Kabanata 18. Lover's Carry

73 2 3
                                    

" Sorry po. Sorry po." Nakarami na ako ng taong nakakabunggo kasi naman si Utak-Butiki hinahabol niya pa rin ako. Hindi ko naman talaga sinasadya e. Ano kayang gagawin niya sa akin kapag nahuli niya ako? Ibibitin niya kaya ako ng patiwarik o itatali niya kaya ako at gawing alagang aso niya o di kaya hala baka pagsamantalahan niya ako. Hindi! Hindi pwede!

" Hoy, hindi mo ako matatakbuhan!"

" Hindi ko naman sinasadya e."

" Anong hindi sinasadya?! Haaaaa!"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya tumabo ako sa lugar kung saan kaunti ang tao pero bigla na lang may kahoy na tumisod sa akin. 

" Aaaa!" Sumadsad ako sa lupa.

Ang sakit. Agad-agad akong umupo mula sa pagkadapa ko. Grabe, nakakahiya. Lumingon ako at nandun nga si Utak-Butiki na pinipilit pang pigilan ang pagtawa niya. Pulang pula na talaga mukha ko neto.

" Libre tawa!" sigaw ko.

Nakatayo siya mga tatlong metro ang layo sa akin.

" Sure ka? HA-HA-HA-HA-HA-HA-HA-HA-HA" Grabe talaga ang tawa niya. Nakahawak na siya sa tiyan at halos mapahiga na siya.

" Sige! Tawa pa."

Habang tumatawa siya, pinipilit kong tumayo. Medyo napilay yung kaliwang paa ko. Hinayaan ko na lang si Utak-Butiki sa katatawa. Hindi pa rin talaga siya tumitigil.

Hinay hinay akong naglakad gamit yung isa ko paa.

" Kahit kelan talaga," bulong ko sa sarili ko habang pabalik na sa booth namin. Ang layo rin pala ng tinakbo ko.

" O 'yan kasi," paninisi ni Utak-Butiki na nasa likod ko.

" Masaya ka na?"

Hindi na siya umimik. Apat na metro palang ang nalalakad ko pero masakit na talaga ang paa ko. Eto namang si Utak-Butiki e nasa likod lang at sinusundan ako.

Umupo muna ako sa tabi upang pagpahingain yung mga paa ko. 

" Hindi ka ba makikiusap sa akin na tulungan kita?"

" Sa'yo? Hindi no. Baka lumala lang ito."

" Bahala ka sa buhay mo."

" Sige. Alis na!"

Umalis na nga siya at tumayo uli ako para magpatuloy sa paglalakad. Ang sakit talaga. Hindi ko naman maisisi sa kanya kasi ako naman 'tong tumakbo agad.

Matapos  ang limang minuto, bumalik si Utak-Butiki. 

" Ano?"

" Hay, ikaw na nga 'tong tinutulungan. Sakay na," sabi niya sabay tumalikod at umupo sa harapan ko. " Buhatin na kita. Kawawa ka naman."

" Ha? Hindi na."

" Sige kung ayaw mo edi huwag!"

" Teka lang, sige na nga pero kasi ..."

" Kasi ano?"

" ..Naka-skirt kasi ako"

" Aa. Edi ganito na lang"

Pagkasabing-pagkasabi niya nito ay nilover's carry niya ako. 

" Woah. Anong ginagawa mo?"

" Binubuhat ka."

" Ibaba mo na lang ako, nakakahiya."

" Ang arte mo."

Pinagtitinginan kami ng mga tao kaya tinakpan ko na lang ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.

" Ang bigat mo kaya huwag kang magalaw diyan."

Tumahimik na lang ako habang dinadala niya ako sa clinic. 

" Baba ka na."

" Salamat Utak-Butiki este Price."

" May kasalanan ka pa sa akin," paalala niya habang itinuturo yung polo niyang nabasa ng juice.

" Ay, oo nga pala. Sige alis ka na. Hehehe."

Ginamot yung paa ko sa clinic pero sabi ng nurse e, ipahinga ko lang daw ng buong gabi e ayos na. 

Maya-maya nandun na si Rian at Shin sa labas clinic. 

" Ano na naman ang ginawa ni Price sa'yo ha?" tanong ni Shin.

" Actually, siya nga yung tumulong sa akin. Saka ako yung may kasalanan sa kanya."

" Ganun ba? Buti na lang hindi ko siya sinuntok kanina."

" Pero ayos ka lang ba?" tanong ni Rian.

" Oo okay na. Konting pahinga lang."

" Hatid ka na namin. Dibale, marami namang naiwan sa booth natin."

---------

Author's note:

Sana kahit short e worth it. God bless !!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Si DANCER at AKOWhere stories live. Discover now