Capítulo Catorce

123 13 2
                                    

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni aleng Romina.

I am happy dahil parehas pala kami ng nararamdaman ni Javier but sad at the same time dahil kailangan ko siyang saktan sa oras na magtapat siya ng pag-ibig niya sa akin. I don't want to hurt him. God knows, how I wanted to wrap my arms on his but...I made a promise to his mother and to myself. Hindi ako magiging hadlang sa pag-angat niya. Hindi ko siya ikukulong dito sa hacienda de Montemayor para lang makasama siya.

Sana lang ay balang araw, makuha niya sa puso niyang patawarin ako sa gagawin kong pananakit sa kanya.

"Ngayon na nga lang tayo nagkasama ulit pero parang lumilipad na naman ang isip mo."

"I'm sorry, Charity. May naisip lang talaga ako."

"Care to share," aniya at isinubo ang cheesecake na kinakain niya.

"I'm sorry but I can't," saad ko habang umiiling pero nagkibit-balikat na lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.

I'm battling with myself if I should ask her about this but I guess there's no harm in doing it.

"Charity."

"Yes?"

"Di ba nasabi mo sa akin na may gusto ko kay Javier? Ano ang nangyari at tumigil ka sa pagpapakita ng motibo sa kanya?"

"Oh, that one. Yes, I like him. I like him a lot pero kung may mahal naman pala siyang iba, then I must set him free. I believe I deserve a love that is fully mine," aniya at tumango na rin lang ako.

Maaring tinanggihan din ni Javier ang pagtatapat niya. I often hear his friends kung paano tini-turn down ni Javier ang mga nagpapahayag ng damdamin sa kanya. Well, he is handsome and kind kaya wala naman nakakapagtaka na may iilang kababaihan ang nagkagusto sa kanya. It is just sad to think that I am also one of those ladies who fell into his charm. Kahit mutual man ang nararamdaman namin ay hindi pa rin maari dahil magiging sagabal lang ako sa kanyang pag-angat.

"Bakit mo nga pala naitanong?"

Umiling ako. "Wala. It's just...nagtaka lang ako."

"Ang swerte nga ng babaeng mahal ni Javier. Like, Javier is a great catch. At balita ko ay nakapasa na rin daw siya sa board exam." She sipped on her milk tea. "Dapat ay hindi siya sayangin ng babaeng iyon."

Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanya.

If you only knew, Charity.

"Nagtataka rin ako. Bakit parang hindi ka na rin ata tulad ng dati na papalit-palit ng nobyo? Parang ang pagkakaalala kong last mong naging boyfriend ay iyong taga-Maynila."

"Many things had change, Charity," sagot ko at tumango naman siya.

"Sabagay. It's a good thing na nag-mature ka na rin. No offense meant, Jimena. It is just, at least you are a better version yourself."

Am I really a better version of myself? Sa tingin ko ay hindi dahil sasaktan ko rin naman sa hinaharap ang lalakeng mahal na mahal ko at minamahal din ako sa kung sinuman ako.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain at nang matapos na ay napagpasyahan na naming maghiwalay ng landas. I decided to go back to our hacienda and Javier's smiling face appeared on my sight.

Napangiti na rin lang ako.

"Mukhang busy ka ata, ah," wika ni Javier dahilan upang mapailing ako.

"Hindi lang naman ako. Alam kong ikaw din. Siguro napakarami mo ng offers sa kung saan ka magtra-trabaho. Choose the best, Javier. I know you deserve it," nakangiti kong wika at ang ngiting mayroon siya ay biglang naglaho.

Sincere LoveWhere stories live. Discover now