Kabanata 3. They Meet Again

170 14 11
                                    

Matutulog na ako pero hindi pa rin nawawala ang pagkainis ko sa lalaking iyon. Akala mo kung sino. Pakiramdam ko na parang natapakan yung pagkatao ko at saka hindi naman ako ganung uri ng babae.

1 message received

"Nice proposal Ms. Reyes. I would like to inform you that I have presented your proposal to the faculty and they are certainly in for it so you'll start this tomorrow. I asked some of the teachers to help you. Good luck and God bless your efforts- Your Principal"

"aaa. Yehey!"

Reply.

"Thank you sir. Pagbubutihan po talaga namin. I am really glad for your positive feedback. Again, thank you sir."

Sent.  Pampaalis ito ng bad vibes. 

The next day sa council office...

"Guys, we'll start our project today. The principal was positive with regards to our proposal," sabi ko pagkarating na pagkarating ko sa office.

"Hah! Okay. We'll post this then on the bulletin board," sabi ni Shin.

Tungkol sa tutorial service project ang ipo-post nila

------------------------------------------------------------------

Nangangailangan ng tulong?

Punta lang sa opisina ng inyong Student Body Council at ikinagagalak namin na kayo ay turuan. 

Weekdays 7:00 - 8:00; 12:00-1:00; Saturdays 1:00-3:00 

-----------------------------------------------------------------

"Kaya natin 'to!" dagdag ni Rian.

"Sige maiwan ko na kayo. Kukunin ko lang yung listahan ng mga magreremedial class," pamamaalam ko.

Umalis na ako at kinuha yung listahan sa Principal's office.

Unang pahina- mga nahihirapan sa Science. "Kay Shin na lang 'to"

Pangalawa-  sa English. "Kay Rian"

Pangatlo- Math. " Kay Amy na lang 'to. (Yung auditor)

Pang-apat- ......mga halos lahat. "Oh my. Sobra naman"

"Mga pasaway kasi yang mga yan. Ayaw magtino. Baka mahirapan kayo. Sila kasi talaga yung gusto naming turuan pa lalo kaso hindi talaga nagiging successful kaya baka kung kayong mga kapwa nila estudyante baka makikinig sila, hopefully," paliwanag ni Teacher Sanchez.

"Ay, ganun po ba. Hayaan niyo po. Gagawin namin ang best namin."

"Sige. Maraming salamat"

Bumalik na ako sa office at binigay yung listahan kina Shin,Rian at Amy.

"So kayo ang parang leader diyan. Magtawag kayo ng mga kasama niyo and ngayon, tawagin niyo sila tapos sabihin niyo yung time ng remedial class. TThF 5:00-6:00 S- 9:30-11:30, nakasulat na diyan yung mga rooms. Yung materials needed nandun na raw sa supply office at library kung books naman."

"Tapos akin na 'tong panghuli."

Lahat ng tuturuan ko ay galing sa Section H, ang huling section ng mga senior. Pinuntahan ko na nga sila.

Nakasara yung pinto tapos ang ingay sa loob. Kumatok ako pero walang nagbukas ng pinto. Kumatok ulit ako pero wala pa rin kaya binuksan ko na lang. 

Nakakagulat...

Ang lakas ng tugtog...

May grupo ng mga lalaki sa likod ng room tapos sumasayaw ata. Tapos yung mga nanonood sa kanila ay nakatayo na sa mga lamesa at upuan kaya hindi ko makita kung ano ang meron sa likod. Yung pinto pa kasi ay nasa harap. 

[Ohh myy Gosh.....Baby let me love you down.. There's so many ways to love..] (OMG ni USHER ft. will.i.am see media sa right para sa sayaw )

"Excuse me! May announcement lang po," pasigaw kong sinabi. 

Walang pumapansin sa akin. 

"Eeexxxcussse meeeee!!!"

Wala pa rin. Bigla silang nagsigawan nung nasa chorus na yung kanta.

"Eeexxxcussse meeeee po. Wala bang makikinig sa'kin dito. Mga bingi!!"

Wala na akong magawa. Nayayabangan ako sa mga tao dito. Bumaba ako sa opisina ng Student Body Council at kinuha yung megaphone. Nang bumalik ako, ganun pa rin ang nangyayari.In-activate ko yung siren sound ng megaphone.

.

.

.

.

Biglang tumigil ang tugtog at dahan-dahan silang tumingin sa akin.  Okay, ayan nakuha ko na rin yung attention ninyo.

Gamit ang megaphone, " Sa lahat ng mga babanggitin kong pangalan, you are required to attend the remedial classes. 5:00-6:00 TThF sa room na malapit sa library yung pinakauna tapos Saturdays 9:30-11:30."

Bago pa man ako matapos. Marami ng mga reklamo ang naririnig ko.

"Huwag na kayong magreklamo kasi kayo na nga itong tinutulungan at sana tulungan niyo rin ang sarili niyo," sumbat ko sa kanila. Natahimik sila pero ang sama ng tingin sa akin.

"Lalong lalo na sa mga babanggitin ko kaya makinig kayo.

Alberto Gener. Bigla siyang tumayo at tinignan niya ako pero agad-agad naman siyang tumalikod. Wala akong mabasang reaksyon sa mukha niya parang wala siyang pakialam. May hawak siyang lollipop.  Matangkad at maputi siya. 

Ramon Ferrer. Malaki ang katawan niya at parang napakatapang niya. Nakakatakot siya. Tinitigan niya ako ng napakasama na parang lalamunin niya ako. Papalapit siya ng papalapit pero bigla siyang huminto at humalakhak. Maya-maya, tumigil siya sa  " Heh! Hindi ko kailangan 'yan. Henyo ata ako. Kayo? Kayong magtuturo sa amin? ," mayabang niyang pagtatanong.

Dennis Santos. Hindi siya masyadong matangkad. Maamo ang mukha niya. Maputi at nakasalamin. "Okay. Iyon lang pala e." 

Benjie Gil.  Magkasingtangkad lang sila ni Dennis. Sumasayaw pa rin siya kahit wala ng tugtog. Wala siyang sinabi. Napalingon lang siya at nagpatuloy na sa ginagawa niya.

.

.

.

Ika-sampu, Price Wantel. Familiar 'tong pangalang Price a. Alam ko na! Siya yung lalaking arogante sa daan. Tinignan ko siya at nasa itaas siya ng lockers. Naka-upo siya dun at kanina pa siya nakatingin sa akin. Inaalala niya siguro kung sino ako. Matangkad siya at maputi. Nakakunot noo siya. Tinignan ko rin siya pero inalis niya ang tingin niya saka binalik sa tainga niya yung earphones na nakasabit sa leeg niya.

"Magsisimula na tayo bukas," sabi ko at biglang umalis.

------------------------------------

Hello Readers:)

Ano kayang mangyayari sa remedial class nila considering na si Miya pa yung magtuturo at take note parang mga pilyo ang mga tuturuan niya? 

Spoiler Alert: Narinig ko na isang malaking digmaan daw ang nangyari sa unang araw ng remedial class nila. Not sure. Narinig ko lang. Hahahaha.

Si DANCER at AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon