Kabanata 6. Another Attack From Price

120 14 11
                                    

"Hay. Ano na naman kaya ang mangyayari ngayon?" sabi ko kasabay ng paghinga ng malalim. Saktong 7:00 na ng umaga at nasa loob ako ng Student Council Office. Naghihintay ako ng mga magpapa-tutor.

"Hello po! " pagbati ng isang babaeng mukhang isang junior o baka grade 8 habang kumakatok siya sa pintuan.

"Yes? Pasok ka," sabi ko.

"Hello ate. Magpapaturo lang po ako sa Math homework namin. Nasagot ko na po yung iba pero itong isang number lang ang hindi ko po makuha. Pwede pong paturo?"

"Aa, sige. Halika, upo ka dito. Patingin nga," sabi ko sa kanya. 

Tinignan ko yung problem. Isa itong Geometry problem. Tinuro ko sa kanya at sana nauunawan niya. Habang tinuturuan ko siya, dumarating na rin sina Shin at sila na ang umaasikaso sa ibang nagpapaturo.

"... Ayan tapos gumamit ka na ng Pythagorean theorem sa huli. Tapos makukuha mo na ang sagot. Okay ba?"

"Aaa, Wow. Salamat po," sabi naman niya.

"Naintindihan mo ba?Baka kasi masyado akong mabilis" tanong ko.

"Opo. Ang galing niyo pong magturo."

"Haha. Binola mo pa ako pero salamat naman. Anong pangalan mo pala?"

"Catherine po,"sagot niya.

"Catherine? Uhm, junior ka?" tanong ko.

"Opo. Sige po ate. Maraming salamat po," pagpapaalam niya.

"Aa. Sige. Balik ka ha?" sabi ko naman.

"Sige po. Salamat po talaga." sagot niya saka umalis.

Catherine? Siya kaya yung nagsulat ng letter na 'yun?

Hmmm. Unti-unting dumarami naman ang pumupunta sa office para magpaturo. Natutuwa naman ako kasi nagtutulungan lahat.

Lumipas na ang isang oras kaya kailangan ng pumunta sa sari-sariling klase. Pumasok na kami at itinigil muna ang tutorial. 

Sabay kami nina Shin at Rian na pumunta sa aming klasrum.

"Miya, binato ka pala ng saging nung remedial class kahapon?" tanong ni Rian.

"At kanino mo 'yan nalaman?" tanong ko sa kanya.

"Usap-usapan sa facebook," sagot niya.

"Saging? Iyon ba yung nilagay ko sa bag mo kahapon? Aish. Akala ko sa'yo. Hihi. Sorry," sabi naman ni Shin.

"Shin! Nakakainis kayo. Huwag na nating pag-usapan."

Tumahimik na sila. Nagklase na nga kami. Lumilipad tuloy ang isip ko. Paano kaya 'yung remedial mamaya? Paano kaya ako haharap sa kanila? Mali! Paano kaya sila haharap sa akin?

"Ms. Reyes!" sigaw ng titser namin ng Physics. 

"a-e?"

"You're not with us. You're not listening. Now, state the 3 laws of Newton with regards to motion."

Hooh. Buti na lang. Sinagot ko 'yung tanong niya. Buti na lang alam ko. 

"Galing mo!" bulong naman ni Shin na nakaupo sa harapan ko.

"Very good Ms. Reyes. Next time, even if you know the lesson, you should still listen."

"Yes ma'am. Sorry." Kasalanan 'to ng utak butiking 'yun e.

Nakinig na ako. Ang next class naman namin ay Chemistry. Habang naglalakad kami papunta sa Chemistry room namin, may naririnig akong nakakairitang boses. Bakit parang may naririnig akong pamilyar na halakhak? Palakas ng palakas ito.

Si DANCER at AKOWhere stories live. Discover now