"Are you excited? Ang aga mo atang nagising." Bungad agad sa akin ni Daddy ng mamataan ako dito sa gilid ng pool.

Ngumiwi ako. "Can you convince her, Dad?" I suddenly ask. I'm talking about my Mom.

Bumuntong-hininga si Daddy sa ako tinabihan sa pag-upo. "You know that I've done everything to convince her to back down that concerted. Sadyang ayaw lang talagang pumayag ng Papa mo. At walang nagawa roon ang Mommy mo." Agad akong nalungkot. Mukhang wala na nga talagang pag-asang hindi matuloy ang pag-alis ko.

"I don't know if I'll survive there. Dad, it's a province. Probinsya, Dad. I can't live like that place." Naiiyak kong sabi.

Tuwing iisipin kong iiwan ko ang buhay ko dito sa siyudad para lang sa isang probinsya, agad gumuguho ang mundo ko. I hate to say this, but I hate my biological Father too.

I was 11 year's old those time when I find out that my Daddy Enzo is not my biological Father. Well, it was accident to hear those private talked of my Mom and Dad.

"Zace? What are you doing here? Kanina ka pa ba riyan?" Mom voice was so shocked. Halatang nagulat sila na nasa pintuan ako ng office nila at nakikinig sa usapan nila.

Napalunok ako. "Mom, Dad, I heard you say that I'm not your biological daughter. It's not true right?" Nagsusumamo kong sabi sa kanila matapos kong marinig ang naging pag-uusap nila.

Mabilis na lumapit si Daddy sa akin para aluhin ako. "You're still my daughter, Zace." Nabasag ang boses ni Daddy bago niya ako niyakap ng sobrang higpit.

Hindi nila direktang sinabi sa akin na hindi nga ako anak ni Daddy. Ni hindi nga nila binubuksan ang topic na iyon kahit kailan. Kaya hindi na rin ako sumubok pa na tanungin iyon kung totoo ba ang mga narinig ko at kung totoo man, gusto kong itanong sa kanila kung sino ang totoo kong Tatay.

Bawat araw, lagi kong pinapansin ang mga kilos ni Daddy. Kung ito ba ay magbabago sa pakikitungo sa akin. But luckily, hindi ito nagbago. Ni minsan hindi niya pinaramdam sa akin na hindi niya ako tunay na anak. Kaya naman kinalimutan ko na lang iyong narinig ko. Alam kong tama ang narinig ko nung araw na iyon. Alam kong bata pa ako nun pero alam ko na nun kung ano ibig sabihin ng narinig ko. Pero dahil wala naman akong nakitang pagbabago sa mga kilos ni Mommy at Daddy noon, isinantabi ko na lang noon ang mga narinig ko.

Akala ko noon ayos na. Hindi na ulit mauungkat ang narinig ko. But I was wrong. When my 14th birthday came, tuluyan na ngang nadurog ang puso ko. They suddenly introduce me to that man who has the same eyes on mine.

"Zace, this is Richard......" Tumigil si Mommy sa pagpapakila sa lalaki ng makita niya ang pag atras ko.

Nakita ko kung paano nanggilid ang luha ni Mommy. Sa gulat ko na makita ang matapang at istriktong Nanay ko na umiiyak sa harap ko, mabilis ko siyang niyakap noon.

"Mom, what's going on?" Natatakot kong tanong habang nakayakap ako sa kanya. Kahit may ideya na ako kung sino ang lalaking may pangalang Richard, gusto ko paring marinig mismo kay Mommy kung sino ito at bakit nandito ito.

Bumitaw si Mommy sa pagyakap sa akin saka niya ko hinila palapit sa nagngangalang Richard.

Nagtama agad ang mga mata namin nung Richard. Nagulat pa ako ng makita kong sobrang lungkot ng kanyang mga mata at ang nanggigilid ring luha nito.

"Baby, this is Richard......." Pag-uulit ni Mommy bago hiniwakan ng sobrang higpit ang kamay ko. "Your biological Father." Pumiyok si Mommy sa huling sinabi.

Pumikit ako saka kinalma ang sarili ko para hindi maiyak sa sitwasyon.

Ang tinayo kong pader para sa pagpipigil na umiyak ay unti-unting nasisira ng marahan akong niyakap ng totoo kong Ama.

"Anak ko......." Napapaos nitong sabi saka mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

And just a second, tuloy-tuloy nang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Narinig ko ang hagulgol ni Mommy sa gilid namin habang nasa likod naman niya si Daddy para daluhan siya.

