Capítulo Veintiuno

161 13 2
                                    

Hi! The next chapter which is Capítulo Veintidos will be the last followed by epílogo. I hope you can still read it until the book closes. Thank you very much!

Simula nang tagpo naming iyon ni Javier dalawang araw na ang nakakaraan ay hindi ko na kailangang gumawa ng paraan para hindi kami magkita dahil siya na mismo ay parang umiiwas na rin. Bihira na lamang siyang malagi rito sa hacienda gayung halos nandito siya dati-rati upang makipagkwentuhan sa mga dating kasamahan.

Sabagay, maari ngang nasulit na rin nila ang matagal na hindi pagkikita dahil ilang araw din naman siya pabalik-balik dito.

"Señorita."

Napatingin ako kay Enzo nang makalapit siya sa akin.

Nasa kwadra ako ngayon ng mga kabayo dahil naisipan ko silang bisitahin. Napamahal na sa akin ang mga kabayong ito lalong-lalo na si Argald na siyang regalo pa sa akin ni papá ng ako ay bata pa. Medyo matanda na rin naman si Argald pero malakas pa naman siya para sa edad niya.

"Bakit, Enzo? May problema ba?" tanong ko sa kanya pero isang iling lamang ang ibinigay niya sa akin.

"Gusto ko sanang itanong kung may nangyari bang hindi maganda sa inyo ni Javier bago siya umalis papuntang Canada?" tanong niya pero nakatingin pa rin ako sa kanya nang diretso.

"Huwag niyo po sanang isipin na nanghihimasok ako. Nagtataka lang kasi talaga ako dahil simula nang dumating siya ay nag-iba na ang trato niya sa inyo. Dati-rati kasi ay para kang isang prinsesa sa paningan niya," dagdag niya pa dahilan upang mapailing na lamang ako.

"Sabihin na lang natin na may mga nasabi ako sa kanya dati na dahilan upang ikagalit niya sa akin ng husto," saad ko at kita ko pa ang kuryoso niyang tingin sa akin pero pinili niya na lamang tumango.

"Pasensya na talaga, señorita," nakatungo niya nang sipi.

I smiled at him. "No. It's fine. Don't worry."

"Balik na ako sa trabaho ko," paalam niya sa akin kaya naman ay tumango na lamang ako dahilan upang umalis na siya.

Tulad ng dati ay hindi pa rin mawala sa isipan ko si Javier. Paulit-ulit bumabalik ang oras na tinanggihan ko ang pagmamahal niya. Pati na rin ang nagyaring sagutan namin sa aking opisina nitong nakaraan ang siyang patuloy na bumabagabag sa akin. He's mad at me and no amount of apologies can soothe his wounded heart.

Pero bakit sa tingin ng karamihan ay laging dehado ang nasaktan? Ang nasaktan lagi ang pinapaboran? Hindi ba nila naisip na nasasaktan din ang taong piniling saktan ang mahal niya para sa mas ikakabuti nito?

Sa tingin ko, minsan ay mas nasasaktan pa ang nanakit sa kadahilanang hindi naman nila tunay na ginusto ang kanilang ginawa. But even though how much my heart aches, it doesn't change the fact that I hurted him a lot in the past.

The thoughts in my mind are so loud right now. Sa tingin ko ay dapat na muna akong mag-relax.

Bumalik ako sa mansion upang magpalit ng aking damit. I chose to wear a black square-neck blouse, a white distressed jeans and red pumps. Pagkakuha ko ng classic Dior saddle bag ko ay agad na akong lumabas ng mansyon at nagtungo sa aking sasakyan.

I went to my trusted nail salon as I get myself a good foot massage and pedicure. After that relaxing session, I decided to visit Helena's restaurant.

Pagpasok ko sa restaurant ay agad kong nakita si Helena pero may kausap siyang babae. When she saw me, she immediately called me dahilan upang lumingon sa akin ang babaeng kausap niya. I stay stilled as I saw who she is. Romina Lopez, the loving mother of Javier.

Agad akong nilapitan ni Helena at iginaya sa kanilang mesa. She excused herself that left me alone with aleng Romina.

Ni hindi ako makapagsalita. Ni hindi ko alam kung dapat nga ba akong magsalita.

"Kumusta ka na, hija? Mas gumanda ka ata," nakangiti niyang saad. I manage to gave her a forced smile.

