Chapter 4

253 23 22
                                    

"We're a family of four

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

"We're a family of four. Panganay ako at ang kapatid ko namang si Jay ang bunso."

"Kung ikaw ay Gavin Anthony Cortez ang full name, ano naman ang kay Jay?"

His left eyebrow rose after I asked his younger brother's full name. May mali ba akong nasabi? Wala naman ata eh. Baka umaapekto na naman yung kasungitan ng lalaking toh.

"Jay Gabrielle Cortez. Bakit mo natanong? Interested?"

"Kinda? Gwapo rin ba?"

Nagda-dalawang isip ko pang sagot kasi sa pagkakasabi niya at pagkakatanong niya ay parang galit siya. Wala naman akong nasabing masama eh! Wala, diba? Kasi naman eh.

Kaya ko lang naman natanong kung gwapo yung kapatid niya kasi gwapo rin siya eh. Kailangan gwapo ang genes na makukuha ng mga anak namin noh.

Tatanungin ko pa siya kung bakit parang galit siya pero dumating na ang order namin kaya hindi ko na natuloy.

Nagsimula na kaming kumain pero hindi na ulit ako kinausap ni Gavin.

Sinipa ko ang paa niya na nasa ilalim ng lamesa kaya tiningnan niya ako ng masama.

Hindi ko na sana itutuloy ang balak ko pero nakatingin na siya kaya sinabi ko na.

"Galit ka?"

"Sa tingin mo?"

Paepal naman ni future boyfie. Kahit pala harap-harapan ay tanong ang isasagot niya sa tanong mo, akala ko sa chat lang.

Wag ka mag-alala boyfie, titiisin ko yang ugali mo kasi kung hindi, baka hindi na tayo umabot sa mag-asawa. Aba, bawal yun!

"Oo? Kasi bigla kang tumahimik eh. Nagsasalita ka pa naman kanina. Wala naman akong sinabing masama sayo eh."

"Bakit? Bawal na ba ang hindi magsalita?"

Nagpatuloy na siyang kumain pagkatapos sa pagbara sakin.

Mali naman ata yung sinabi ni Elaine sakin eh. Hindi siya mailap sa tao eh, sobrang masungit lang kaya walang nalapit. Hay nako. Ang attitude masyado.

Nauna ako ng ilang minuto sakanya sa pagtapos ng pagkain, gutom eh, kaya ng makita ko siyang tapos na rin ay niyaya ko na siyang bumalik sa school.

"I hope you enjoyed your food ma'am and sir! Come again!" Sabi ng isang employee na nasa pintuan.

Hindi siya pinansin ni Gavin kaya nginitian ko siya para hindi siya mapahiya at hindi niya isiping masungit kami kahit masungit naman talaga yung kasama ko, ako lang yun hindi.

Overdose on Love | ✔ Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