Chapter 9

190 18 0
                                    

"Oh, bakit ka nakasimangot? Kunti nalang lalaylay na yang bibig mo sa sahig

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Oh, bakit ka nakasimangot? Kunti nalang lalaylay na yang bibig mo sa sahig."

Pumikit ako bago bumaling kay Crisel. Ngumiti ako ng pagkalapad-lapad, kitang-kita ang mapuputi kong ngipin at unti nalang ay pakiramdam ko na mapupunit na ang mukha ko.

"Ok na po ba, gurl? Ok na, ha? Akala mo naman hindi ka nasimangot."

"Nasimangot ako pero hindi ako makakalimutin katulad mo na oorder na nga lang, kakalimutan pa yung number. Akin na nga yan."

Kinuha niya ang number mula sa kamay ko at inilagay sa gitna ng table.

Across the table ay dun si Elaine naka-upo. Nakatingin siya sa cellphone niya at nakangiti.

"Hoy bata!"

Nakakunot ang noong tumingin sakin si Elaine.

"Are you calling me?"

Nakataas ang kilay pa niyang tanong.

"Sa tingin mo? Hindi ba halata?"

"Kainis ka talaga! I'm not a bata kaya!"

"Isip bata nalang."

Sagot naman ni Crisel kaya tuwang-tuwa akong tumingin sakanya habang pinipigilang tumawa ng pagkalakas-lakas.

Aangal pa sana si Elaine pero hindi na niya natuloy ng dumating na ang pagkain na inorder namin.

Nilapag na ng tagahatid ng pagkain ang order namin sa table at sa unang segundong umalis siya ay kumuha na agad ng slice si Elaine at nagsimulang kumain.

"Isip bata tapos patay gutom. Gosh, such a perfect combo."

Nag-taas ng kilay si Elaine at sandaling tumigil sa pagkagat sa pizza slice na hawak niya.

"You're obviously slim and skinny, sexy even but you don't need to rub it my face kaya. I'm payat rin kaya pero hindi masyadong payat like you. So obviously, I'm not patay gutom."

Tiningnan lang siya ni Crisel at hindi nagtagal ay kumuha na rin siya ng sariling pizza slice at kinagatan ito habang nakangiwi.

"Ang conyo-conyo, sarap batukan."

Mahirap magpigil ng tawa kaya binaling ko ang tingin ko sa ibang tao na nasa loob na katulad rin naming nakain at tinakip ang isang kamay ko sa bibig ko.

"I can hear you kaya. You're so violent. That's bad, you know?"

"Kaya nga, Crisel. That's bad, stop being so violent na."

Ginaya ko ang accent ni Elaine tuwing nagsasalita to piss off Crisel more.

"Titigil kayong magsalita at kakain nalang o gusto niyong supalpalin ko yang mga bunganga niyo ng heels ko?"

Kumuha na agad ako ng pizza slice at nagsimulang kumain. Habang si Elaine naman ay nagpatuloy na sa naputol niyang paglamon kanina.

Mabuti ng kumain kami because I ain't gonna lie, Crisel can be a 'little bit' violent sometimes.

Overdose on Love | ✔ Where stories live. Discover now