla ka talaga!" Puro daing naman ang nagawa ni JR dahil hindi niya kayang saktan si Miyuka,

"Princess Cyrene Hwang of Hydor vs. Queen Yukara of Natura!" Ngiting ngiti namang naglakad si Cyrene sa gitna at hindi pa man nakakarating inatake na ito ng Reyna na agad namang naiwasan ni Cyrene na ikinatawa ng Reyna,

"Mas close pa talaga yang dalawa" mungkahi naman ni Miyuka habang pinapanood ang Ina at kaibigang naglalaban. Napakagandang panoorin ang dalawa sa maayos nilang paglalaban na tila ba nagsasayawan lamang. Matagal bago nagkasugat si Cyrene dahil sa atake ng Reyna na hindi niya agad napansin, natawa lamang ito at muling umatake sa Reyna

"Baliw din talaga si Cyrene" bulong ni Miyuka na ikinatango ko. Hindi din nagtagal ang laban nilang dalawa at natapos ito na may Ninety-seven na porsyento si Cyrene. Lumakas naman ang sigawan ng mga kababaihan sa hindi maipaliwanag na dahilan ng matapos si Cyrene sa pakikipaglaban,

"Prince Jared Gabriel Saunder of Fyr Kingdom vs. King Aiko of Magos!" Kaya naman pala malakas ang tilian ng mga kababaihan,

"Oh ghaddddd!" Sigaw ni Miyuka habang niyuyugyog ang kawawang JR.

Pangatlo sa listahan ng mapapanganib na kapangyarihan ang kakayahan ng Haring Aiko, Adaptation. Kaya niyang gayahin ang isang abilidad na kanyang gugustuhin, ngunit sa aking kaalaman dalawa lang ang pwede nitong pagsabayin.

Naunang umatake si Jared at agad naman itong nawala ng parang bula ng makalapit na sa Hari. Sunod namang nagpakawala ang Hari ng atake habang bigla pa ang lalaki na agad naman nitong naiwasan. Nagpakawala ng napakaraming atake  si Jared habang mabilisan  ang kilos upang makalapit sa Hari. Maganda ang ipinapakita nitong pakikipaglaban dahilan upang lahat ng manonood ay nakatutok lamang sakanila. Sa huling atake nagpakawala ito ng napakalaking fire ball ganon din ang Hari na nagpakawala ng isang malaking bola na gawa sa kidlat. Nagtama ang dalawang atake na siyang naging sanhi ng matindig pagsabog na ikinasira ng tuluyan ng Bulwark, buti na lang mabilis na  sumaklolo ag mga Second Base division at nakagawa ng proteksyon upang hindi madamay ang manonood.

Natapos ang laban ng dalawa ng dahil sa napakalaking pinsalang indinulot nito at nakakuha naman ng Ninety-eight percent na marka si Jared.

"To our last battle may I call on Ms. Samantha Abigail Valdez of William Academy vs. Prince Stephen Kiaro William of Magos!"

The Long Lost Legendary Princess Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin