Capítulo Veinte

164 13 1
                                    

Merry Christmas everyone! I wish you all the blessings that this season of giving could bring. I hope you'll like this simple present I have for you.

"I'm sorry, Hector. Alam ko na sincere ka na gusto mo akong ligawan but I think I am not yet ready for that now," wika ko kay Hector.

Dinalaw niya ako rito sa aking opisina. Pinag-isipan kong mabuti ang desisyong ito and I think ay hindi ko na dapat siya paasahin lalo pa't alam ko sa sarili ko kung sino lang ang laman ng puso ko.

Imposible man kami ni Javier. Hindi ko pa rin kayang mag-commit sa ibang tao.

Tumango siya sa akin at nagbigay ng isang magandang ngiti.

"Don't worry. I perfectly understand. Isa pa masyado nga namang mabilis dahil kakikilala pa lang naman natin."

"Hector," tawag ko sa kanyang pangalan gamit ang maliit na boses.

"Gusto ko lang kasi talagang makita ka sa huling pagkakataon bago ako umalis dito sa San Diego."

"Take care. Kung gusto mo ay pabaunan kita ng goat's milk," biro ko sa kanya dahilan upang tumawa kaming dalawa.

"But seriously, Jimena. I will miss you," he said as he smile to me genuinely.

I smiled back to him. "Me too, Mr. Sandoval."

"Hindi mo man lang ba ako bibigyan ng isang yakap?" aniya dahilan upang mapailing na lamang ako at tumayo't niyakap siya.

"Take care of yourself always," saad niya nang makabitaw na kami sa yakap.

"Ikaw din."

He nodded his head. "I think I better get going."

"Hatid na kita," sipi ko sa kanya.

"No need."

"Sigurado ka?" tanong ko sa kanya at tumango na lamang siya bilang sagot.

He raised his hand to bid his goodbye to me.

Nang makaalis siya ay nagbalik na ako sa aking upuan. Iniisip kung paano ako nakaabot sa desisyong iyon.

"Mukhang mabait na binata si Hector, mi hija. Boto ako sa kanya," saad ni mamá habang sinusuklay ang kulay kape kong buhok. Kasulukuyan kaming nasa aking silid.

Ang sabi ko sa kanya ay hindi niya na kailangang gawin iyon lalo pa't hindi naman na ako bata pero mapilit si mamá. Ayoko naman nang makipagtalo kaya hinayaan ko na lamang siya sa nais niyang gawin.

"He is, mamá. Sa kaonting araw na nagkasama kami ay ramdam ko na totoong busilak ang kanyang puso."

"Pinayagan mo ba siya na ligawan ka?"

"Sa totoo lang, I am having second thoughts about that."

"¿Por qué?"

"He is a great man pero tulad ni Franco noon, hindi ko makita ang sarili ko na makasama siya habang buhay."

"I am so proud of you. Dati-rati ay kung magpalit ka ng nobyo ay parang nagpapalit ka lamang ng damit pero ngayon, lubos mo nang pinag-iisipan ang kada desisyon na gagawin mo."

"Mamá, tama ba na hindi ko na siya paasahin pa?" tanong ko sa aking ina nang makaharap na ako sa kanya.

"Alam kong alam mo na puwede mong subukan at maaring mahulog din ang loob mo sa kanya pero kung may iba ng nilalaman ang puso mo ay maari ngang mahirapan siyang makapasok diyan," ani mamá at hinawakan ang parte kung saan naka-locate ang puso ng isang tao.

"Is there someone are you in love with, Jimena?" tanong niya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.

"Hindi naman na po mahalaga iyon dahil matagal na rin naman iyon. 'Tsaka isa pa ay sigurado akong pagkamuhi na lang ang nararamdaman sa akin ng lalakeng mahal ko."

Sincere LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon