Capítulo Dieciocho

147 12 3
                                    


"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Pinaglalaruan mo rin ba ang lalakeng iyon tulad nang ginawa mo sa akin dati?" mariin niyang tanong habang ako naman ay pilit umiiling. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. Nangungusap na mata ko na lamang ang ibinigay ko sa kanya.

Tinanggal niya ang kanyang palad na nakatakip sa aking bibig.

"Tell me, Jimena," naghahamon niyang saad.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ko siya pinaglalaruan at mas lalong hindi kita pinaglaruan noon," mariin kong wika pero tumawa lang siya. Pagkatapos ay bumalik din ang seryoso niyang tingin sa akin.

Ngumisi siya. "Sino pa ba ang niloloko mo? Hindi na ako ang dating Javier na madali mo lang mapaamo."

"Kung ganun. Para sabihin ko sa'yo, hindi na rin ako ang dating Jimena na mapaglaro," mariin ko ring sabi habang ramdam ko pa rin ang matigas na pader sa aking likuran at ang kanyang magaspang na palad sa aking braso.

Alam kong magsasalita pa siya pero bigla na lamang siyang natumba nang dahil sa malakas na suntok na tinamo niya. Maging ako ay nagulat sa nangyari.

"What do you think you're doing?!" galit na tanong ni Hector nang makalapit na sa amin.

Dinaluhan si Javier ni Enzo at ng iba pang mga trabahante. Tumayo siya at pinunasan ang dugo sa pumutok niyang labi. Hindi siya nagsalita pero madilim lang ang titig niyang nakatingin sa akin.

Nag-aalala ako sa kanya dahil sa suntok na tinamo niya pero mali rin naman na bigla-bigla na lang niya akong hinihila. I understand Hector why he did such. Gusto niya lang akong iligtas kay Javier kahit hindi naman na kailangan.

"What?" marahas na tanong pa rin ni Hector pero ngumisi lamang si Javier.

"Kung ako sa'yo, mag-iingat ako sa babaeng 'yan. Hindi mo pa siya lubos na kilala," ani Javier na kay Hector nakatingin. Tinalikuran niya kami at nagsimula na siyang maglakad.

Hindi pa rin naalis ang aking tingin sa lalakeng mahal ko.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Hector kaya tumango na lamang ako habang nakatingin pa rin sa naglalakad na si Javier.

Sa tingin ko ay dapat kaming mag-usap. Ito siguro ang pagkakataong iyon.

"Javier," tawag ko sa kanya nang hindi ko na mapigilan ang sarili. Huminto siya sa paglalakad ngunit hindi pa rin humaharap sa amin.

"Mag-usap tayo," saad ko na may kaonting pagmamakaawa sa boses ko.

"Jimena, are you nuts? That guy harrased you," wika ni Hector pero hindi ko na lang siya pinansin. Ang mahalaga ngayon ay makapag-usap kami ni Javier.

Hindi nagtagal ay humarap sa amin si Javier at tumango. Ibinaling ko naman ang atensyon kay Hector. I smiled at him to give him an assurance that I will be ok.

"Thank you for your concern pero sa tingin ko ay kailangan muna naming mag-usap," sipi ko kay Hector at wala naman na siyang nagawa kundi ang tumango.

"If you need anything, just call me," aniya sa malumanay na paraan.

Tumango ako. "Salamat."

At sa pagkakataong ito ay umalis na siya at ang iba pang trabahante. Muli kong ibinaling ang tingin kay Javier na siyang seryoso ring nakatingin sa akin.

"Sa opisina ko tayo mag-usap," saad ko at tinalikuran na siya upang makapasok sa aking opisina. Narinig ko naman ang kanyang yabag na sumunod sa akin.

When we entered the office, he closes the door. A defeaning silence filled the entire room.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko alam kung ano ba talaga dapat ang sasabihin ko. All I know is I needed to talk to him right at this moment.

Sincere LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