Nawala ang ngiting suot-suot niya at napalitan ng lungkot.

"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa iyo dahil sa naging pakiusap ko sa'yo noon. Hindi ko naman inaasahan na magagalit sa iyo si Javier. Ang gusto ko lang naman ay tanggapin niya ang alok na trabaho sa Canada pero ni minsa'y hindi ko ninais na magkaroon ng siya ng sama ng loob sa'yo."

"It was actually my fault. Inaakala niya kasi na ginamit ko lang siya ng panahon na wala akong masandalan. He thought, I never care about him and our memories. Iyon lang kasi ang naisip ko upang mas madali niyang tanggapin ang alok sa kanya."

"Sinubukan ko siyang kausapin tungkol diyan upang linisin ang pangalan mo, Jimena... Pero hindi siya nakikinig sa akin. Lagi niya akong pinuputol at sinasabing ayaw niyang makarinig ng kahit ano tungkol sa iyo kaya naman hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa'yo."

"Hindi na rin naman mahalaga kung galit siya sa akin. Ang mahalaga ay nagkaroon na rin kayo sa wakas ng magandang buhay," nakangiti kong wika dahilan upang ngumiti na rin si aleng Romina. By the looks of it, halata ngang naka-angat na rin ang estado nila sa wakas. Her skin may shows signs of aging such as some wrinkles and freckles yet she still looks younger than her real age. Simple pa rin naman siyang manamit pero ibang-iba na rin ang kalidad ng damit na suot-suot niya nga 'yon kaysa dati.

Her eyes darted on what's behind on me.

"Nakabalik ka na pala, Javier," wika ni aleng  Romina kaya napatingin na rin ako roon.

"Nagkakamustahan lang kami ni Jimena," nakangiting wika ni aleng Romina sa kanyang anak.

Agad naman akong tumayo upang umalis na. "Mauna na po ako," paalam ko at nagsimula nang naglakad.

"Jimena," rinig ko pang tawag ni Javier sa akin pero hindi ko na siya inintindi at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad palabas.

Tatawagan ko na lang mamaya si Helena upang sabihin na umalis na ako. All I can think of right now is  Should left this place as soon as possible. Ayoko na nang kahit ano pa mang interaksyon kay Javier. Aminin ko man sa hindi ay totoong nasaktan ako sa mga salitang binitawan niya simula pa nang nagbalik siya rito sa San Diego. I need to save my heart from more heartbreaks to come and I can only do that if I'll get rid of him in my system.

Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako nang tuluyan sa restaurant.

"Jimena," ani Javier na siyang hinigit ang palapulsuhan ko dahilan upang mapatigil ako at mapaharap sa kanya.

"Bakit kailangan mong umalis agad? Ayaw mo bang makipag-usap pa kay nanay?" tanong niya sa akin dahilan upang kumunot ang noo ko.

Ano bang pinagsasabi niya?

Hindi ba't galit siya sa akin?

Iniiwasan niya rin ako. Hindi ko siya maintindihan.

Bakit parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin?

"Hindi kita maintindihan," saad ko habang umiiling.

"Kumain ka muna kasama kami," yaya niya sa akin sa malambot na tinig na dahilan upang mapatawa ako nang hindi makapaniwala.

Seriously?

What's happening to this man?

"Javier, pasensya ka na pero kailangan ko na talagang umalis," wika ko at tumalikod na sa kanya upang magtungo sa aking kotse.

I heard him even called my name once again but I didn't even halted. Ang nasa isip ko na lamang ay makaalis sa lugar na ito.

Nang makapasok ako sa aking sasakyan ay agad ko na itong pinaandar. Mabuti pa ngang bumalik na ako ng hacienda. I thought I could relax for this afternoon but I thought wrong.

Ang nakakapagtaka pa ay ang biglang pagbago ng pakikitungo sa akin ni Javier. The last time I check, he hated me so much.

Baka kinausap siyang muli ni aleng Romina o baka naman narinig niya ang pinag-uusapan naman ng kanyang ina kanina. Kung ano man ang dahilan ay hindi ko talaga alam.

Because of thoughts that is running in my mind, hindi ko na namalayan na may makakasalubong pala akong isang malaking truck. I tried my best go dodge it but it was of no use. The truck crushed into my car as my head hit the steering wheel and everything went black.

Sincere LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz