Capítulo Especial

227 14 8
                                    

I am sweating bullets as we were heading to that same familiar path. I keep on fiddling with my watch as I am sitting on the back seat. Kung pwede lang sanang hindi na tumuloy ay pinalitan ko na si Franco sa driver's seat at minaneho ang sasakyan pabalik sa San Diego.

Someone hold my hand. I can feel no roughness in it but pure gentleness. Napatingin ako sa katabi ko na siyang matamang nakatingin sa akin.

"Don't worry. Magiging maayos din ang paghaharap niyong muli," Javier said with a low yet audible voice.

I smiled at him just to masked the nervousness that I am feeling. Pero kahit ganoon ay alam kong hindi ko siya maloloko. Kilalang-kilala na niya ako kaya alam niya kung kailan ako nagpapanggap. That's one thing that I love about him, he pays attention to every little details about me.

Imbis na piliting itago ko sa kanya ang kabang nararamdaman ko ay minabuti ko nang alisin na lamang ang pekeng ngiti na aking iginawad.

"Relax. Huwag mo na lang masyadong isipin pa."

"Paanong hindi ko iisipin? I don't even know if I am even welcome to that house," frustrated kong saad na siyang hindi ko nahalatang medyo napalakas pala kaya kahit pa may tugtog ay narinig iyon ng aking kakambal dahilan upang ako'y kanyang lingunin.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Helena.

I immediately shook my head. "Nada."

"You sure?"

"Sí," wika ko sabay ngiti.

Kahit nag-aalinlangan ay tumango na lamang siya at ibinalik ang kanyang tingin sa daang aming tinatahak.

After thirty more minutes, we arrived at our destination. Inalalayan ako ni Javier sa aking pagbaba galing sa sasakyan. My heart started to beat fast once again. Kahit na kabado ay masaya ako dahil kasama ko naman ang taong mahal ko upang harapin ang hindi ko inaasahang pagtatagpong ito.

May lumapit sa aming lalake at siyang inaya na sila Franco at Javier. Napatingin sa akin si Javier na may pag-aalala sa kanyang mga mata. I nodded at him, signaling him to come with the man and Franco.

I clutched my purse. Hindi ko inakala na muli akong makakatapak sa lugar kung saan ko unang naramdaman kung paano magkaroon ng tahanan.

"Sigurado ka bang ayos ka lang talaga?"

"Hindi ata dapat ako nandirito."

"Y por qué?"

I gave her my weak smile. "Because the celebrant hates me."

"That was years ago."

"Still, what if her hatred towards me didn't fade?"

"What if it does?" she asked.

"Mira, Jimena. I thought you are the brave one among us two, mukhang nagkamali ako," she added before she sashayed her way towards the main door.

Napabuntong-hininga na lamang ako bago ako naglakad papasok sa bahay. Several guests welcome my eyes as soon as I entered the Santos' humble abode. Hindi naman iyon ganoon karami, sapat lang upang masabing intimate celebration ito ng kaarawan ni Fiona Santos.

I saw Helena talking to the newlywed couple, Raphael and Victorina. Helena seems to get along with her sister-in-law so well. Hindi ko lubos naisip kung paano nangyari iyon habang kami ni Victorina ay hindi magkasundo. Ever since we met, that lady really do hate me. Hindi naman na bago sa akin iyon dahil karamihan naman talaga ng tao ay ayaw sa akin dahil sa kagaspangan ng ugali ko.

Well if she doesn't like me, then I don't like her as well. Simple as that.

Nang araw nga ng kasal nila ni Raphael ay kung maari ay huwag na akong dumalo kung hindi lang talaga mahalaga sa akin si Raphael.

Sincere LoveWhere stories live. Discover now