After my 14th birthday. Twice in a month akong dinadalaw ni Papa. Hindi ko mapagkakailang sa kanya ko nga nakuha ang kulay ng aking mata.

Hindi naman siya mahirap pakisamahan. Mabait si Papa. Pero hindi ko maiwasang hindi siya ikumpara kay Daddy. Si Daddy kasi ay laging nakangiti habang si Papa naman ay parang laging seryoso. But they both loved me.

"Ate, please don't go." Umiiyak na aniya Khali.

The time has come. It's already 9 am. Kailangan ko nang umalis.

"I will call you always, Khali. Don't worry, okay?" Sabi ko sa umiiyak kong kapatid bago ko siya hinalikan sa noo.

Nilingon ko si Mommy at Daddy para mag paalam na rin. Mahigpit akong niyakap ni Daddy saka ginawaran ng halik sa ibabaw ng ulo ko.

Lumapit ako kay Mommy para yakapin siya. "Make me proud, Zace." Bulong ni Mommy. Tumango ako saka kumalas na sa yakap. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Mommy sa sinabi niya pero tumango na lang ako.

"Aalis na po ako." Muli kong paalam sa kanila bago ako pumasok sa loob ng sasakyan.

"Manong Jo, ingat po sa pag dradrive ha." Bilin ni Daddy sa driver namin bago siya lumingon ulit sa akin. "Take care of yourself there." Aniya Daddy bago niya tuluyang isinara ang pinto ng SUV.

Hindi ko alam kung ilang oras ang byahe papuntang San Del Monte. Kaya naman buong byahe natutulog lang ako. Minsan naman pag nagutom ako, pinapahinto ko si Manong para bumili ng pagkain.

"Mga anong oras po kaya tayo makakarating doon?" Sa sobrang bored ko, hindi ko na nakaya pang hindi magtanong kay Manong Jo.

"Naku, baka bukas nang umaga na po tayo makarating doon, Maam. Ang mabuti pa matulog na lang po muna kayo." Nakangiting aniya Manong.

Tumango ako. "Ay teka po? Alam niyo papuntang San Del Monte?" Tanong ko ng mapagtantong paano pala kami makakarating doon?

Natawa naman si Manong Jo. "Syempre naman po, Maam. Ilang beses ko na noon hinatid ang Mommy mo papuntang San Del Monte." Magalang na aniya Manong.

Napabuntong-hininga na lang ako. Oo nga pala. Matagal nang family driver nina Mommy itong si Manong Jo.

Hindi ko alam kung mga anong oras kami eksaktong nakarating dito sa Terminal ng San Del Monte. Basta ang alam ko, umaga na nga kami nakarating.

Sobrang sakit ng leeg at likod ko. Sa haba ba naman ng byahe.

"S-sige na Manong Jo. Ayos na po ako dito. Pwede na po kayong umalis." Ngumiti ako.

Napakamot naman si Manong Jo sa ulo niya. "Sigurado po ba kayo, Maam?"

Tumango ako. "Opo. Malayo pa ang byahe niyo pabalik ng Manila. Kaya sige na po. Nagtext na rin po si Papa na malapit na siya. Saka mag almusal na rin muna po kayo bago kayo bumalik ng Manila." Muli akong ngumiti.

Tumango si Manong Jo at nagpaalam na tutulak na. "Sige po, Maam."

Habang papalayo ang SUV namin, doon ko lang naramdaman na malayo na nga ako sa Pamilya ko. Malayo na ako sa siyudad na kinagisnan ko.

Umihip ang malamig at preskong hangin dahilan kung bakit napalibot ako ng tingin sa buong paligid.

Ang malalaking puno ng narra, mahagony, at ang mga nagtatayogang mga puno ng niyog ang mas lalong nagpagising sa akin na wala na nga ako sa siyudad na may malalaking mga gusali.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti ng makita ko ang patag na mga pananim na palay. Kulay berde ang lahat ng mga ito. Ang sarap tingnan dahil sa luwag nito. Para kang nasa green world kung lilibutin mo ng tingin ang kabuuan ng palayan. Sa kabilang side naman, mayroong mga maisan. At mukhang magbubunga pa lang ang mga ito.

Nawala lang ang ngiti ko ng makita ko ang pamilyar na puting SUV na madalas sinasakyan ni Papa tuwing nagpupunta sa Maynila. Muli na naman akong nalungkot. Ito na talaga, Zace. Malayong-malayo ka na talaga sa siyudad at sa pamilya mo. The reality is here. You need to face it.

Captivated by Mr. Playboy (His Touch Series #1)Where stories live. Discover now